SL 9| Worried
“Bakit?” Ani ko, nag-aalala na sa nangyayari kay Gremory. Patuloy pa rin kasi ang pagdugo ng kanyang ilong. “Feitan naman!”
Kusa na lamang itong bumitaw may kung anong emosyon ang naglalaro sakanyang mga mata na para bang nasasaktan ito. “Nag-aalala rin ako sayo.” Tipid nitong sabi, “pero sige.. Puntahan mo na siya..” May kakarampot itong ngiti at tumalikod na papunta sa pinsan nito. Kitang-kita ko kung paano pabirong sinakal ni Deiry ang pinsan pagkuwana'y malamlam itong pinagmasdan na para bang inaalo niya ito.
Bakit? Anong ginawa ko? Inaway ko ba siya? Ipinilig ko ang ulo at dumako sa gawi ni Gremory, dali-dali akong naglakad papunta sakanya at agad na tinutulungang alalayan ito.
Sinundan ko sila hanggang sa clinic, doon agad inasikaso si Gremory at binigyan ng gamot para sa dumudugo nitong ilong. Napapailing pa ang nurse, narinig ko ring malakas daw ang impact ng tumamang bola sa mukha nito kaya't malamang sa malamang ay mahihilo ito.
“Una na ako, ” ani Rossweisse na nakapamulsa. “Rito ka muna Dorothy, ikaw na bahala ah..”
Nangunot ang noo ko. “Rossweisse!” Tawag ko sakanya.
Lumingon ito na may halong pagtataka, atat na atat nang umalis. “Bakit?”
Humugot muna ako ng napakalalim na buntong hininga bago ito sagutin. Ayaw niya bang magising si Gremory na siya ang kasama nito? Ayaw niya pa rin bang kausapin ito? “Hindi ba dapat ikaw ang magbantay sakanya? Alam mo namang...” Natigil ako, “alam mo namang ayaw na ayaw sa akin ng kaibigan mo... Baka paalisin lang ako..”
“Hindi iyan,” ngumiti ito ng tipid. “Kapag pinagtabuyan ka sapukin mo.”
“Hindi pa ba kayo nag-uusap?” Tanong ko. Alam kong wala akong karapatang maging malisyosya. Pero kasi.. Si Gremory iyon eh, “Rossweisse.. Please kausapin niyo na siya..”
Tila ba lalong nairita si Rossweisse sa mga sinabi ko. “Lahat kayo... Bakit lahat kayo na kay Gremory ang kampi?” Ganoon ba kalalim ang galit niya? “Puro Gremory dito, Gremory doon. Puro kayo Gremory. Nakakairita na.” Nanlalaki ang mga mata akong nakatingin sakanya.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito, madalas ay maloko, maligalig at palatawa. Animo'y hindi mo mababakasan ng galit... Ngunit hindi ngayon.. Nilamon kami ng katahimikan walang nagsalita, walang makapang tamang mga salita para sambitin.
“Talk to him. Lash out your anger then think.” Sabay kaming napalingon ni Rossweisse sa nagsalita, naroon si Deiry na nakasandal sa pader habang naka cross arms sa tabi nito'y naroon si Xerxes. “Pride.” Ngumiwi ito. “Not good.” Nilapitan ko si Deiry akmang magtatanong kung nasaan si Feitan ng umiling siya. Indikasayong nasa maayos naman itong kalagayan.
“Hayaan mo na, nahihiya lang sayo iyan..” Bulong ni Xerxes kay Deiry pero narinig ko naman. Walang salitang nilagpasan kami ni Rossweisse mukhang wala talaga sa mood para sabayan kami. “Tara tignan natin si Gremory. Buti nalang talaga bff,” idiniinan nito ang salitang BFF kaya naman natigilan si Deiry. “Buti nalang talaga kinausap mo si ma'am, naku kung ako talaga hindi nakapagpigil kakalbuhin ko iyang bruha na iyan!” Singhal nito.
“Sana ginawa mo,” segunda ni Deiry.
Tumango ito. “Sige next time. G ka?”
“Geh.”
Iba talaga kapag magka vibes ngayon palang parang gusto ko nang balaan si Stacy ma mag-ingat sa pinagsamang lakas ni Deiry at Xerxes parehas pa namang palaban ang dalawa. Naalala ko noong kumalat sa campus na nakipagsabunutan si Xerxes noong grade 7 ito sa Senior namin. Inaagaw daw kasi nito yung crush niyang Denver ang pangalan.
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...