SL 15 | Recitation
Yung kilig ko na pang maghapon na biglang naglaho. Napalitan ng inis, puot, hinagpis at galit! Sumosobra na siya! Nakakainis sa part na kahit anong gawin ni Gremory pogi pa rin siya sa paningin ko.Nangigil kong kinagat ang ham at napairap ng makita ko ang simpleng landian ng mga kabataan sa gilid nitong canteen. Naroon si Xerxes na mukhang may binubwiset na naman, babae? Lagi kasing nasigaw ng ‘Chakabella!’ tapos kung hindi magpipisikalan ay magsisigawan sila nung babae.
Hindi na ako magtataka kung isang araw aamin si Xerxes na gusto niya iyon, kasi naman mukhang kami alam na alam na ang nararamdaman niya maliban sakanilang dalawa. Sus, kung gusto mo pilitin mo! Kaya nga mas dinoblehan ko pa ang effort ko para sakanya, kapansin-pansin ding mas naging malapit siya kay Rafiya. Sa unang buwan palang ay lagi siyang nilalapitan ng babae pero kataka-takang ni minsa'y hindi ito nagsungit.
Samantalang sa akin halos batuhin niya na ang lahat ng iabot wala lang ako.
Hindi lang ako ang naapektuhan pati na rin sina Stacy dahil magmula ng mapansin ng lahat na iba ang trato ni Gremory kay Rafiya ay nilubayan na ako nito, mukhang nakahanap ng ibang pagdidiskitahan. Halata naman kasing gusto nito si Gremory base na rin sa mga kinakalat niya na wala namang katotohanan. Kesyo nagda-date raw sila kahit obvious naman na fake news.
Lagi silang magkasama sabagay anak kasi ng may-ari ng isang malaking establishment dito si Rafiya. Balita ko nga halos kaya nitong bilhin ang Sitio Buka kung gugustuhin, napailing ako. Kapag ba yumaman ako, naging matalino ay gugustuhin na rin niya akong makasama?
“I don't want my record to be stained by you.”
Marahas akong umiling at tumayo na sa may lamesa, iniligpit ang pinagkainan. Bumili saglit sa tindahan si mama Karina habang hinihintay ko siya'y naglinis muna ako ng kwarto namin. Magkatabi kami ni mama Karina sa kwarto ng kubo, simple lang ang naging pamumuhay ko rito nitong nakaraang buwan. Inumpisahan kong ilagay sa laundry basket ang mga punda ng unan, twalya at kumot na lalabhan ko mamaya.
Hindi ko pwedeng obligahin si mama Karina sapat ng pinag-aaral ako nito, pinapakain at binibili ng kung ano-ano ng walang dahilan o kapalit. Pagkatapos ko ay sariling sikap kong binuhat ang kutson at ibinilad sa may araw kasama na ng mga unan, ang init ng panahon.
Feel ko free trial ‘to pa visit ng impyerno.
Nag-agiw, nagwalis at higit sa lahat ay nag-ayos ako ng mga gamit namin sa kwarto. Nakadekwtro ako habang kinakalkal ang bag ko, inalabas ang mga damit kong bigay nila Tita Mercedes at anak nitong si Betty, ibibigay ko nalang kay Achie. Hindi ko na rin naman nasusuot dahil noong kupkupin ako ni mama Karina'y binilhan niya ako ng sangkaterbang damit at dalawang box ng soen na panty.
Simulan ko nang kalkalin ang malaki kong bag, nangunot ang noo ng may nakitang perang papel na nakarolyo.
“Tita Mercedes?” Iyon ang nasambit ko ng may maalala, noong mga panahong sinundo ako ni Tita Karina sakanila naramdaman ko ang pagtulak at pagsilid ng kung ano sa aking bag. Ibig sabihin sakanya galing iyon?Si Tita Mercedes na walang ginawa kundi sermonan, utusan at pagalitan ako? Hindi kapani-paniwala.. Kahit pala halos ipagtulakan nila ako paalis ay may konting puwang ako sa puso nila.. Nakakabigla. Tinago ko ang pera at itinuloy ang ginagawa plano kong makapag-ipon para madalaw si mama sa hospital.
Minsan napapa-isip ako kung bakit sa lahat ng tao'y kailangang ako pa ang makaranas nito. Tuwing matutulog ako sa gabi ‘di ko maiwasang sisihin si lord sa mga ito datapwat maalala ko iyong laging pangaral ni tatay.
Walang ibinigay ang Diyos na hindi mo kayang lagpasan.
Sana na nga kayanin ko, itinatatak sa isip na ‘di lamang ako ang nahihirapan. May iba pang nga bata, matanda at tao ang nakakaranas ng mahirap na sitwasyon, kanya-kanyang karanasan, paghihirap at mga daing. Iisa lamang ang gusto naming lahat.. Ang maging masaya.
Natapos ko ng linisin ang kwarto, nagbuhat ng mga karton at kung ano-ano pa. “Papa?” Kunot noo at naguguluhan kong ani ng makita ang picture. Si Papa na nakangiti habang akbay-akbay ang magandang babaeng nakaputing bestida at may hawak na bulaklak.
Parang kasal? Umawang ang bibig ko ng makitang hindi si mama ang babae.. Hindi masyadong malinaw ang mukha ng babae dahil natatakpan ng kung ano marahil ay dahil sa kalumaan na ng litrato.
Nagkibit balikat ako, wala iyan Dorothy. Siguradong matagal na iyan baka teenager pa ang tatay mo at kasalukyang nanliligaw, nag-eenjoy sa maling tao habang ‘di pa natatagpuan si mama––ang the one.
━─━────༺༻────━─━
“Recitation. ” Malamig na sabi ni ma'am, nakapagpatigil sa aming diskusyon. “By partner,” tila mas lalong nanlamig ang aking katawan ng mapako sa pagkaka-upo.
Tatlo kami sa row, ako, si Feitan at si Gremory. Kung by partner ay kanino ako? Ramdam ko ang kaba ni Feitan parehas kaming alanganin kung kami ang magiging magkapareha. Aminado naman akong hindi ako matalino, huli sa klase kahit na anong gawing pag-aaral at pagsabay sakanila.
Binalingan ko si Gremory. “May––”
Itinaas nito ang kamay walang emosyong tumayo at naglakad papalapit kay Rafiya na namumula. “Ma'am partner na kami ni Raf,” anito. Umungot sina Stacy habang ako'y nakatulala.
Ano pa nga bang bago? Matalino si Rafiya, maganda, mayaman, anak ng may-ari ng malaking estsblisimento, ewan ko nalang sa ugali dahil tahimik si Rafiya na animo'y laging nahihiya. Hindi kagaya ko.. Baliktad na baliktad kaming dalawa.
Tumitig na lamang ako kay ma'am nawalan ng mood sa pangyayari habang si Feitan na ang sumalo sa by partner recitation na kung minsa'y napapatawa nalang kaming dalawa.
Tig five points na silang lahat kumpara sa amin na nasa one point palang. Partida bonus pa ang nasagutan naming dalawa.“Bagay kayong dalawa. You two are a great pair, matalino at parehas na may itsura,” pagpupuri ni ma'am kina Gremory at Rafiya.
“Gusto lang ni ma'am makalibre sa negosyo nila Rafiya.” Bulong ni Feitan, mahina akong napatawa. “Dapat lagi kang naka smile, pangalan mo pa man din tapos hindi mo papangatawanan.” Aniya.
Umiling ako, “wala naman ‘to..”
Seryoso itong nakatingin sa akin na para bang binabasa ako. “Bata palang naman tayo malay mo kinabukasan mawalan ka na ng pake kay Gremory.” Nagkamot batok siya. “Alam mo parehas tayong sesermonan ni Deiry nito. Pumili ka kasi ng lalaking ipagmamalaki ka sa lahat hindi iyong iinsultuhin ka.”
“Makakahanap din ako.”
“Paano ka makakahanap kung panay Gremory ka? Siya nalang lagi tinitignan mo, napapansin, lahat ng atensyon nasa kanya. Paano?”
Ngumiti ako ng maaliwalas. “Hihintayin ko ang panahong magiging ganoon si Gremory. ”
Halata ang pagkadismaya ni Feitan sa aking sagot, napahawak sa mesa. “Sarap mo naman ibitin patiwarik, feeling ko tumataas BP ko sayo, nag-iinit ang bumbunan ko. ” Totoo naman, maghihintay akong maging ganoon si Gremory. “Sana lang kapag naging ganoon si Gremory hindi ka pa pagod, hindi ka pa sawa bago siya magbago. ”
﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Recitation
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...