SL 11| Summer Vacation
Mabilis na lumipas ang panahon. Sinong mag-aakalang grade 10 na ako sa susunod na pasukan? Akala ko nga hindi ko mairaraos ang grade 8 at baka tumigil na ako sa pag-aaral pero hindi! Salamat talaga sa tulong nina mama Karina at Deiry.Hawak ko ang sako habang abala naman si Achie sa pagtitingin ng mga boteng nakalap nila kaninang umaga. Pinayagan din ako ni mama Karina na mag gala ngayon tutal at tapos na ang mga gawaing bahay at saka nasa kumbento ito kaya mas maigi na raw na maglibang kaysa sa maiwan mag-isa aa kubo.
Tumigil sa paglalagay ng bote sa sako si Achie, "alam mo ba nakuha ng talent agency si Ernesto.." Proud na proud nitong sabi. "Sabi ko naman sakanya na sisikat siya lalo na't agaw atensyon talaga iyong bughaw niyang mga mata.."
Nanlaki ang mata ko, si Ernesto?! Sabagay hindi na rin ako magtataka. Gwapo si Ernesto, blue eyes, magaling mag english kahit hindi nag-aral at isama pang laking kalsada lang ito. "Talaga? Edi mapapanuod na natin siya sa TV?" Tanong ko.
Masaya namang tumango-tango si Achie. "Oo! Number one sup-ano nga ulit iyon?"
"Supporter?"
Tumango siya. "Oo iyon, kaya nga masaya kaming lahat nina Totoy, Betong pati rin si Gabo kahit hindi niya aminin.." Aniya. "Mag-iipon kami pambili ng cellphone para mapanood si Ernesto.."
Silang lima parang magkakapatid na ang turingan. Aakalain mo noong una'y parang leader ng kulto si Achie dahil puro lalaki ang kasamahan nito, aakalain mo ring mga batang hamog sila na nagnanakaw at kung ano-ano pa. Pero hindi, kahit mahirap ang buhay si Achie na ang pinaka positive na taong nakilala ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Achie. "Kung gusto mo manood pumunta ka sa amin!" Galak kong sabi. "Hindi naman masungit si tita Karina. Mabait iyon sigurado pwedeng-pwede kayo sa amin saka makikinuod lang naman.." Nangningning ang mga mata nito sa sobrang saya tila batang binigyan ng matamis na candy.
"Sige! Sabihan ko sila Gabo." Awtomatikong napasimangot ito. "Oo nga pala," ngumiwi ito. "Nag-away na naman sila ni Ernesto. Ayaw namang sabihin sa akin kung anong pinag-awayan, panget ka bonding. Sila-sila lang din nagkakaintindihan."
Parang may bago pa, feeling ko nga may invisible silang alitan na kami lang ni Achie ang walang ideya kung anong nangyayari. Sila-sila lang mga lalaki.
Nauwi sa kwentuhan ang pagtatrabaho namin pagkatapos ay agad kaming nagtungo sa may gotohan ni Achie para kumain. Nung una'y ayaw pa nitong ilibre ko siya pero kalauna'y pumayag din tutal ay ipagtatake out niya raw sina Ernesto.
Magkaharap kami habang maganang kumakain. "Gusto mo raw iyong bagong lipat sa Sitio Hiyaw Pa?" Biglaan niyang tanong kaya't nabitin ang pasubo ko sanang kutsara.
Si Gremory ba ang tinutukoy niya? Hinalukay ko ang ala-ala at doon nagbalik lahat, oo nga pala. Si Gremory nga. "Oo," sagot ko, kinikilig.
Tulala ito habang pinagmamasdan ang kutsara't pinaglalaruan ang goto. "Gusto ka rin ba niya?"
Alam ko ang sagot pero parang nakakatakot sagutin. Napangiwi ako, kung mag re-real talkan kami ni Achie ay huwag nalang dahil kotang-kota na ako kay Deiry na hindi ko alam kung bakit hanggang ngayo'y hindi kasundo si Gremory at mainit ang ulo sa kaibigan ng lalaki... Kay Rossweisse.
"I don't like stupid girls."
Mga paulit-ulit na lintanya ni Gremory patungkol sa akin. "Hindi eh. Malabo pero habang may buhay keri lang. " Aniko at nagkibit balikat. "Ikaw? May nagustuhan ka na ba? Baka mayroon na," tumigil ito sa pagsubo at nanlalaki ang mga mata. "Magulat ako kung crush mo na si Ernesto o si Gabo?" Parang switch ang nga salitang iyon para mabulunan si Achie. Halos magkanda bali-bali ang ulo sa pagiling at nagkanda ubo na siya.
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...