Chapter 2

7K 289 33
                                    

Chapter 2

Maaga akong nagising kaya nag ready na ko para pumasok. Balak ko sanang maaga pumasok ngayon pambawi kahapon dahil late ako, at balak ko muna umiwas sa gulo.

Pagkatapos ng nangyari kahapon ay ewan ko lang kung malalagay nanaman ako sa gulo putcha.

Malapit na ko sa school kaya naman pinark ko muna, ang kotse ko. Yes may dala akong kotse dahil ang driver namin ay nagkaroon daw ng emergency.

Nakita ko na nakasara ang pintuan kaya naman sinipa ko nalang ito sure naman ako na wala pang tao kaya naman dire diretso ako sa upuan ko at sinaksak ang isang earphones ko sa tenga ko.

Shinufle ko ito at sakto naman tumapat ito sa favorite kong kanta kaya napasabay ako.

Kalawakan now playing...

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan

kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

nating dalawa
nating dalawa

tanaw pa rin kita sinta

Kay layo ma'y nagniningning mistula kang tala

Sa tuwing nakakasama ka

Lumiliwanag àng daan sa kislap ng yong mga mata

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay

Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yang kamay

Feel na feel ko kumanta, alam ko na maganda ang boses ko kaya ganto ako ka confident, tinuloy ko ang pagkanta ko dahil wala namang tao.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan

kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

nating dalawa
nating dalawa

Simoy ng hanging na kay lami-

Hindi ko na natuloy ang kinakanta ko dahil nakarinig ako ng palakpak at pagtingin ko ay isa dun sa limang lalaki. Nakatingin sya sakin habang nakangiti at pumapalakpak papalapit sakin. Fuck kanina pa ba sya dyan sa pintuan!?

"Di ka lang pala maganda, maganda din boses mo masungit nga lang." Sabi nito na nakangiti sakin. It means narinig nya nga!

Para na siguro akong tanga dahil nanlalaki ang mga mata ko, pero wala na akong pakealam dun dahil putcha bes narinig nya yung boses ko.

Lumapit sya saken at tumawa at nagsalita na nakapagtahimik lalo sakin.

"Ang cute mo." Sabi nya at kinurot ang dalawa kong pisnge ko.

Natauhan naman ako sa ginawa nya at napatayo

"WHAT THE HELL!"

"Easy ka lang babes hahaha by the way I'm Jan Andrei" At inabot nya ang kamay nya. Tinignan ko lang ang kamay nya at tinaasan sya ng kilay.

"Wag mo ipagkakalat ang nakita mo at narinig mo.'' I said with a serious tone.

"Pano kung ayaw ko." Sabi nito at ngumisi. Kinabahan naman ako dun kaya napalugay ko ang nakatali kong buhok.

"Let's make a deal." Sabi nito

Nandito ako ngayon sa cafeteria para ibili ng chichirya si Andrei bwiset na lalaking yun ginawa pa kong katulong tinatamad daw kase sya. Isa yun sa deal namin kanina.

"What's deal?" I said

"Be my best friend..." Saad nito at pinutol ang sasabihin "bili mo ko pagkain sa cafeteria."

"Deal. Basta hindi mo ipagkakalat ang video." I said.

"Ok then." Sabi nya na nakalahad ang palad. Inabot ko ito at nakipagshake hands.

Kaya ayun ngayon nakapila ako dito sa cafeteria tsk. Pansin ko lang ang daming nakatingin sakin at nagbubulungan. Kinuha ko na ang binili ko at rinig ko parin Ang bulungan.

"Ang swerte naman nya kasama nya si papa andrei"

"Sinabi mo pa araw araw nya makikita ang group nila zyrill"

"Araw araw sya pinapaligiran ng mga gwapo"

"Lalandiin nya lang ang mga papa natin tsk"

Tinignan ko kung sino nagsabi nun at nakita ko ang mga clown. Kulang nalang gawing color book ang mukha yuck.

Tinarayan ko sila at umalis na.

Nasa room na ko at bitbit ang dala ko nakita ko si Andrei na nasa likuran kasama ang lima nyang kasama kaya pumunta na ako dun at nilapag ang pagkain at inirapan sya.

At itong mga mokong ay nagiingay.

"Ang duga mo naman Ms. Sungit bat si drei nilibre ko kami hindi?"

"Kaya nga Ms.Sungit"

"Kami rin dapat jhai!"

Tinignan ko silang lahat at tinaasan ng kilay srysly? Mga Wala ba silang pambili?

"Seriously? Wala ba kayong pera ha? at bakit ba Ms. Sungit ang tawag nyo sakin!?"

"Oh tignan mo nagsusungit ka nanaman." Sabi ng isang to mula sa likuran. Sumangayon naman ang mga mokong.

"Tama si Jared masungit ka." Sabi naman ng katabi nya.

"Oo nga naman Bestfriend ang sungit mo." Sabi naman ni andrei na nakangiti na mapangasar, at dahil dun ay napatingin sakanya ang mga mokong at sabay sabay na nagtanong

"Ha? Bestfriend na kayo ni Ms. sungit?"

"Dapat kami din"

"Kaya nga jhai"

"Tropa na tayo sungit"

Childish. Binigyan lang sila ng ngiti ni Andrei.

"Wag nyo nga akong tawaging sungit may pangalan ako. Jhai. Jhairiella." Sabi ko sakanila

Tumayo naman ang isa dun sa lima at tinignan ako kaya tinaasan ko sya ng kilay

"Tsk bagay naman sayo yung pangalan na yun eh SUNGIT." Sabi nito at lumabas na.

"Tama si zyrill"

"Kaya nga bagay talaga sayo ang ms. Sungit."

"Tignan mo ang taray taray Tama talaga si Zy"

Napuno ang sigawan sa room dahil sabay sabay nilang sinigaw ang salitang

"JHAI MASUNGIT"

--
May mabubuo kayang Loveteam?HAHAHAHA

Team JhaDrei or Team JhaiRill?

Enjoy Reading Alysicians!

The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon