Chapter 12

46 8 0
                                    

SL 12| Perya



Isang maling desisyon ata ang pagtango ko.

Namamawis ang buong katawan ko pati na rin ang kasingit-singitan, nagdadasal na sana hindi ako masuka at mahilo kapag kami na ang sasakay. Nakatayo kami sa may harapan ng Vikings na para bang napakagandang view ang nakikita namin.

Malakas ang sigawan at may nahimatay na, bawat galaw ng barko ay siyang paglakas ng sigawan. Inilibot ko ang tingin kaswal at walang interest na nakatitig sina Deiry at Gremory habang mukhang alam ko na kung sino ang kagaya kong kabado na halos maihi na sa ekspresyon nito––walang iba kundi si Xerxes tapos sila Rossweisse at Feitan ay parang sasakay ng carousel sa sobrang pagka excite.

“Next na!” Sigaw ng lalaki at sunod-sunod na naupo ang mga tao kasama na kami. Kung hindi lang hinawakan ni Deiry ang kamay ko'y baka may back out na naganap.

Tig tatlong tao bawat upuan sa Vikings. Bale si Xerxes–Deiry–Rossweisse ang magkakatabi at sa likuran nila ay si Feitan–Ako–Gremory naman. Natatakot ako pero kapag napapatingin ako kay Gremory medyo nababawasan.

Hindi pa umaandar ang rides ay hindi na magkandamayaw sa pagsigaw si Xerxes. Para siyang kinakatay na baboy, si Rossweisse naman ay hihimatayin na ata at todo na kung makayakap kay Deiry na para bang hindi siya takot rito.

Umiling-iling si Xerxes ng mahinang gumalaw ang rides. “Ayaw ko pa mamatay!” Anito. “Oo na hahayaan ko ng sabihan akong fokfok ni Aling Dena!” Nagtatawanan na ang mga tao. “Beki ako ng taon at part time fokfok na rin!”

Kita kong hinawakan siya ni Deiry. “Shut up. People might misunderstood you, the pokpok word seems negative they might get you because of that.” Saway nito habang kinakalas ang yakap ni Rossweisse.

“Kukuha ako ng Bachelor of PokPokstary!”

“Xerxes shut up!”

Pero ang beki hindi nagpatinag. “Requirement lang naman ang maging open ang pekpek 24/7 sa mga forenjer ‘di ba?” Nahihiya kaming nag-iwas ng tingin dahil pinagtatawanan at tinginan na siya.

Ganoon nga siguro ugali ni Xerxes samahan pang laki ito na kasama ang mga Beki sa lugar nila kaya masyadong ano kung magsalita. Nagsimula ng lumakas ang galaw ng barko, si Rossweisse ay mahigpit pa ring nakayakap kay Deiry habang pumapaspas ang ulo nito.

Hinimatay na! Si Xerxes ay sumisigaw na ng kung ano-ano, baka nagoorasyon na siya? Habang ako'y napapapikit at hindi makasigaw dahil ayaw kong masira ang image ko kay Gremory as a dalagang Pilipina.

Nanatili akong nakapikit, namamawis na rin ang mga kamay at paa. Kapag kasi tumaataas ang side nami'y feeling ko anytime mahuhulog ako. Nakakalula. “Lord. Please, lord.” Mahina kong dasal. Kataka-katang tahimik lang si Feitan at Gremory.

Hinawakan ni Feitan ang kamay ko. “Para hindi ka matakot.” Tipid niyang sagot, tumango ako. “Sigaw ka para mabawasan yung kaba!” Aniya.

Sa isang saglit parang nalimutan kong kailangan kong maging prim and proper dahil nagsimula na akong magsisigaw ng kung ano-ano kasama si Feitan habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin.

I love you Dorothy!”

Ano raw? Pabilis na ng pabilis ang pag sway kaya't mas malakas na rin ang sigawan. “Anong sinabi mo?!” Sigaw kong tanong kay Feitan. Wait may sinabi ba siya? Umiling ito habang tumatawa. Itinaas niya ang magkasiklop naming kamay at iwinagayway. “Ah!!!”

“Shit! Who peed?!”

“S-Si Rossweisse ata?!”

“Oh God! What the fuck! Xerxes!”

“Hindi nga ako! A-an––Ah!!!!!”

“Damn! I'm surrounded by monkeys clinging on me!”

Mukhang kami lang dalawa ni Feitan ang nag eenjoy. Wala sa sariling nagkatagpo ang mata namin ni Gremory, iyon pa rin siya. Iyong mga mata niya na para bang walang interes sa mga bagay-bagay. Natigilan ako, isang minuto. Isang minuto akong napatulala sakanya.

Gusto kong magtanong. “Bakit?” Iyon ang aking binaggit. Ramdam ko ang panandaliang pamumula ng aking mukha dahil umusod ito dahilan para sa bawat pag sway ng rides ay magtatama ang mukha namin. “G-Gremory..”

Nasa kanya ang mga matang malalalim, malalamig at walang interes kung tumitig. Na kahit anong gawin ko at kumbinse sa sariling ‘wag ng tumingin ay mas lalo akong nalulunod sakanya. “I already told you. I don't like stupid, pest girls. I don't want my record to be stained by you,” kinapos ako ng hininga. “Not by someone who's like you. Never.”

━─━────༺༻────━─━


Tahimik ko lamang pinagmamasdan ang teacher namin na kinakampay ang mga kamay  sa saliw ng Lupang Hinirang. Ang bilis, pipikit kalang grade 10 ka na. Eto ang unang araw ng pasukan, nakakakaba na medyo nakakatakot.

Swerte dahil kaklase ko si Feitan, malas dahil kaklase ko rin si Stacy. Naiba ng section si Deiry kahit na pare-parehas lang kaming kumuha ng CSS ganoon rin si Xerxes at Rossweisse. Wala akong ideya kung ano ang kay Gremory.

Pinagpatuloy ko. Pinagpatuloy ang paghahabol at pagpaparamdam sakanya. Tinodo ko at desidido ako na tatapusin ko ‘to. Bumaba na sa stage ang guro at may pumalit dito, ang tiyansa ko'y ang principal. Marami siyang inexplain na bagong rules at kung ano-ano pa. Halos naubos ang isa't kalahating oras sa pagsasalita nito.

Eh, hindi naman nakikinig ang mga estudyante.

Katulad ng laging nangyayari'y dumiretso na kami sa mga room at section. Nahagip ng mga mata ko si Xerxes na parang may inaaway atang babae?

“Tea? As in Milk Tea, Ice Tea, Coffee Tea, Matcha Tea?” Anito, sumimangot ang mgandang babae. First time ko siyang makita, transferee? Hindi rin nakaligtas sa aking pansin ang mukha ni Xerxes na para bang mas maaliwalas.

Sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi, gago ka ba Xerxes? ”

“Ew, don't call me that! Kadiri ka!”

Umiling nalang ako at nilagpasan sila, mukhang magkakatotoo ata ang mga sinasabi ni Rossweisse. Baka may lahi siyang manghuhula. Feeling ko ang lonely ko masyado dahil wala si Deiry, si Feita'y mukhang late. Lagi naman iyong late, walang pinagbago.

Nang makita ang room ay tumayo ako sa may gilid malayo sa mga kaklase kong masayang nag-uusap, naroon din si Stacy na mas lalong tumangkad at nagkaroon ng maraming kolorete ang mukha. Bahagya akong napa-atra, mangyayari ba ulit?

Noong grade 8 ako.. Mga panahong lagi akong pinapahiya at sinasaktan.

Matagal na iyon pero narito pa rin ang takot na baka maulit ulit. Nagsimula nang lumalim ang paghinga ko at nagmamawis ng todo, mabilis ang tibok ng puso lalo na ng makitang papalapit sa aking pwesto si Stacy at ang mga kasamahan nito dati.

Ang ngisi nitong laging nakapaskil sa kanyang mga labi tuwing may binabalak na masama. “Ah!” Sigaw ko sa gulat ng maramdamang may humawak sa aking balikat. Napalingon ako... Siya?

Naramdaman ko na lamang na kumalma ako paunti-unti dahil sa paghawak nito sa aking balikat at ang pagtayo sa harapan ko dahilan para hindi matuloy ang binabalak nina Stacy. Panaginip ba ito?

“Are you okay?”


﹌﹌﹌
#Perya

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now