author's note: sorry sa typos at wrong grahams! este, grammar. hahaha.
Chapter 1I'm here at Starbucks. Bibili muna ako ng coffee bago pumasok sa school. Alam kung late na ko sa klase. Nice one! First day na first day ay late ako. Tsk. But, who cares?
Nandito na ako sa labas ng school at halos wala na ako makitang estudyante na nakakalat. Lahat ay nasa kanya kanyang room na. Mabuti naman kung ganun.
Tinignan ko ang map na hawak ko. Yes, map para daw sa mga transferee para makita ang building. Tsk. Ano dora lang?
May nakalagay dun na W at dito mismo sa kinakatayuan ko ay nakita ko ang building na 'yon at parang luma na at halatang hindi pinipinturahan at parang nilayo kaunti sa ibang estudyante. I wonder why? May mga masakit ba ang tao dun at mga baliw? Kaya ba nilayo kasi mga baliw? Hindi naman ako baliw, eh.
Pumunta na ako dun at malapit na ako sa room na papasukan ko. Parang wala ngang mga estudyante dito, eh. Dahil, naka-lock ang ibang mga pintuan at ang daming nakatambak na upuan. Abandon na ba ito? Kaya ba luma?
Kumatok muna ako bago pumasok sa room. Tinignan ako ng teacher na nagtuturo at nginitian. Maganda ito at may mahabang buhok. Feeling ko ay nasa 29 or 30 pa lang ang edad nito.
"You're late, Ms. Fernandez." Saad nito na nakangiti pa rin.
"I'm sorry." Saad ko naman at diretsong tumingin sakanya. Hindi ko pinapansin ang mga titig ng iba dahil, bukod sa wala akong pakielam sakanila ay hindi rin ako interesado na kilalanin sila.
Pansin ko ang tahimik nila at nakamasid lang. Walang nagsalita kaya tinignan ko sila isa-isa at dumapo ang tingin ko sa likuran at nakita ko ang limang lalaki na naka cross arm at nakatingin sa'kin. Nakataas pa ang kilay. Anong problema nila?
"Okay, Ms. Fernandez. Introduce yourself." Truelaley ba? Introduce yourself? Haynako. Nakakatamad. Lagi na lang ganito kapag lilipat ako nagsasawa na ako. Hindi na ako umangal at pumunta na lang sa gitna at nagpakilala.
"Jhairiella Kira Fernandez...can call me jhai." I said boredly.
"Thank you. Then take your seat na Ms. Fernandez."
Tinignan ko ang mga upuan dito at sa unahan at pangalawang row lang ang bakante kaya umupo nalang ako sa pangalawa. Ayaw ko sa harapan 'no. Parang magiging akward kapag malapit ako sa teacher's table.
"Class since this is our first day of our class, let me introduce myself. My name is Mikaela Boravo and you can call me Miss. Mika."
Nagsimula na ang klase at nakinig na lang ako. Oo, nakinig ako. Wow, first time? Kailangan ko na ba magpa-check-up sa doctor?
Lunch time na at kukuhanin ko na sana ang bag ko kaso ay at nakita ko silang nakapalibot na sa'kin. Gosh. What's wrong with this guys? Really. I want to have a peacefull life here para hindi mapadala sa America or makuha ang cards ko. Tapos, ay uumpisahan ako ng ganito? Lagi talaga akong sinusubok ni God.
"What!?" Tanong ko. Nakakairita! Kung kailan iiwas na nga sa gulo para naman kahit papaano ay tumagal ako sa isang school kahit isang buwan lang. Besides ay nagugutom na ako. Nagwawala na ang mga alaga ko.
"Ayusin mo ang ugali mo para makasundo ka namin o kaya kung ayaw mo naman ay...lagot ka samin." Maangas na sabi ng isang to. Wala akong pake sakanya. Sino ba sya sa akala n'ya? Ano sya boss? Kapag sinapak ko ang isang 'to dudugo talaga ilong nito.
Yung apat na lalaki sa dulo ay nanunuod lang samin at hindi nagsasalita.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay, oo gwapo sya pero masyadong maangas. Hindi ko bet.
"Ikaw?" Saad ko at tinignan s'ya sa mata. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila pero, lahat 'yon ay binalewala ko.
"Anong ako ha?" Maangas ulit na saad nito.
Tumawa ako at ngumisi bago sabihin ang linya ko.
"Bakit hindi mo ayusin ugali mo? sama mo na rin 'yong pagmumukha mo." I said at iniwan silang lahat nakatanga.
What the hell. Another hell.
—————————————
Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
Teen FictionNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...