SL 5 | Sticky Notes
“Ikaw Dei ah..” Napalingon si Deiry sa akin na abala sa pagkain ng siopao nito. “Nagsumbong ka pa talaga kay ma'am Garcia..” Saad ko saglit niya akong pinakatitigan.
“Ah? Anong sumbong? Hindi ako nagsusumbong..” Sagot niya na nakapagpagulo na sa akin. “At saka hindi ako pwedeng mag-sumbong kasi pisikalan tapos pinapatulan ko mga nang-aaway sa akin o sayo..”
Hindi si Deiry? Kung ganoon, sino? Hindi namang pwedeng ako o kaya sina Stacy? Hala?
“Weh?” Ani ko, saglit na natigilan ng dumaan sina Gremory sa gawi namin. As usual kasama nito lagi sina Xerxes na nakikipag close kay Deiry ngayon. “Totoo?”
Hindi nagsalita si Deiry at kinain na ang siopao na para bang nasa isang race. “Kulit. Oo nga, bakit ako magsusumbong kung kaya ko namang paduguin nguso nila?” Alam kong hindi siya nagbibiro.
Eh? Kung hindi si Deiry sinong nagsumbong? Kakilala ko ba? Tanungin ko nalang si ma'am Garcia, magpapasalamat ako.
Nagsisigawan sina Rossweisse at Xerxes habang si Gremory ay inaawat ang dalawa. Ang sabi niya dati sa akin feeling niya hindi siya belong sa grupo nilang iyon. Hay, Gremory ko. Huwag kang mag-alala kapag nasa piling kita sayo buong atensyon ko.
Promise, peks man, lasang tomato.
“Lilipat na iyong pinsan ko sa school natin..” Tunog dismayado na may halong problemado si Deiry para bang ang ideya na lilipat ang pinsan nito'y malaking kalbaryo para sakaniya. May pinsan pala siya?
“Sinong pinsan?” Tanong ko, nakakunot noo pa rin ito. “Dei?”
“Feitan.. Lalaki iyon kaso madaldal na maingay.” Tipid nitong sagot kaya't napatango nalang ako.
Habang nakatitig sa kawalan, “paano kaya makikita ni Gremory ang halaga ko?” Wala sa sariling tanong ko.
“Magsuot ka ng price tag..” Ani Deiry na nakapagpanga-nga sa akin. Iba talaga kapag matalino, oo nga naman.
“Para makita niya ang halaga mo..”“Ewan ko sayo, Dei.”
“Bahala ka nga riyan, dami mo pwedeng problemahin bakit si labo mata pa.”
Malabo nga mata ni Gremory kasi hindi niya nakikitang ako ang para sakanya. Hayy, lugi. Sige baby, enjoy ka muna sa maling tao kitakits nalang tayo in near future.
━─━────༺༻────━─━
Naging maayos ang buhay eskwela ko simula ng malipat ako sa section nina Deiry, hindi na ganoon kalala ang pangtritrip sa akin. Pero hindi rin naman nawala, madalas ay i body shame ako nila Stacy sa tuwing nagkakatagpo ang mga landas namin sa labas ng classroom. Lagi nalang, favorite niya kasing guluhin ako.
Ngayong araw na ang pinakakatakutan ko, ang role play sa stage ng gym. Suot-suot ang saya at ang kabado kong mukha ay binaling ko ang pansin sa mukhang patay na si Deiry. Siya ang narrator, lagi naman. Hindi ito pwedeng isabak sa actingan dahil pars kang nakikinig ng robot na may sama ng loob. Malas ngang ako ang napili nila sa pagganap na Laura. Narito ang kaba na baka magkamali ako, lalo na't iniba nila ang script.
“Huwag ka kabahan..” Ani Deiry. “Kapag hindi mo na alam ang gagawin mo basahin mo nalang yung papel.” Para itong nagbibigay ng makapangyarihang words of wisdom.
Lahat kami ay abala sa paghihintay kay Jonathan na siyang may dala ng mga props, may pa budget ang costume namin dahil si Nathan ang natoka sakto at mananahi ang nanay nito.
“Guys! ” Sigaw ng kagrupo namin sa hindi kalayuan. Hinihingal ito at para bang natutuliro. “Absent daw si Jonathan..” Iyon lang ang sinabi nito at nagkagulo na kaming lahat.
“Hala? Paano na yung props?”
“Gago iyang si Nathan!”
“Bakit ako? Tanga Jonathan kasi!”
Saglit kaming nagtinginang lahat at sabay-sabay na nalipat ang paningin sa upuan pagkuwana'y napabuntong hininga marahil ay iisa ang iniisip. “Bahala na,” ani Deiry. “Tayo na ang magpeperform mamaya, dalhin nalang sa pag-arte.”
Favorite line ng mga pinoy ang bahala na. May magagawa pa ba kami? Edi wala.
Nagsimula na ang role playing ang upuan ang nagmistulang settings ng buong pagsasadula, natatawa pa kami dahil kung anong kinabongga ng suot ay ang kinalagwak ng props. Bigay todo kaming mga cast sa pag-arte habang ang narrator naming si Deiry ay tawa ng tawa sa gilid.
Napapasandal pa ito sa blackboard. “Pinoy students role playing 101...” Sabi niya.
“Oh, Laura..” Ani Jonas. “Ika'y napaka marikit..”
Ngumiti ako, “salamat florante..” Naghintay ako sa susunod nitong sasabihin ayon sa script namin ngunit tila nakalimutan na nito ang kasunod. Masama na ang tingin ni Deiry at ang leader. “Florante..” Tawag ko.
Napangiwi ito. “Laura, n-na.. Nakita ko na ang ibong adarna!” Biglaan niyang sigaw dahil siguro nakalimutan na ang dialogue. Malakas na tawanan ang naganap sa classroom, si ma'am ay napapasapo na ng noo dahil biglang nagka ibong adarna ang kwento nila Florante at Laura.
Ngayon ko lang nalaman na hindi si Don Juan ang nakakuha ng adarna... Si Florante pala.
Natapos ang role play at nagkanya-kanya na kaming mundo. Nagbibihis ako ng may mapansing isang lunch box sa aking lamesa. Kanino ito? Una kong tinanong si Deiry bago ang iba pero maging sila'y hindi nila alam. Nasa may dulo kasi at malapit sa bintana ang pwesto nito.
May nakadikit na kulay pink na sticky note. “Goodluck and good job (. ❛ ᴗ ❛.) D. Smile”
Iyan ang nakasulat sa sticky notes sunod kong sinuri ang lunch box at syempre ano pa ba ang magiging laman nito maliban sa napakaraming nagsisiksikang pagkain, biscuit na maliliit, chocolate at chitchirya.
“Kanino iyan galing? Alam mo na?” Umiling ako. “Baka hindi talaga para sayo.
Nakakunot noo pa rin ako. “Pero may D. Smile, hindi ba Dorothy Smile iyon?” Ani ko, mukha namang nakumbinsi si Deiry.
“Baka,” sabay kinuha ang isang biscuit. “Hindi naman pala expired, sige sayo na. Kapag may naghanap sabihin mo hindi natin alam...” Aniya sabay buklat nung chocolate.
Napalinga-linga ako sa paligid kami nalang ni Deiry ang natitira, inilagay ko sa bag ang lunch box at sinuot na ang uniform. Lalabhan ko nalang agad itong saya tapos ibabalik ng plansado kay Nathan. Normal lang talaga ang pangyayari sa buhay grade 8 ko, walang araw na hindi ako ngumi-ngiti kasi nga tulad ng extension name kong Smile.
Kanino ba kasi galing yung sticky notes at lunch box?
Nililigawan ba ako ng kapre?!
﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
#Sticky Notes
YOU ARE READING
Sitio Series 3: Scheming List
Romance[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for a long time-a crush perhaps. Dorothy Smile Felipe with a dream of someday Gremory Santillan will notice her, she opt to do things that wil...