Jhai's POVUmalis na yung weird na babae. Nanlambot ang mga tuhod ko sa mga sinabi nya. Umalis na rin ako at bumalik sa taas.
Hindi ko maintindihan ang sinabi nung Weird na babae. Pilit ko tinaggal sa isipan ko yung mga sinabi nya dahil, ayoko naman mag alala ang section eleven.
Napaisip lang ako. May mga pangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin inaasahang mangyari.
Sa buhay natin may taong mahalaga sa atin na hindi natin inaasahang umalis.
Ika nga nila pag may umalis, may dadating.
"Alien!" Naapabalikwas ako nung narinig ko ang sigaw na 'yon. Napasimangot ako at aambang sasapakin sya.
"Easy lang!" Sabi ni Cian. Itong kumag na to, kahit kailan walang magawa sa buhay.
Pinanganak talaga sya para inisin ako. Tsk.
"Tulala ka kasi eh." Sabi nya at tumawa. "Hulaan ko... "
Napa face palm na lang ako. Jusko po susmaryosep! Ito na naman ang hulaan. Last time na hinulaan nya ako ay hindi nakakatuwa. Mabubuntis raw ako eh? Wala nga akong jowa mabubuntis pa! Alam ko naman na di sya seryoso that time dahil, tawa ng tawa ang loko.
"Jhai, bakit tulala ka?" Tanong ni Cian. Tinaasan ko lang sya ng kilay at sumimangot.
Nagulat ako bigla nya hinawakan ang kamay ko. Napakunot noo naman ako.
"Ano trip mo?" Tanong ko. Imbes na sagutin nya ako ay ngumisi sya.
"Hindi mo ba alam na manghuhula ako?" Sabi nya at ang laki pa nang ngiti.
"Baliw ka ba? Hindi ako naniniwala na manghuhula ka 'no! Sige nga hulaan mo kung sino tao sa bahay namin. " Saad ko.
"Okay." Kampante nitong sabi at pinikit pa nya mata nya. Haha!
"Oh ano na? Fake manghuhula ka pala eh." Sabi ko at tumawa dahil, naka limang minuto na sya.
"I can see your..." Binitawan nya ang kamay ko at inilagay nya naman sa bulsa nya.
"Hmm?"
"Mom and Dad crying."
Hindi ako naniniwala kay Cian pero, halos magsitaasan ang mga balahibo ko nung umuwi ako sa bahay.
My mom is crying and my Dad is crying too. May papel na lukot lukot at ang ibang gamit na babasagin ay basag na. Sigurado ako na hinagis yon.
Nakatayo lang ako sa pinto. Para akong naiestatwa sa kinakatayuan ko. Hindi ako makakilos kahit, makapagsalita ay hindi ko magawa. Gustong gusto ko mag tanong kung ano ang nangyari at bakit sila umiiyak pero, hindi ko magawa.
Hindi ko na sinubukan magtanong dahil, sobra akong kinakabahan kahit nung hindi pa ako hinulaan ni Cian. Feeling ko ay may masamang nangyari o mangyayari pa lang.
Napatingin sa direksyon ko si Daddy at malungkot akong tinignan. Sa tingin nya pa lang ay parang may gusto syang sabihin pero, parang pinipigilan nya ang sarili nya. Bakit?
"Jhairiela...aalis kami ng Mommy mo." Hindi na ako nagulat sa sinabi nya dahil, ang pag alis nila sa pamamahay na ito ay wala lang sa akin.
Nasanay akong yaya ko ang kasama ko sa buhay. Sa loob ng bahay na ito ay hindi ko maramdaman ang saya. Masyadong malaki, ako lang at ang mga Maid ang kasama ko.
"Okay." Sabi ko at lumakad na para umakyat sa kwarto ko.
Katulad nga ng sabi ko ay sanay na ako na wala sila sa bahay na ito. Habang tumatagal ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi naman bago sakin ito, sadyang nageexpect lang ako. Mahirap kasi sakin ay lagi akong nageexpect.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
Dla nastolatkówNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...