Chapter 21

53 7 4
                                    

Plant tito

“Gremory has a lot of red flags.. A walking red flags..” Deiry said while sipping her tang juice. Kailan pa siya naging fan ng Tang Juice?

I smirked, “flag pole ako. Kung siya red flag ako flag pole...”

Deiry rolled her eyes.. “Smooth for a tanga like you.”

Nanlaki ang mata ko. “Hoy! Foul ‘yon ah!”

“Strike ‘yon kung ganoon. Sapol sayo ano?”

Naimulat ko ang aking mata at nagising ang diwa sa pagkakatulog ng maramdamang may yumuyugyog sa akin mula sa marahan ay naging marahas. “Dorothy, ” tawag nito. “Anak gumising ka na..” Napaungol ako. “Dorothy, anak may maghahanap sayo sa sala..Hinihintay ka niya, gumising kana..”

Bumaling ako sa kabilang dako ng kutson. “Ma, limang minuto pa po..” Muli kong binalak na matulog pero kusa nalamang akong mapabangon ng marinig ang pangalang iyon.

“Gremory... Gremory ang pangalan nung naghihintay sayo..” Shit!Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay mama. “Ang aga niyang tumatawag sa may gate ma nga ala sais trenta palang ay kumakatok na siya.. Tinanong ko kung ano ang kailangan,” hindi ako pumayag ah! “Sabi niya tutor mo raw siya anak..”

Nababaliw na ‘tong si Gremory! Talagang nananadya dahil bigla nalamang niyang inilapag sa desk ko ang mga notes at libro niya.

Maling desisyon talaga ang pananalangin na sanay maging kaklase ko siya. Aba sino ba naman ang hindi matutuwa kung kaklase mo ang crush mo? Pero kung ganito rin naman siya... Mas mabuting ‘wag nalang.

“Aanhin ko ‘yan?” Malamig kong tugon.

Bahagya pa itong nagugulat sa pag akto ko. Hindi ba’t ito ang gusto niya? Iyong kalimutan ko nalang lahat ng nararamdaman ko sakanya, iyong lumayo nalang? Kung kailan sinusunod ko ang mga gusto nito saka pa lapit ng lapit.

Siya ata ang may aning sa aming dalawa!

He is clearly annoyed based on his expression. “Reviewers. Tommorow at 6 am we're going to study. ” 

I crossed my arms, “alam mo Gremory salamat nalang pero ‘wag na. Ang kulit mo,” I glared at him. “Hindi mo ba maintindihan na ayaw ko? Kaya kong mag-aral mag-isa. Pambubully nga sa akin noon na kaya ko hindi ba?”

Hindi ito nakasagot nanatili lamang nakatingin sa akin. “And then what? Magpapaturo ka kay Rodriguez? Paano ka niya tuturuan kung kayong dalawa ang naguunahan sa rankings ng mga bagsak?”

Mas lalong nalukot ang mukha ko. Ako na ang nagkusa! Sinunod ko na ang gusto niya para iwas gulo na rin kina Rafiya na hanggang ngayon nagpapa victim pa rin at si Stacy na hindi maka move on sa buhay dahil ang daming inggit sa katawan..

Habang ako? Maraming sama ng loob.

“Wala ka ng pake kung parehas kaming bagsak. Atleast tinry ‘di ba?” Ani ko at aalis na sana ng higitin nito ang kamay ko dahilan upang mapaharap ulit sakanya.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now