Chapter 38

45 5 1
                                    

Opportunity


Ito ang unang beses kong makatapak sa Maynila. Nalula ako ng tumambad ang naglalakihang gusali, may mga magagarang kotse at isama mo na roon ang pakalat-kalat na mga namamalimos.

Naalala ko ang sinabi ni mama, maganda nga sa Maynila. Mahigpit kong niyakap ang body bag ko habang naglalakad sa apartment na inupahan ko para dito muna pansamantalang manuluyan habang nanatili ako rito.

“Sa taas ang kwarto mo, may paunang bayad na kaya kompleto na lahat ng kailangan mo. May tubig na sa banyo at bagong kabit ang bombilya.. ” Mataray na sabi ng landlady, tumango ako. “O'sya maiwan na kita..” Anito.

Napabuntong hininga ako habang inaayos ang mga gamit sa isang oracan cabinet. Sunod kong hinubad ang jacket na binurda pa mismo ni nanay para sa akin, kinuha ko rin ang cellphone kong pinaglumaan na naman ni Feitan kinuha kasi niya iyong cherry mobile sa akin at pinalitan ng vivo niyang pinaglumaan. Para pa itong bago pero ang sabi niya'y pinagsawaan niya na ito kaya ibinigay sa akin.

Pinagsawaan pero noong ibinigay niya'y nakabalot pa at may resibo.

Siguro'y nag-aalala si Deiry ngayon, ito ang unang beses na nagkahiwalay kami ng kaibigan ko. Gusto pa nga niyang samahan ako rito pero tumanggi ako, masyado na iyong abala sakanya lalo na't may problema ring kinahaharap ang boyfriend niyang si Rossweisse.

“Kaya mo 'to Dorothy.. ” Pagpapalakas ko sa aking loob, saglit na dumako ang kaisipan ko sa kanya... Kay Gremory. Napangiti ako ng mapait nang maalala ang nangyari.

Napahiya na naman ako at mas grabe ito. Ayaw ko pa sanang tumuloy dito pero nagising nalamang ako isang umaga na naisip kong sobra na ang pagkatanga ko sakanya. Hindi na 'to normal, kaya siguro ayaw niyang malaman ng iba dahil nakakahiya ngang makasama ako. Ngayon lang luminaw ang pag-iisip ko, na kahit kailan hinding-hindi ako ipagmamalaki at mamahalin ni Gremory.

Ang sakit lang. Pagkatapos kaming maghalikan at ang iba'y mas malala pa roon para lang akong bayarang babaeng iiwan niya bigla at kapag nagkikita kami sa eskwela'y titignan niya lang akong mapahiya o siya mismo ang gagawa.


Napakatanga ko... Ang sakit.


Hanggang sa sumapit ang gabi’y dinama ko ang pag-iisa. Bukas ay pupuntahan ko agad ang address ng entertainment company at makikipagkita sa producer. The chill breeze was fanning against my skin as I silently prayed that this decision might be the first step for my life to change.

Kinabukasan, suot ang mga pinabaong mamahaling damit nina nanay at tita’y dumiretso ako sa nasabing address. I want to set a good impression kalimitan kasi’y nagre-reflect ang first impression sa kabuuan ng galaw mo kaya hanggat maari’y sana ay umayon ang panahon sa akin.

“Do you have an appointment ma'am?” The receptionist asked. Nagkukumahog kong ipinakita sakanya ang email nang mabasa ito’y dali-dali siyang nagtipa sa computer. “Ah, please allow me to escort you to the office.” She has a faint smile like she wants to tell me something.

Nagtataka ko siyang sinundan mula sa hallway kitang-kita ko ang iba’t ibang mga trainees kagaya ko. Gusto ko lang naman maging sikat na singer... Mula sa glass wall nakita ko ang bawat galaw at aliw sa musika ng mga kaedad ko tuloy ay bigla akong nainggit. Alam ko sa sarili na hindi ako ganoon kagaling, kaya makaka survive ba ako sa industriyang ito?

I shooked my head, “believe in yourself Dorothy!” Ani ko.

The receptionist cough. “Alam mo iha,” napalingon ako sakanya. “Nararamdaman kong malayo ang mararating mo. May mga bagay lang talagang kailangan mong maranasan para tuluyang maabot ang mga bagay na inaasam-asam mo.”

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now