Chapter 37

842 36 1
                                    

Jhai's POV

Papasok na sana ako sa room ng nakita ko na naguusap si Zyrill at Klea kaya agad ako nagtago sa pintuan. Nakaupo si Zyrill sa bangkuan at si Klea naman ay nakapatong sakanya. Naka gapos ang dalawang kamay ni Klea sa balikat nya.

Napalunok ako at pumasok na lang. Pag pasok ko ay gulat na gulat sila dahil nagsitayuan sila bigla pero si klea ay bigla nya hinalikan si Zyrill kaya agad ako lumabas.

Pumunta ako sa rooftop na umiiyak. Umakyat ako sa delikadong parte at sumigaw.

"WAAAAAAHHHHH!" Malakas na sigaw ko. Gusto ko ilabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng pagsigaw.

Tangina naman, jhai. Matapang ka eh! Pero bakit pag dating sakanya ang hina hina mo?!

"Bakit lagi na lang ako nasasaktan?! Hindi ko pa deserve na mahalin?" Napayuko na lang ako.

"Jhai?" Tumingala ako at tinignqn kung sino ang tumawag sakin. Si Kian.

"Wala akong dalang panyo kaya..." Inalis nya ang necktie nya at binigay sakin. "Here. Punasan mo iyang luha mo. Di bagay sayo umiyak, ang pangit mo."

Umupo sya sa tabi ko at bumuntong hininga. "Umiiyak ka na naman...dahil na naman sakan'ya." Sabi nya kaya di ako nakapagsalita.

"Gusto mo ba suntukin ko si Zyrill para sayo? Tanginang yon." Sabi nya na parang galit kaya bahagya ako napatawa.

"Hindi mo naman kaya." Sabi ko at ngumisi sya.

"Kaya ko, maniwala ka." Saad nya pa kaya di na ako umimik.

"Hindi ko naman 'to nararamdaman dati." Sabi nya at bahagyang tumawa. Nalito ako kaya agad ako nagtanong.

"Ha? Ang alin?" Hindi nya ako sinagot at tumayo na lang sya.

"WAAAAAAAAAHHHHH!BAKIT SYA PA?!!! BAKIT?" Sigaw nya na naging dahilan para magulat ako. Baliw to bigla bigla na lang sumisigaw.

"Jhai, may naisip ako." Tinignan ko naman sya, nagtatanong. "Oo may isip ako." 

"Baliw, ano ba yan nasa isip mo?"

"What if maglaro tayo?" Tanong nya.

"Anong laro naman? Di na tayo bata para maglaro."

"Madali lang naman ang larong to." Sabi nya at parang nagtatampo.

"Ano ba kasi yan?"

"Love game." Sabi nya at ngumisi. "Sa larong ito kunwari mag boyfriend and girlfriend tayo. Titignan lang natin ang reaction ni Zyrill para na rin hindi ka malito kung ano talaga ang nararamdaman nya para sayo." Sabi nya. Hindi ako nakapagsalita at bumuntong hininga na lang. 

"Sa susunod na araw ay magbabakasyon ang buong section natin sa cebu. Kung sakaling papayag ka dun natin uumpisahan ang laro." Hindi ko alam kung papatulan ko ba ang larong ito ni Kian or wag. Ayoko masaktan si Zyrill pero gusto ko din naman malaman ang tunay na nararamdaman nya sakin. "Pagisipan mo." Sabi nya at ginulo ang buhok ko at umalis na.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Kian at niyaya nya ako sa ganiyan. 

 Buong section daw ang magbabakasyon sa Cebu ibig sabihin ay kasama si Klea. Sana makatagal ako na kasama sya. Hays. Ang hirap ng ganito, ngayon ko lang naramdaman to.

Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako or huwag na muna. Siguro ay dito na lang muna ako bukod sa tinatamad ako bumaba, tinatamad rin ako makinig. kahit di  naman talaga ako nakikinig. Sa huli ay nakapagdesisyon ako na dito na lang muna at matulog.

The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon