Hi @eurydice10192005 @GrayLoki45 @Iland_Jake01 @itsminnn_ @BlaCkQuEEn223733 @veralascano30 Maraming Thankyou sainyo at sa iba din!💛
______
1 Lose, 1 Dare.
Jhai's POV
"You like the view?"
"Yes" Sino bang hindi? Ang ganda dito sobra. Kitang kita ang paglubong nang araw. "Ang Ganda dito." Namamangha ko pang dagdag.
"Ang Ganda diba?"
Feeling ko ay nakatingin sya sakin. Assumera na kung assumera. Tinignan ko sya kaya pero hindi manlang sya nagiwas nang tingin. Nagkatitigan kami.
Parang huminto ang oras na pati ang pagpikit nya at pag galaw nang mga buhok nya. Para talagang huminto ang oras. Hindi ko alam kung bakit. Nagiwas ako nang tingin sakanya dahil pag pinagpatuloy ko pa ay baka mahulog lang ako. Tumingin nalang ulit ako sa lulubog na araw. Kaihit gaano pa ka chill ang tanawin ang puso ko naman ay parang nagwawala.
"Nga pala sino ang kauna unahang na dala mo dito?" Ewan ko kung bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yang tanong na yan. Nakatingin lang sya sa papalubog na araw habang ako ay nakatingin sakanya.
Tumingin muna sya sakin bago ako sagutin.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na ikaw palang ang una kong dinala dito?." Tanong nya kaya napaisip ako. Sa totoo hindi.
Si Kleah? Baka si Kleah talaga ang una nyang dinala dito at hindi ako.
"Sa totoo lang...hindi." I said honestly.
"Bakit naman?." Nakakunot pa ang noo nya at magkasalubong ang kilay.
"Baka si Kleah talaga ang una mong dinala rito." At saka ako nagiwas nang tingin. Impossibleng hindi nya pa dito nadala yung babaeng yun. Hindi naman ako galit kung si kleah yung una nyang dinala rito eh. Ano bang pakialam ko diba?
Tumawa pa sya kaya mas lalo ako napanguso. Tsk. Ano bang nakakatawa?!.
"Bakit ka tumatawa dyan?!"
"Puro ka kasi kleah. Umamin ka nga gusto mo ba si kle?."
What?!!! Gusto ko si kleah nya?! Nababaliw na ata ang isang to!!
"Tomboy ka no?" Dagdag na ani nya. Nakakainis minus ba 'kong tomboy sa paningin nya?!!
"Ano?! Mukha ba 'kong tomboy ha?!!! Gusto mo bang sapakin kita ha?!" Saad ko at naka ready na ang kamao.
"Wag ka magaalala ako lang naman makakaalam eh." Tumawa pa ang loko.
"Tomboy pala ha!!!!" Sasapakin ko na sana sya kaso nakaiwas sya at mas lalo pa tumawa. Naiinis na talaga ko. Nahuli nya ang kamay ko at hinila nya ako palapit sakanya. Kaya parang nakayakap sya sakin. Nasa harapan nya 'ko at nasa likuran ko sya para tuloy kaming magkayakap.
Nilagay nya yung baba nya sa balikat ko kaya nagulat pa 'ko. Shit.
"Ikaw lang naman ang una kong dinala dito eh. Ikaw at hindi si kleah."
A-ko ang una nyang dinala dito? Hindi si kleah. Kundi ako. Matagal din na ganun ang posisyon namin. Nagring ang cellphone ko kaya agad akong kumalas at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Baby. It's me." Boses ni mommy ang nasa kabilang linya kaya lumayo ako nang kaunti.
"Why?"
"Well uhmmm... I just want to check you if you're doing fine."
"Yes I'm fine. I hope you two doing fine too."
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
Teen FictionNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...