Chapter 23

3.1K 179 4
                                    



Chapter 23 

 Zyreen.. 

Jhai's POV

Maaaga ako nagising dahil sa ingay sa labas nang kwarto ko.

 "Ikaw na ang kumatok."

 "Ayoko nga ikaw na. Kinakabahan na nga ako eh."

 "Bilisan muna ikaw na." 

 Nagbabangayan pa sila kung sino ang kakatok tss. Dahil mabait ako ay tumayo na ako para pagbuksan sila.Pinagbuksan ko sila nang nakangiti. Halata na nagulat sila sa'kin.

 "Ano yon??" Saad ko na nakangiti pa rin. 

 "Ah gising ka na pala Miss Jhai."

 "Oo ang ingay nyo po kasi eh." 

 "S-orry po. Inutos po kasi nang mommy at daddy nyo na gisingin na kayo at baka malate ka po sa klase mo." Sabi nya. 

 "Umuwi na sila?" Ang bilis naman.

 "Ah opo. Kaninang madaling araw lang po pero po umalis po ulit sila para pumunta sa business meeting daw po."

 "Ok. Baba na din ako." Hinantay ko muna sila makaalis bago magsara nang pinto. Umuwi nga sila pero umalis ulit. Tsk.Masaya ang gising ko. Hindi ako magpapakain sa lungkot tsk. Lungkot lang yan.Naligo akong nakangiti at ngayon pababa na ako.

 Napansin ko ang malaking box na kaagaw agaw nang pansin. May nakasulat na malaking "JHAIRIELLA KIRA FERNANDEZ" kumikinang pa ha.Ang mga maids at nasa gilid at nakatingin din sa malaking box. Lumapit ako dun at hanggang taas nang dibdib ko yung box. Nilapitan ko lang pero wala akong sinabing bubuksan ko. Hehehehehe.Nakahanda na ang favorite kong pagkain sa umaga. Ang bacon. Yummy!Binilisan ko nalang ang pagkain ko para makaalis na agad ako sa loob nang bahay na 'to at makapasok na. Dito kasi ay magisa lang ako. Wala na 'kong kakampi. Sa school masama dahil andun ang mga kaibigan ko.

 Ang saya magkaroon nang kaibigan.Bago ako tuluyang lumabas ay sumigaw muna ako para magpaalam."AALIS NA PO AKO BYE BYE!" at kinawayan sila.

 Nagulat pa sila pero hindi ko na 'yon pinansin at tinalikuran na sila.Habang naglalakad ay feeling ko ang bigat nang bag ko. Huminto muna ako para tignan ang laman. Parang ang bigat talaga eh. Pagbukas ko sa bag ko ay bumungad sa'kin ang napakaraming chocolates. Halos hindi na makita ang mga notes ko dahil sa chocolates. Alam ko na kung sino ang naglagay nito kundi si Dad o si Mommy. 

Sinarado ko na 'yon at nagtuloy na sa paglakad.Ang saya ko ewan ko kung bakit basta ang alam ko lang ay masaya ako. Bigla ko na alala si Zy nung nagbodots sya. Hahaha. Nagbobodots na nakasimangot. Para na akong tanga kakatawa. Napapatingin pa sakin yung mga dumadaan at yung iba ay pinagbubulungan ako. The hell I care.

 Grabe talaga dapat pala vinideo ko. Nakakatawa pa naman yung reaksyon nya habang sumasayaw.Napahinto ako kakatawa dahil sumasakit ang tyan ko.

 Imagine ang president nang section eleven ay sumayaw nang budots para sa'kin. Gonzalez yun. Kinakatakutan sa school tapos sumayaw sya nang budots. Hahaha. Hindi ko na talaga mapigilan na tumawa nang malakas. Tawa lang ako nang tawa para na akong tanga.Nahinto ang pagtawa ko dahil sa baboy na na nasa harapan ko ngayon. 

 Si tabachoy kasama ang mga atabs nya. May mga galos pa sila sa mukha. Lahat sila ay nakatingin nang masama sa'kin.

 "Tumatawa ka magisa ha. Baliw kana." Sabi ni taba maya nagsitawanan yung mga atabs nya.

The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon