Chapter 14

52 8 1
                                    

SL 14| Highlighter


“Go Gremory! Go Gremory!” Pinagtitinginan na ako, wala akong pake. “Go! Victorious! ” Cheerleader ang drama ko ngayon nagkaroon ng SHS Got Talent sa school at isa sila Gremory sa sumabak.

Ang gwapo, gwapo niya. Naka simpleng t-shirt lang siya pero iba ang dating. Maangas. Napatili ako ng mapatingin siya sa gawi ko bigla ako nitong sinenyasan.

“Bakit?” Tanong ko, nakakunot ang noo. “Ah?”

Inis nitong binato ang bottled water sa katabi kong basurahan. “Shut the fuck up, you're ruining our practice.” Napayuko ako pagkuwana'y nag peace sign, napapahiya sa mga kagrupo nito.

Tumayo na rin si Troy Alvarez, kasamahan niya sa banda. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay upang igaya sa kung saan. Mas matanda ito sa amin nina Gremory nasa grade 11 na. “Saan po tayo Kuya?”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapunta kami sa may pinakadulo, malayo sa stage kung saan sila nagpa-practice. “Dorothy,” humugot ito ng malalim na hininga. “I appreciated your efforts, yung pag checheer mo lagi sa amin kapag hindi kami gusto ng audience, yung pa miryenda mo at iba pa. Pero hindi talaga gusto ni Gremory iyon mas naapektuhan yung performance namin kasi kapag nariyan ka lagi siyang badtrip.. Kaya please,” kumibot ang labi ko. “Ayaw namin nina Cosmos, Alex at Wendell pero wala kaming magagawa si Gremory ang leader, sooner or later baka ano pang mga salita ang masabi niya sayo. ”

Tumango nalamang ako kay Kuya Troy, pinat nito ang ulo ko at marahang ginulo. Binigyan niya pa ako ng candy sa hindi kalayuan kitang-kita ko ang pagkaway nila Cosmos. Kahit papaano'y turing ko sakanila ay kaibigan masasabi kong close na rin kami, syempre maliban kay Gremory.

Nang maglakad na paalis si Kuya Troy ay ikinasya ko ang sarili sa makipot na pwestong ito, hindi ko sila gaanong tanaw pero naririnig ko pa rin naman ang pagtugtog nila. Siguro dito ko nalang isusupport. Feeling ko talaga mananalo sila, walang duda!

Habang nakatanaw ako'y inimagine ko ang sarili. Kumakanta sa dagat ng mga tao habang nakikinig sila, ang sarap sa pakiramdam. Tapos sinisigaw nila iyong pangalan ko ng puno ng paghanga na hindi dahil pinagtatawanan ako o pinagtritripan.

Limang kanta, nakatapos sila ng limang kanta bago nagkaroon ng break. Pasimple ko namang pinagmasdan si Gremory habang nagtitingin sa gamit nito, inilagay ko kasi iyong lunch box doon sa may gamit niya. Nagluto ulit ako narinig ko mula kina Rossweisse noon na walang oras para magluto si Gremory para sa sarili dahil siya lang mag-isa sa bahay nila.

“Yes..” Bunyi ko ng kunin niya ito agad ding napalitan ng iabot niya uli kay Cosmos na tinatanggihan siya, alam ni Cosmos na galing iyon sa akin.

“Aga mo naman..” Pansin ni Cosmos sa akin habang naghihintay dito sa stage ng pagpapraktisan nila. “Gusto mo pandesal?” Umiling ako. “Wala pa sina Gremory, Alex, Wendell at bebe Troy.” Natawa ako ng mahina.

Ipinakita ko ang lunch box sakanya. “Ibibigay ko sana kay Gremory, ” pinigilang mautal. “Niluto ko kasi para sakanya sana kainin.” Inakbayan ako ni Cosmos.

“Oo ‘yan! Sarap kaya ng adobo mo! Sarap din nung banana bread na pinamiryenda mo sa amin, ikaw nagluto nun?”

Masaya akong tumango. “Oo, easy lang kasi tapos sumasama ako kina Tita Karina kapag may feeding program at may pinupuntahan sila kaya ang dami kong natututunan.” Ani ko.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now