Chapter 8

56 11 1
                                    


SL 8| Ball

Hindi mapukat ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi habang bumibili sa canteen. “Pabili pong dalawang siopao..” Tumango ang mataray na tindera, as usual talagang kilay palang ay nanapak na.

“Bayad.” Anito at inilahad ang kamay agad ko namang ibinigay ang saktong mga barya. “K.” Hala, sungit namang tindera nito.

Nagkibit-balikat nalamang ako at naglakad na papaalis, walang makakasira ng araw ko ngayon––

“––Uy si Dorothy..” Mali ata ako. Bakit kung kailan ayaw kong masira ang araw ko'y doon sumusulpot si Stacy para mang-asar? Talagang pinagkalat pa nito sa campus na may scandal ako buti nalang at iilan lang ang mga naniwala.

Tanga-tanga ang mga naniwala. Pinanood ko ng halos benteng beses ang video at ang layo ng hubog ng katawan ko sa babaeng nasa video. Kung ganoon din naman kaganda ang katawan ko edi why not, kaso hindi. Dibdib palang at height malayo ng malayo, wala sa sariling napatingin ako sa aking dibdib.

Dibdib ba ito o pader?

Hindi ko pinansin si Stacy hindi na rin ako ganoon katakot sakanya.“Huwag ngayon, wala ako sa mood.” At nilagpasan ito haharang pa sana ang mga kasamahan niya ng bigla may nagpeke ng ubo dahilan para mapunta ang atensyon naming lahat sakanya.

Kinikilig na napaayos ng pagkakatayo si Stacy, parang bulateng binudburan ng asin. “G-Gremory..” Saad niya habang inilalagay sa gilid ng tenga ang buhok nito. “U-Uh, ” kumurap-kurap siya na para bang nag be-beautiful eyes. “Sabi ko namang ako nalang ang pupunta sa room niyo, hinintay mo ba ako?” Wow, close nga ata sila.

Nakakunot ang noo ni Gremory. “Huh? Do I know you?” Madrama kong tinakpan ang bibig ko, pinipigilang matawa. Akala ko sa akin lang siya masungit hindi pala exempted si Stacy.

Shit. Kahihiyan to the highest level.

Pekeng natawa si Stacy, masama ang tingin sa akin. “Ano ba Gremory naman ih!” At pabebeng hinihampas ang kanyang kamay sa braso ni Gremory. “Alam ko namang nahihiya kang ipaalam na close tayo, ” legit ba iyan. “O siya, let's see each other later.” Anito at umalis na naiwan kami ni Gremory.

Naging mabilis ang bawat pangyayari, napakurap-kurap ako ng hawakan ni Gremory ang aking kamay at ibinalik ang lucky charm na ibinigay ko kanina. Nakapamulsa na itong nakaharap sa akin habang tinitingala ko ito para sa isang grade 8 student matangkad siya––sila ng mga tropa nito.

Kabado akong nakatitig sakanya, kakaiba ang mga tinginan nito. “I don't need your lucky charm.” Ang kilig at kaba ay napalitan ng lungkot. “But thanks.” Saad niya at tumalikod na papaalis.

Nakanguso ko siyang pinagmasdan, akala ko ayos na hindi pa pala. Mukha ngang wala talagang chance na magustuhan ako ni Gremory.

━─━────༺༻────━─━

Kapwa nakasuot kami ng P.E uniform nila Deiry habang nakapila base sa height namin sa klase. Nasa may bandang harapan ako dahil malaki ang height difference naming dalawa ni Deiry.

Ngayong araw ay sa may malawak na garden ng Sitio Highschool ang punta namin kasama ang iba pang section na hawak ni ma'am P.E––hindi ko kasi alam ang pangalan, sorry naman. So ayon nga bale hindi lang section namin ang mago-okyupa sa buong field dahil nga sa tatlong section ang hawak ni ma'am.

Alam ko'y maglalaro lang kami ng any kind of ball sports or kahit ano basta mas may connect sa lesson namin sa physical education. Nakahawak ako sa braso ni Deiry habang nakangiting pumwesto aksidente akong napalingon sa may kabilang banda kung nasaan ang section nila Xerxes. Doon ko nakita si Rossweisse na nakatitig sa gawi namin, nangunot ang noo ko.

Sinong tinitignan niya? Mukha pang malalim ang iniisip nito dahil titig na titig siya, siguro'y napansin niyang may nakatingin sakanya kaya't napaayos ito ng pagkakatayo. Nagsalubong ang aming mga tingin bahagya itong namula bago umalis sa pawesto, pinuntahan si Xerxes na abalang nagli-liptint.

“Wala si Gremory?” Wala sa sarili kong tanong.

“Nasa ilong ko nagkakape.” Balasubas na sagot nito. “Si Feitan nalang hanapin mo..” Inis ko siyang inirapan, hindi kaya ito na sesense na  awkward kapag inaasar niya ako sa pinsan niya? Akala siguro ni Deiry may something kami ni Feitan e turing ko na roon ay boy bestfriend.

Dumating na si ma'am at pinaliwanag ang dapat naming gawin, nawala ang masayang ngiti ko ng lumitaw ang mga nakamatang tropa ni Stacy na mukhang may binabalak habang hawak ang mga bola. Gusto ko itong ipagsawalang bahala pero alam kong kung gagawin ko iyon ay baka ako ang mapahamak.

Umalis si ma'am at iniwan kaming gawin ang activity hindi ako humiwalay kay Deiry para maiwasan ko sila pero sadya atang gusto nila akong masaktan.

“Dorothy!” Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ang sigaw ni Deiry. Nanlalaki ang mata ko ng makita ang isang bolang papunta sa aking direksyon.

Parang naka slow motion lahat dahil sa nerbiyos ay napapikit nalamang ako at hinintay ang pagtama ng bolang iyon sa akin. Sanay naman akong pagtripan sa maraming tao. Nakalipas ang ilang segundo ay wala akong maramdaman, hinimatay ba ako? Hindi.

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at may naaninag akong likuran ng lalaki ang animo'y pinoprotektahan ako sa pagtama ng bola.

“Tangina naman!” Sigaw ni Feitan habang nasa likuran ako nito. “Sinadya mo iyon!” Kakaiba ang boses niya, hindi kagaya ng masiyahing Feitan na madalas kong kasama.

Nagkakagulo na, marami ng bulungan ang maririnig sa field. “Gremory ayos ka lang?!” Sigaw ni Rossweisse sa hindi kalayuan. Umalis ako sa pagkakapwesto sa likuran ni Feitan at doon ko nakitang nakaupo sa may damuhan si Gremory habang dumudugo ang ilong.

Nakaupo ito sa may damuhan at sa likuran niya ay si Feitan, at sa likuran naman ni Feitan ay ako.. A-Anong nangyari?

Nag-aalalang itinaas ni Rossweisse ang p.e shirt nito at ipinampunas sa dumudugong ilong ng kaibigan kahit na magkagalit ang dalawa'y hindi pa rin nila matiis ang isa't isa. Habang si Xerxes nama'y madilim ang awra na para bang nawalan na ng katiting na pasensya, naglalakad na ito papalapit kina Stacy.

Malaking gulo kapag nakalapit siya kay Stacy! Nagpapanic na ako dahil sa gulong ito.

Ang mata kong nanlalaki na ay mas lumaki pa dahil bumulagta si Stacy sa lapag. “Ouch!” Daing nito at isang bola ang nagpagulong-gulong. Natigilan si Xerxes halos lahat kami'y napatingin sa bumato.

Sinalubong kami ng masayang ngisi ni Deiry nang mapansin na halos nakatingin na sakanya'y kunwaring nabigla ito. “Oh, hindi kita nakita.” Anito pero walang bakas ng kahit anong pagsisisi o panghingi ng dispensa.

Mukha pa itong satisfied ng makitang mapasubsob ang babae sa maruming damuhan. Tinulungan siya ng mga tropa nito. “Sinadya mo iyon!” Sigaw ni Stacy habang dinuduro si Deiry.

“Wiz ako naniniwala. Inosenteng diwata si Deiry..” Biglang pagtatanggol ni Xerxes kay Deiry, nakapameywang ito. “Esusme, ang fanget, fanget mo. Naniniwala ako kay Deiry,” tinignan nito ang mga estudyanteng nanonood. “Kayo kanino kayo maniniwala? Kay Stacy chanak o kay Deiry na diwata? Kapag sa chanak babangungutin kayo..”

Marami pa itong sinabi hanggang sa magsagutan na sila pero na kay Gremory na dumudugo ang ilong ang atensyon ko. Nilapitan ko ito ngunit isang kamay ang pumigil sa akin sa paglapit. Napatingala ako at doon nakita si Feitan na walang emosyon..

“Stop. Just please stop. ”


﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Ball

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now