Anon Pov
"How are you, Jhai?" Tanong ko sakanya habang tinutulak ang wheelchair. Malayo ang tingin nito. Tahimik lang sya.
Hininto ko ang wheelchair sa isang upuan na parang magkatabi lang kami. Tumingin ako sa gilid nya. May mga galos ang mukha at may benda sa ulo dahil sa vase na nabagsak sa ulo nya.
Hanggang ngayon ay galit pa rin ang nararamdaman ko. Galit at sakit para sa bestfriend ko. Napakabait ni Jhai kaya bakit nila siya ginaganito? Tumingin ako sakanya habang sya ay malayo ang tingin.
Nililipad ang mahaba nyang buhok at unti-unti nyang pinikit ang mga mata nya.
"Huwag mong tanungin kung kumusta ako dahil, pati ang sarili kong nararamdaman ay kinakapa ko."
Sabi ni Jhai. Umiwas ako tingin dahil, naawa ako na hindi dapat. Alam kong malakas si Jhai. Ang gusto nya lang ngayon ay ang taong makikinig sakaniya at narito ako para damayan sya.
"Minsan ay nakakapagod rin palang ipaliwanag sa tao kung ano ang tunay na nararamdaman mo kaya mas pinipili ko na lang na manahimik."
"Nandito ako para sa'yo, Jhai. Huwag ka mawalan ng pag-asa." Ani ko. Tinignan ako nito sa mata at pinipilit ko syang basahin ngunit, walang emosyon. Wala akong mabasa. Ano bang nararamdaman mo sa mga oras na ito, Jhai?
"Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa tabi ko ngunit, nagpapasalamat ako sa'yo dahil dumating ka kung kailan kinakailangan ko ng isang kaibigan na mananatili sa tabi ko."
Unti-unti bumagsak ang luha ko at madali ko rin pinunasan ito. Si Jhai ang nag iisang kaibigan ko. Pinagtanggol at iningatan nya ako. Minahal na para bang isang kapatid at gagawin ko ang lahat kahit buhay ko ang maging kapalit.
"It's nice to see you again, My Angel. Hindi ko inaakalang sa ganitong sitwasyon pa tayo magkikita." Saad ko at ngumiti. Unti-unti syang umiling at ngumiti bago muling tumingin sa akin.
"I know you know what happened to my Mom and simula nun ay inumpisahan mo na akong bantayan. Tama ba?" Tanong nito at nakangiti pa rin.
Ang buong akala ko ay hindi nya alam. Simula noong namatay ang Mommy nya ay nasa bahay nila ako at binabantayan sya kung lalabas sya. Kaya madali ako nakapunta sa bahay ng mga Oliver's para iligtas sya. Tahimik lang ako at hindi sumagot.
Ang full name nila Klea at ang kabit ng Daddy nya ay nalaman ko na dahil, pinaimbistigahan ko sila.
Kleana Geria Oliver and her Mother Lairia Oliver.
"Kung ano man ang binabalak mong masama sakanilang dalaaa ay huwag mo na ituloy." Mahinang ani ni Jhai.
Napaiwas ako ng tingin dahil, alam kong alam nya na kung ano ang mga plano ko para sakaniya. Dahil, hindi tama ang pinaggagawa nila kay Jhai.
Nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Ngunit, bago ko pa ito masagot ay nakita ko sa malayo ang mga taong nanakit kay Jhai. I turn my location on and i know sa pagpindot ko pa lang ng gps ay on the way na ang partner in crime ko. Ngumisi ako at binulsa ang cellphone ko.
Umpisa pa lang ang laban. Isa lang ang alam ko at iyon hindi nila hahayaang masaktan ang iniingatan nilang Prinsesa.
Jhai's POV
Ang sabi ng Doctor mabuti na hindi malala ang natamo ko dahil, pwede ako ma-comatose mabuti ay nadala agad ako sa hospital at lahat iyon ay pasasalamat ko sa kaibigan ko.
Wala na mas sasakit pa ang makitang walang lumapit para tulungan ako, para iligtas ako. Mga ilang segundo parang nakalimutan nila ang lahat ng pinagsamahan namin. And, for a moment i asked myself if i deserved to be treated this way.
Galit ako ngunit, pinapakalma ko ang sarili ko. Dahil, sa mismong magdilim ang paningin ko hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko.
Tahimik lang ang katabi ko at malayo ang tingin nya. Naka-mask na rin ito noong pumunta sya para tulungan ako ay naka mask rin sya ngayon ay tinitignan ko kung sino ang tinitignan nya ay parang nanghina ako.
Section Eleven at kumpleto sila. Kasama si Daddy at ang kabit nya at si Klea. Napatingin ako sa gawi ni Zyrill at nakitingin rin sya sa akin.
Ang makita syang walang emosyon habang nakatingin sa akin ay bumabalik ang mga ala-ala noong nakikita ko ang pagmamahal at pag-aalala nya sa akin noon.
Iniwas ko ang tingin ko sakaniya. Hanggang sa palapit silang lahat sa amin ay wala akong maramdaman at para bang naging manhid ako bigla.
Nasa harapanan ko si Daddy at ang Mommy ni Klea at sya. Tinignan ko silang tatlo para ngang perfect family sa labas ngunit nasa loob ang kulo at ang baho.
"Jhairiella, klea deserves an apology from you!" Sigaw nito sa akin ngunit hindi ko na kinagulat iyon.
"Baliktad naman. Jhairiella don't have to say sorry to her! Because, in the first place si Klea ang nanguna. You came here just to say your nonsense shits?! Fuck you all. Stay away from her! You do not deserve her." Sabi ng kaibigan ko. Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay para pakalmahin sya at para na rin iparating na ako na ang bahala.
"Then, i'm sorry!" Sigaw ni Klea kaya lahat napatintin sakanya. Hindi rin makapaniwala ang Mommy nya sa sinabi nya. She just apologize to me with sama ng loob. Lumapit pa ito sa akin at binibigay ang pangkain na dala nito.
Kinuha ko iyon at inalis sa paper bag. Pagkain nga ang laman.
"Is this your way to say sorry after what you did?" I said. Binuksan ko iyon at tinapon sa pagmumukha nya.
Rinig na rinig ang singhap nilang lahat sa ginawa ko. Aambahan na sana ako ng sampal ni Daddy at nakapikit na ako para tanggapin ang sampal nya ngunit, sa likod ko ay may nagsalita.
"Hurt her and you'll see the consequences for what you did." His deep voice. Nakakatakot at parang sinusundo ka ni kamatayan. Gugustuhin ko man lumingon ay hindi ko magawa.
Tahimik lang at paglingon ko kay Klea ay nasampal nya ako gamit ang maruruming kamay. Ramdam ko ang sakit at ang pagdudugo ng gilid ng aking labi.
Saglit akong pumikit at lumapit sakanya. Seryoso at walang emosyon ag ipinapakita ko at nararamdaman ko ang takot nya.
"You hurt me so you should face the consequences for what you did. See you in hell, Kleana Geria Oliver."
Tinalikuran ko sya at naglakad na palayo. Ngunit, bago ako tuluyan lumayo pa ay lumingon ulit ako.
"I do anything just to prove myself but, you all hurt me. Ipaparamdam ko sainyo kung paano nyo ako sinaktan and for you Klea, hindi pa tayo tapos. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kasakit mawalan ng taong pinakainingatan mo. Mark my words."
May ngiti sa aking mga labi after kong sabihin ang mga salitang iyon. Dahil, sa mga oras na ito galit at sakit lang ang nararamdaman ko.
@justasylei
—
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
TeenfikceNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...