Chapter 47

718 37 22
                                    

Klea's POV

"Hurt her and you'll see the consequences for what you did."

Ang boses nung taong nagmumula sa likuran ni Jhai ay matangkad, nakahoodie ngunit pansin na pansin ang kulay ng kanyang buhok, Silver. May salamin at may mask.

After sabihin ni Jhai ang mga salitang 'yon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tumayo ang mga balahibo ko at hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko. Nanghihina ako.

The next day ay hindi na namin nakita si Jhai na pumasok pa sa classroom. Tahimik ang Section Eleven at wari mo na may malalim na iniisip. Kung ano man ang balak ni Jhai ay wala akong pakielam dahil ang mahalaga na sa akin na ang taong mahal nya walang iba kundi si Zyrill.

Alam kong mahal ni Jhai si Zyrill kitang kita ko sa mga mata nya kung paano sya nasasaktan habang nakatingin kay Zyrill. Nasa akin na rin ang Daddy nya na Daddy ko na ngayon.

Kami na ang pamilya. Simula nung namatay ang Mommy ni Jhai doon na kami tumira sa pamamahay nila.

"Manang, clean this room. Wala na si Jhai here. Bakit nandito pa rin ang mga gamit nya? What a trash. Nagmumukha tuloy tayong basurahan." Sabi ko sa isa sa mga katulong.

Nandito na kami sa pamamahay nila. Ay mali pala, dahil hindi na nila pamamahay ito kundi pamamahay na namin. Wala na silang karapatan dito.

"Si Jhairiella ang tunay na Anak. What are you doing? Wala kang karapatan alisin ang mga gamit nya dahil, hindi ka naman tunay na anak." Sabi ng matanda. Hindi sya mukhang katulong dahil may mga alahas sya at may salamin din. Mukhang strict at ang buong pagkatao ay Elegante. Nakakatakot. Hindi mo gugustuhing kalabanin ito pero hindi ang isang katulad niya ang makaka-antras sa isang Kleana Gerina Oliver.

"Who cares? For your information, wala na siya dito at hindi na siya babalik pa. This house is now ours! I'm your boss here and you must follow what i say. Dumbass!"

Tila nagulat ito sa sinabi ko dahil, hindi 'to nagsalita ngunit malalim ang tingin sa akin na para akong kinakain nang buhay. I hate the way she stare me para bang sinasabi nito na wala akong karapatan pagsalitaan siya o pagtaasan siya nang sorry.

Unti-unti ito naglakad patungo sa kinatatayuan ko kaya hindi ko mapigilan umatras dahil sa takot. Ang mga mata niya ay hindi ako nilulubayan tumigil ako sa pag atras dahil sa sinabi niya and at this time my body is cold, hindi lang dahil sa tingin niya.

"Watch your step. One wrong move and you'll die."

Halos habulin ko ang hininga ko dahil isang maling atras ay mahuhulog ako sa hagdan. Tinignan niya ulit ako na parang kinakabisado ang mukha ko tsaka ngumisi. Tangina. Nagmukha akong lantang gulay nung napaupo ako sa sahig dahil sa takot. Pawis na pawis rin ang noo ko.

Ang daming weird na nangyari ngayon at mga tao na hindi ko naman kakilala pero talagang nakakatakot. Aminin ko man sa hindi pero ang buong sistema ko ay hindi pa rin makaget over sa nangyari.

Nakasakay ako ngayon sa kotse papunta sa School. I have this weird feeling like I'm being watch by someone. Hindi ako mapakali. Biglang huminto ang kotse at ang lakas ng impact nun.

"What the hell are you doing? Can you please be careful?!" Sigaw ko sa driver.

"Pasensya na po ma'am, may humarang po kasi na kotse sa daan."

Pagtingin ko ay mayroon nga. Nakaharang lang ito pero walang bumababa. I'm afraid baka kapag bumaba ako ay barilin na lang ako bigla. Ako na mismo ang lumapit s Driver at nag busina nang beses. Umalis ito sa pagkaharang at sunod sunod umalis ang black cars.

Siguro ay nangtritrip lang.

Pagdating ko sa room ay wala pag tao. Hindi ko alam at parang nawalan ng gana ang Sectio Eleven simula nung nangyari iyon. Ang dating maingay ay ngayon ay matamlay. I hate it. Nandito naman ako! I'm so much better that Jhairiella. That bitch. She stole them from me and now I have them again. I won't leave them again.

Don't ever dare to comeback, Jhai.

Apat na araw na ang nakalipas at wala na talaga siyang paramdam. Hindi namin alam kung nasaan siya. That's good. Baka umatras na siya dahil takot siya. Weak shit.

Natapos ang araw na walang pumasok sa room at ako lang ang naiwan na mag isa. I can't believe this. Simula nung nagyari ang pangyayari na 'yon ay hindi nila ako pinapansin.


Zyrill's POV


I'm so fucking bored. Simula nung nangyari 'yon hindi na ulit ako pumasok. What's the purpose anyway? Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako pumapasok.

I want to punch myself for being jerk. Tangina. Pagkakataon ko na 'yon pero hindi ko pa rin siya nilapitan. I act like she mean nothing to me dahil yun naman ang tama. After all pinaglaruan lang naman namin siya. Pinagpustahan.

Ngunit wala pa sa gitna tinigil na namin. Talo ako. Tangina, nahulog ako e. I want to protect her. Kung sino man ang mananakit sakaniya ay ako ang makakabangga nila.

She's like a puzzle to me or a fucking math. Sobrang hirap niya i-solve. One night Klea told me about her. Sabi niya ay kilala niya 'to. How come? hindi niya naman matagal nakasama si Jhai and that news come. Parang bomba na sumabog.

Kaya pala sinabi niyang kilala niya ito dahil alam niya na ang Daddy ni Jhai ay kinikita ang Nanay niya.

"I saw her! I saw Jhai with a guy. Parehas sila may hawak ng baril! I swear to God siya ang nakita ko. Maniwala ka naman Zy." Sabi ni Klea na nasa harapan ko. Hindi ko siya pinakinggan at pina-alis sa opisina ko.

Hindi ganoon si Jhai. Kahibangan ang sinasabi niya. Nanggaling si Jhai sa ordinary family kaya malabo ang sinasabi nito.

But that night hindi ako pinatulog sa kakaisip nito. Kilala ko ba talaga siya? O baka kilala ko lang siya dahil ang mga impormasyon na ipinapakita niya ay yun lang ang dapat kung malaman?

Nagbackground check ako simula pa lang nung pumasok siya sa amin at kahit kailan hindi pa nagkaroon ng aberya ang bagay na ito.

Sino ka nga ba talaga? Do i fucking know you? Ikaw ba ang napaglaruan o kami?

This is so fucking frustrating. Pati iyong kasama niya noong pumunta kami sa Hospital ay parang iniingatan siya na parang isang maling galaw ay papatayin ka. This is bad.

Jhai, sino ka nga ba talaga?



————————————————
@justasylei : )




The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon