Chapter 7

61 13 0
                                    

AN: Follow me on my second account.
oootakuisme2

﹌﹌﹌

SL7| Lucky Charm

Nagustuhan ko si Gremory dahil gusto ko. Walang pumilit o nagpush sa akin, kaya nga lahat kaya kong patunayan makita niya lang ako.

Sabi nga nila kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. Lalo akong nanghina ng dumating sa eksena si Ivory. Feeling ko kasi wala akong binatbat sakanya, maganda, matalino, nirerespeto ng lahat at higit sa lahat halatang gusto ni Gremory.

“Gremory...” Nakatingin ako sakanya nasa dulo na ito ng hagdanan ng grade 8 building..  “Gremory sandali!” Ani ko at sinundan ito pababa napahinga ako ng maluwag ng hindi ito magdire-diretso palayo at hinintay ako.

Ang mga kilay nito'y magkasalubong. “What? Anong kailangan mo?” Iyon lang pero parang tinamaan ako ng hiya sa mga sinasabi niya. Pero sabi nga ni Deiry you deserve what you tolerate. Kaya wala akong dapat sisihin.

Napalunok ako ng ilang ulit, “G-Gremory.. A-Alam mo namang si I-Ivory at Rossweisse..” Nawalan ito ng reaksyon. “B..Bakit si Ivory pa? H-Hindi ba g-gusto ni Rossweisse si Ivory? Lagi namin silang nakikita ni Deiry..” Kitang-kita ko kung paano siya tignan nito. “A-Ang unfair naman ata sa kaibigan mo.. Miski si Deiry ay hindi na gusto ang nakikita...”

Ilang minuto bago niya siya nagsalita, suot-suot nito ang nakakainsultong ngiti na lagi niyang ibinibigay sa akin. “Bakit? Bakit ba naikielam ka?” Natigilan ako. “You don't have the rights to tell me what to do. It's betweej me, Ivory and Rossweisse. You're out of the league, so please stop thinking that you can help by saying those words.”

“A-Ayaw kong mawalan ka ng kaibigan sa huli!” Giit ko. Ayaw kong makita siyang nawawalan ng kaibigan, ayaw kong makita siyang seryoso sa mga bagay-bagay pero may mga pasulyap tingin na animo'y naiingit. Tuwing oobserbahan, tinitignan ko siya sa malayo ganoon ito lagi.

“Huwag mo akong pakielaman. We're not close,” bumigat ang hininga ko. “Stop pushing yourself to me. What a pathetic girl you are Dorothy.” At tuluyan na akong tinalikuran. Mapait akong ngumiti, tinry ko naman. Tinry kong pigilan siya.

Hanggang sa mapang-abot kami ni Ivory at syempre hindi naman iyon hinayaan ni Deiry. Wala na akong naging balita pagkatapos nun, hindi ko na nga rin madalas makita si Gremory magandang sign siguro iyon.

Wish ko sana magka-ayos silang magkakaibigan at huwag siyang maiwan mag-isa.

“Weird may ganitong school?” Nakapameywang si Feitan. “Really? Sitio Highschool, saan aabot ang imagination ko.” Anito. Tunog saan aabot ang bente mo na sikat na advertisement ng Corneto.

Nagkibit-balikat si Deiry kaklase namin si Feitan dahil patapos na ang second quarter ng lumipat ito sa school, syempre si Deiry lang ang kakilala nito kaya't isinama nalang. Badtrip na badtrip si Deiry, bakit pa raw dinadagdagan ang maiingay sa buhay niya. Palibhasa parang nasa library ang buhay nito.


Choice namin ang mga nangyayari, resulta ng mga bagay-bagay na pilit naming pinipili. Ganoon kadali.

“Late na tayo,” ani ko na nakapagpagising sa diwa ng dalawa. Magkasabay kaming tatlong pumasok sa may gate at naglakad papunta sa classroom ng biglang makasalubong sina Rossweisse at Xerxes. Napataas ang kilay ni Deiry, nag-iwas naman ng tingin si Rossweisse at nayuyukong umalis kasama si Xerxes na napapailing.

Oo nga pala ang balita ko'y wala na si Ivory dito sa amin lumipat na ito ng eskuwelahan at bahay. Sana man lang bago siya umalis inayos niya muna ang mga bagay-bagay. Hindi nila kasama si Gremory, tinamaan ako ng pag-aalala. May kasama ba si Gremory sa klase nila ngayon? Magkakaibigan silang tatlo at iisang section ang kinabibilangan. Kung kasama ni Rossweisse si Xerxes..

Sinong nandiyan para kay Gremory?

Umangat ang tingin ko kay Deiry ng tapikin nito ang balikat ko't masuyong ngumiti, para bang sinasabing huwag ko ng problemahin ang nangyayari sakanya.

Natigil ang pagtitinginan namin ni Deiry ng magsalita si Feitan. “Ang weird ng feeling ko..”

Nilapitan ko ito't sinalat ang leeg, awtomatikong dumistansya ito biglang namula. Bakit? “Wala ka namang lagnat..” Inosente kong sabi.

Nag-iwas ito ng tingin, “o-oo naman..”

Si Deiry nama'y inoobserbahan ang pinsan. “Mukha ka namang okay..”

Oo nga naman. Ang ayos-ayos pa niya kanina ah. Bakit biglang weird? “O-Okay naman ako... Ang weird lang ng feeling ko kasi parang may nakatingin sa akin..” Pinakita nito ang braso niya, napa-wow ako dahil tama ito nagtaasan ang mga balahibo ni Feitan. “Feel ko may nakatingin sa akin ng masama.. As in sobrang sama na naramdaman ko kaagad. ”

“Guni-guni mo lang siguro..” Ani Deiry.

Nginitian ko ito. “Kung gusto mo sasamahan kita sa clinic?” Halos magkanda bali-bali na ang leeg nito kakailing. “Okay, sabi mo eh..”

━─━────༺༻────━─━


Natapos ang klase. Masaya naman ang feeling dahil mas naging malapit ako sa iba naming kaklase dahil kay Feitan. Lagi kasi ako nitong binabati kaya nama'y nakakausap o nakakainteract ko ang iba.

Nauna na akong bumaba papuntang canteen dahil may tinatapos pang lecture, si Feitan naman ay hinila nina Cendrick papuntang garden at maghahanap daw sila ng chicks. Baka maging babaero si Feitan dahil sakanila.

Pasipol-sipol pa akong naglalakad pababa ng hagdan, wala kasing masyadong estudyante. Ng pababa na'y nabitin sa ere ang aking paa ng makita si Gremory na mag-isang nakatayo sa railings habang nakatanaw sa may gym. Mukha itong malungkot, nag-iisa.

Tahimik akong lumapit sakanya roon ko nasilayan ang tinitignan nito. Si Xerxes at Rossweisse na naka-upo sa may bench habang nag-uusap. Kinapa ko ang bulsa at kinuha ang aking lucky charm. Iyong pendant na may music note.

“Gremory..” Bakas ang pagkabigla sakanya, ganoon ba kalalim ang iniisip nito? “Uh..”

Nakakunot na naman ang noo niya. “Bakit?”

Alam kong hindi naman niya ito tatanggapin. Inilahad ko ang aking kamay naroon ang pendant. Nagtataka ito. “Ano... Alam kong nalulungkot ka,” napalunok ako. “K-Kaya ano... U-Uh.. Ipapasa ko muna itong lucky charm ko sayo para gumaan ang loob mo.” Hindi ito gumalaw kaya't ako na ang kumuha ng kamay niya. “Magkaka-ayos pa kayo, huwag mong hahayaang masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa isang babae.” Nginitian ko s'ya. “Magpakumbaba at aminin mo lang ang pagkakamali mo, alam kong papatawarin ka rin nila Rossweisse.. Ikaw pa! Huwag kang malungkot nababawasan kasi ang pagka-pogi mo..” Nanatili siyang tahimik habang pinapanood ang kashungahan ko. “Fighting Gremory! Kaya mo iyan, huwag kang malungkot. Maraming willing na makasama ka!” Ani ko bago kumaway paalis.

Hindi ko na ito nilingon at nagtuloy-tuloy nalamang naglakad. Magaan ang pakiramdam ko dahil kahit papaano'y hindi niya ako pinagtulakan ngayon.

Pasimple akong nagtatalon at napatili, hay Gremory bakit ganito ang epekto mo sa akin? Nakaka overdose naman!

Saglit akong nanigas sa aking kinatatayuan. Pagkuwana'y napatakip ng bibig. Hala pinahiram ko lang iyong lucky charm hindi ba?

Paano ko iyon makukuha ulit?!

﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Lucky Charm

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now