Orphanage
“Congrats Felipe..” Bati ni ma'am habang inaabot ang test paper ko. “Nice job ipagpatuloy mo pa iyan sa Senior High. Magsipag kalang lagi,” mahina akong napahagikgik ito ang unang beses na purihin ako ng isang teacher. Nakaka overwhelmed naman!Patalon-talon akong pumunta sa upuan habang hindi mapukat ang ngiti nagtataka na nga si Feitan. “Ilan ka?” Tanong niya agad, “patingin nga ng score mo.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, tapos ipagco-compare mo ‘tas magdadabog ka kapag mataas ako sayo? Akala ko ba crush mo ako? Sus, fake naman niyang nararamdaman mo para sa akin.”
Madrama nitong inilagay ang kamay sa dibdib umaktong nasusuka. “Pwede ba Smile ‘wag kang mag-inarte pasalamat ka nga nagustuhan kita kahit ang jejemon at dugyot mo.” Inis ko siyang hinampas. “Totoo! Excuse me may nililigawan na ako Ginnel pangalan.” Aniya at mukhang proud na proud pa.
“Sana lang at ma-turn off sayo kung sino mang babae iyon!” Singhal ko.
“Ay bastos akala mo naman may dede!”
“Anong connect ng dede ko sa usapan?!”
“May ipagmamalaki,” asar nito sa akin. Hindi ko na gets kaya inis siyang nagsalita, “dede. May ipinagmamalaki in short dede? Gets mo? Ang slow naman!”
Binatukan ko ito. “Joke ba ‘yon? Ikaw lang naka-gets!” Nagbelat nalang ito at nagkanya-kanyang mundo na sa gilid ng paningin ay pansin ko ang masayang pag-uusap nila Gremory at Rafiya. Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga bahagyang nalukot ang test paper.
Gusto ko sanang lapitan siya at sabihing naka perfect ako.. Gusto ko pero alam kong ginawa niya lang ang iniutos sakanya at wala itong pake sa akin.. Malamang.
Nakatanaw lang ako sa labas habang may kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko. Iniisip kung sampong taon mula ngayon ano kaya ang kahihinatnan ko? Magtatagumpay ba ako sa buhay? Takot akong magkamali dahil hindi naman ako dapat umasa lang kay mama Karina, sapat ng kinupkop niya ako at tinulungan, pinapakain, binibihisan.
Iaasa ko pa ba sakanya ang buong buhay ko kung maging ako’y hindi sigurado sa kukuning daan sa buhay? Alam mo iyong pakiramdam na wala kang ideya sa tatahakin mong landas, magulo, malabo at higit sa lahat walang kasiguraduhan. Tipong malapit na kaming magcollege pero hindi ko alam kung anong kurso. Kakayanin ko ba? O hindi?
Ang hirap.. Naiingit ako sa ibang mga kaedaran na napaka-sigurado na sa buhay. Alam na nila kung anong gusto nilang maging.
“Dorothy!” Lumingon ako sa taong tumawag sa akin. “Pst!” Awtomatikong napatayo ako at pinuntahan sa labas si Cosmos na may kaakbay na lalaki.
Kumaway ako sakanya, “hello! Bakit?” Ani ko napakamot ito ng batok.
“Si Gremory busy ba?” Umiling ako. “Talaga? May practice kami mamaya. Gusto mong manood? Kailangan namin nina Troy, Wendell at Alex ng suporta mo. Number one fan ka kaya mg Victorious,” ngumuso ito. “Ang tagal na magmula noong tinigilan mo ng manood.”
Nag-iwas ako ng tingin. “B-Baka bawal..” Mahina kong bulong na narinig naman nito. “At saka malapit na recognition ah.. ”
“Bakit bawal? Anong bawal? Sinong nagsabing bawal at ipapaamoy ko utot ni Wendell,”
“Grabe ka naman Cosmos!”
“Joke lang. Kung si Gremory ang inaalala mo ‘wag kang mag-alala kami na ang bahay takpan nalang namin siya gamit ang itim na tela kunwari background.”
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...