Chapter 5Friday ngayon. Sabado at linggo ko nanaman makikita sya tsk. Bakit ba ayaw nya pa umalis.
Tuwing binabati nya ako ay hindi ko sya pinapansin at pag kakausapin nya ko ay hindi ko sya tinitignan tsk.
Naglalakad ako ngayon papuntang school ng may napansin akong nagaway nakita ko kung sino yun eh Isa yun sa lima hindi ko naman alam yung pangalan nya eh. Siguro nga dapat malaman ko na ang mga pangalan nilang lahat. Para naman maging fair ako sakanila.
Si Andrei, Cian, Zyrill, Jared palang ang kilala ko.
Hindi ko sya pinansin at naglakad nalang
Rinig ko na sinigaw nya ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin. Bahala sya dyan.
May kumalabit sakin at nakita ko syang hingal na hingal.
"Tinatawag kita hindi ka naman lumingod" Sabi nito na hingal na hingal.
"Ay ako pala tinatawag mo sorry ha Hindi ko narinig eh" sarcastic na saad ko at inirapan sya.
"No problem" Sabi nya. What the hell. Tumalikod na ko sakanya at sumabay na sakin sa paglalakad.
"Ako nga pala si Kian Jace" Sabi nito at inakbayan ako.
"Wow.. feeling close gusto mo suntukin kita tanggalin mo yang kamay mo" Sabi ko dahil agaw attention kami
"Ayoko nga" Sabi nya
"You leave me no choice." Sabi ko at humarap sakanya. Palapit ako ng palapit sakanya sya naman ay layo ng layo. Hahaha. Hindanda ko na ang kamao ko at agad syang sinuntok sa mukha at tumakbo papalayo. Buti nga sakanya. Habang tumatakbo ay may nakabangga ako kaya napaupo ako sa sahig.
"Ano ba yan kase!"Sabi ko at tumayo habang pinapagpag Ang pwetan ko at uniform ko. Tsk. Still not looking kung sino ang nakabangga ko.
"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi nito na ikinagalit ko.
"Ako pa talaga ang hindi tumitingin sa daanan eh alam mo na ngang tumatakbo yung tao eh harang harang ka tapos ako sisihin mo aba naman nagusot na nga ang unif-...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi nya na nakadikit sa mga labi ko.
Tinignan ko kung sino ang kinginang humalik sakin ay agad nanlaki ang mga mata ko.
—————————————————————
Sino kaya ang maswerte na nakahalik kay jhairiella??HAHAHA comment nyo naman oh.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
JugendliteraturNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...