Chapter 10

4.3K 238 16
                                    

A/N: Hii sorry hindi ako nakapag update hahaha nabura nang kapatid ko ang wattpad ko at ngayon ayaw mainstall sa cellphone ko peste hahaha so nanghiram ako ng phone sa ate ko para makapagupdate hahaha so i hope y'all understand hehe Enjoy Reading babes!♡

Selos

Chapter 10

Nandito ako ngayon sa room at bored na bored. Pano ba naman kase ang aga ko pumasok. Sa sobrang aga ko eh ako lang ang tao sa room. May narinig akong sigawan sa baba kaya agad akong lumabas sa room at sumilip sa baba. Nakakarinding sigawan.

"Ang pogi mo zyrill"

"Anakan mo 'ko andrei"

"Akin ka na lang jace"

"Ang cute mo cian"

"Iloveyou jared"

"Mahal na mahal ko kayo"

Nakakarinding sigawan. Marami pang sumisigaw dahil lahat ng boys ay kasama nilang lima. Mga feeling gwapo tsk tsk. Kainis.

Nakita ko silang huminto dahil may babaeng biglang sumulpot at binigyan nang letter si Zyrill!

Napairap ako nang tanggapin nya ang letter. Ang pagtanggap sa letter ay okay pa pero ang pagpapacute at ngiti ngiti pa ay hindi na okay yun. Teka ano bang pakialam ko sakanya? Tsk. Tsk.

Nagulat ako dahil kumaway sakin si Andrei at Cian at sumigaw.

"GOODMORNINGGGG BABEEE!!''

Babe nyo mukha nyo. Kumaway sila sakin kaya napatingin sakin ang mga babae. Inirapan ko lang sila at pumasok na sa loob.

Maya maya din ay nakita ko na silang lahat pumasok. Nakaupo lang ako kunwareng walang pake sa pagpasok nila pero ang totoo ay nakikinig ako sa pinaguusapan nila. Oo nga bakit sila sabay sabay pumasok?

"Grabe putcha bakit nyo ba ko sinundo?" Sabi ni Ivan. One of the boys.

"Tanga neto pinagusapan na natin kanina bingi ka ba bro?" Theo

"Tangina inaantok pa nga ako eh."

"Dapat pala iniwan na lang natin tong Si Wenz eh."

Nabalik ako sa ulirat nang kalabitin ako nang nasa tabi ko.

"Woi anong ginagawa mo dun kanina?? Atsaka bakit ang aga mo pumasok?" Sabi nya habang nakaturo sa pwesto ko kanina.

"Kasi maaga ako pumasok." Saad ko habang naka cross arm

"Based mood ka ghorl?" Maarteng sabi nya. Parang bakla.

Inirapan ko lang sya at itinuon ang paningin ko sa harapan at sa hindi inaasahan nakakita ako ng gwapo char. Nakita ko si Zyrill na nakatingin sakin habang pinapalibutan ng iba para tignan yung letter. Inirapan ko lang sya at humarap kay Andrei.

Tatanungin ko kung bakit sila sabay sabay pumasok. Kinalabit ko sya at maarteng humarap sakin habang nakataas ang kilay. Kanina ko pa sana sinapak tong lalaking to.

"Oh baket?" Sabi nya at hinahawakan ang buhok nya. Parang bakla. Bumigay na ata!.

"Tumigil ka nga sa kakaarte hindi bagay sayo." Sabi ko. Okay lang naman maging bakla sya. Maraming iiyak na babae hahaha! "Bakit nga pala kayo sabay sabay pumasok?" Dagdag ko.

"Excited ka na ba malaman babes? Kiss mo muna ako ahihihi..." Saad nya. "Nagplano kasi kami at mamaya sasama ka samin sa ice cream parlor ni pareng ivan libre daw nya, actually kagabi pa namin naisipan kaya ayun." Sabi nya kaya ako tango lang ng tango.

The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon