Precious
Akala ko ayos na kami. Pinagtabuyan na naman kasi ako ni Gremory, ang ayos niyang kausap noong nakaraan pero bigla magiging pangit ang pakikitungo niya sa akin.I cooked something for him because the last we talk he was sick. I just wanted him to feel better pero pinagtulakan ako ulit. Gremory got slapped again that night, Rossweisse was shock, Deiry was mad. I knew he was living alone in that apartment sinabi sa akin dati nila Achie. Siya lang mag-isa kaya ng malaman kong may lagnat siya agad akong nagluto..
Na hindi naman niya tinanggap. He's heartless but why the fuck I'm still falling for him?
I sighed and continued watching him from afar. He's giving his valedictorian speech unlike the others Gremory isn't emotional nor happiness can trace on his face rather he is like a robot with a monotone voice.
Sa pagkakarinig ko kanina ang mama ni Xerxes at Rossweisse ang nagsabit sakanya ng medalya dahil hindi dumating ang mama nito, there's something else. Mag-isa siyang tumitira sa isang apartment ni minsan ay hindi umaattend ang mga magulang nito sa eskwelahan at kahit ngayong graduation ay wala sila.
“––Padayon dreamers.. ”
Pumalakpak kami, nagbow ito at bumaba na ng stage nagpatuloy ang programa. May mangilan-ngilang umiiyak na habang dinadama ang kanta ni Regine Velazquez na Liparin mo ang hangganan ng langit.
Lahat nakangiti, si Deiry at Feitan na kasama si Lola D. Sina Xerxes at Galatea na matatapos na ata ng highschool ay hindi na magkakabati parang aso’t pusa, si Rossweisse na hawak-hawak ang maliit niyang mga kapatid habang inililibot sa school, ako na kasama si mama habang kumukuha ng litrato... At ang panghuli si Gremory na mag-isa habang bitbit ang napakaraming medalya at nakatingin lang sa amin na may inggit sa mga mata.
Ang bigat sa pakiramdam tuwing nakikita ko ang emosyong iyon sa mga mata niya.
“Ang gaganda ng mga picture mo anak,” napabaling ako kay mama. “Bakit? May problema ka ba?” Nag-aalala niyang tanong, humugot ako ng malalim na buntong hininga.
Ibibigay ko lang.. Ang tagal na kasi nito, pinangako kong ibibigay ko itong regalo ko kapag parehas na kaming nakagraduate ng junior high.. “Ma, may ibibigay lang ako kay Gremory..” Mahina kong sabi.
Isang malaking ngiti ang pumaskil sa kanyang mukha, “uy..” Pangtutukso niya dahilan para mamula ako. “Sige, hintayin nalang kita rito.. Dalian mo at baka makaalis na..” Saad nito.
Lakad at takbo ang ginawa ko para mahanap kung saan na ito nagpunta. Bumagal ang aking takbo ng makita siyang nakatayo sa may science library. Kasalukuyan niyang tinatanggal ang toga nito at isinisilid sa bag ang mga medalya’t regalo ng mga teachers sakanya.
Malakas ang tibok ng puso ko na halos magwala at lumabas na siya sa ribcage. “Dorothy..” Bigkas niya sa aking pangalan kaya mas lalong nag-init ang mukha. “Anong ginagawa mo dito?” Ang kaninang pagkabigla ay nawala at napalitan ng inis na ekspresyon.
Tumikhim ako’t nag-iwas ng tingin. Bahala na, “may ibibigay lang ako sa iyo.. U-Uh ano kasi..” Kinagat ko ang pang-ibabang labi.. “R-Regalo.. A-Ano congratulations Gremory you did well..” Umawang ang labi nito tila hindi inaasahan ang sasabihin ko bahagya pa itong napakurap-kurap pinoproseso ang nangyari. Kinuha ko ang pagkakataon upang ilahad ang hawak kong maliit na kahon..
Regalong mula noo’y pinag-ipunan ko..
“I don't accept gifts.” Nanlamig ako sa sinabi nito.
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...