Chapter 24

55 8 3
                                    


Bike


Life is not a race, if you fail then it's okay. You have all the reason to give up or to change roads, it's just a matter of time to finally see the right path and the door of success.

I believe on Mama Karina's words sometimes when I feel so down and thinking that I might end up like a failure her words were like a warm blanket.. A blanket that always comforting me.

“Umuulan pala, wala pa bang announcement?” Dinig kong sabi ng kaklase. Malakas na ang ulan at eto kami nasa classroom nag-aabang sa post ni Mayor tungkol sa suspension of classes. “Bagal naman ni Mayor, pm ko na kaya?” Anito, natawa kami.

Mayamaya’y nagsisitakbuhang pumunta sa classroom ang mga kaklase ko, kapwa nakangiti at alam naming lahat kung ano ang ibig sabihin nito. Good news!

“Guess what?” Ani Jinezza.

“Ano ba iyan pa guess what, guess what ka pa! Diretsuhin na! Kating-kati na ako sa suspension!”

“Anyare raw?”

“Nu meron?”

“Ang pangit ni Junatan mukhang siyang naghihingalong pusit.”

“Animal!”

Tumikhim si Jinezza, nagmamadaling kinuha ang bag. “Walang pasok mamayang hapon!” Sigaw niya at nagkagulo na. Naguunahan sila sa paglabas akmang tatayo na ako ng abutan nila ako ng walis.

Nagtataka ko iyong tinignan, “u-uh? Aanhin ko iyan?” Mahinahon kong tanong.

Ngumisi sila mga alagad ni Stacy. “Maglinis ka. Uuwi na kami, wala ka namang gagawin.” Anila, patakbo silang umalis ni lock ang pinto. Natigilan ako.

“T-Teka!” Huli na noong subukan kong buksan ang pintuan dahil isa si Venice sa mga nakatoka sa susi. “H-Hoy! P-Palabasin niyo ako rito! H-Hoy!” Sigaw ko, hindi ako tumigil hanggang mamaos. Pagak akong natawa. Ano na namang kagagohan ito? Hindi pa ba sila graduate sa pagiging bully bitch at hanggang sa tumanda ay papangatawanan?

Napa upo ako habang iniisip kung paano ako makakalabas. Hihintayin ko nalang kaya iyong taga check ng senior high buildinh? Pero ilang oras ang aabutin? Paano na ako? Pinigilan kong mapahikbi dahil parang nagbabalik lang ako sa dati kong sarili.

Iiyak, hahayaan silang apihin ako.

Upang mapigilan ang namumuo kong luha’y kinuha ko na lamang ang walis at nagsimula ng maglinis. Kahit papaano’y nalihis ang aking atensyon. Palakas na rin ng palakas ang ulan, tinignan ko pa ng mabuti ang mga bintana dahil sa malakas na hanging humahampas dito, nasa second floor pa naman kami.

“Dorothy?” Napaangat ako ng tingin sa tawag na iyon. Natatarantang napatayo bigla na lamang nagluha ang mga mata. “A-Anong..” Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa door knob. Sinimulan niya na itong ipihit ngunit nanatiling lock, kinalabog niya pero wala pa ring epekto. “I’ll call someone!” Tatango sana ako ng malakas na kulog at kidlat, impit akong napatili’t napatakip ng tenga. Mas natakot. “Shit! Bakit ka ba kasi nandiyan? Uwian na! Ikaw nalang ang natira!” Inis nitong sigaw sa akin.

“H-Hindi ako nagpaiwan!” Sigaw ko pabalik, naluluha dahil sa prustasyon. “B-Bakit ka nagbibintang?” Kumibot-kibot ang aking labi.

I saw how he tried to calm himself and took something on his bag. Later on the door opened, “I pick the door. You just have to inform ma'am Gustabano about this, I'll say sorry for the broken door knob.” Nakapamulsa siyang pumasok sa classroom, nilapitan ako.

“G-Gremory..” Nauutal at garalgal kong sambit sa kanyang pangalan, isa siya sa huling taong maiisip kong tutulungan ako sa ganitong sitwasyon.  Idagdag pang nasa kabilang building ang GAS.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now