Chapter 26
Sorry...
Jhai's POV
"Zyrill!" Sigaw ko habang pababa sa hagdan. Kanina ko po sya tinatawag pero hindi nya ako nililingon.
Huminto sya pero nakatalikod sya sa'kin. Mas binilisan ko pa ang pagbaba ko para maabutan sya.
"Zyrill..." Pagtawag ko. Walang emosyon nya akong tinitigan...
"Bakit mo pa ko sinundan?!."
"A-no kasi eh..." Ang totoo ay hindi ko din alam kung bakit ko sya sinundan.
"Sinundan mo ba ko para sabihin na nililigawan ka na ni Andrei?..." Hindi ako makasagot sa tanong nya. Kaya napayuko nalang ako.
"Kasi kung yun talaga ang dahilan, Hindi mo na kailangan pang sabihin dahil narinig ko lahat." Dagdag pa nya.
"Ano pang ginagawa mo dito? Pumunta ka na Kay Andrei...Jhai." Naguguluhan ako sakanya. Galit ang tono ng pananalita nya pero yung mga mata nya nangungusap
"Zyrill, Galit ka ba?" Tanong ko sakanya at sinalubong ang tingin nya. Pero wala akong mabasang emosyon. Bakit ka ganyan?
"Hindi."
"Bakit parang galit ka?..." Hindi sya makasagot sa tanong ko.
"Galit ka ba dahil sa sinabi ni andrei?."
"Damn! Kailangan ko pa bang ipaliwanag lahat sayo ha?!." Mas lalong lumakas ang sigaw nya.
Feeling ko ay anytime ay maiyak na ako..Hindi ako sumagot at nagbaba ng tingin. Ano ba kasing klaseng tanong yan Jhai?! Wag ka umiyak Jhai! Pagtalikod nya ay dun bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Bakit ba ako umiiyak?! Nakakainis naman! Hanggang sa may yumakap sakin...
"Sssh...Don't cry Jhai. Nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak."
Niyakap nya 'ko... Hindi naman ako ganito dati.
"Kian..." Bumitaw sya sa pagkayap sakin at ngumiti.
"Wag ka na iiyak ha." Saad Nya at pinunasan ang gilid ng mata ko. "Sige ka papangit ka nyan."
Tumawa pa sya kaya nginitian ko nalang sya.Buti nalang ay andito si kian.
"Thankyouu Kian."
"Ikaw pa ba. Malakas ka kaya sa'kin." Ginulo nya ang buhok ko kaya napasimangot ako.
"Tara na nga." Inakbayan nya ko pabalik sa room.
Pagkapasok namin ay hindi ko sila tinignan dirediretso lang ako sa paglalakad. Hanggang sa nakaupo na ako.
"Thankyou ulit Kian!." Masigla kong saad.
"Told you basta ikaw." Saad nya at nagpunta na sa likod.
"Oy Jhai, San kayo pumunta?." Tanong ni Cian. "At bakit galit si Zyrill nung pagkapasok nya dito?." Dagdag pa nya. Hindi ko sya sinagot at nagiwas na lang ng tingin.Naguguluhan pa rin ako sa inaasal ni Zyrill. Kahapon lang ay okay pa kami.
Uwian na at inaayos ko na ang gamit ko ng lumapit sakin si Ivan.
"Kanina ka ka tahimik Jhai, anyare?." Nakiisyoso na din ang iba at hinihintay ang sagot ko.
"Chismoso." Saad ko at tinawanan sila.
Napamaang lang sila. Narinig ko na may binulong si Jared."Pasalamat ka mahal ka namin."
"Mahal ko din kayo." At tumawa. Namula ang mga pisnge nila at nagiwas ng tingin, yung iba ay napamura pa.
"Hatid na kita Jhai." Sabay sabay nilang saad. Ang sama pa ng tingin nila sa isat isa.
"May paa naman ako. Hindi nyo na ko kailangan ihatid." Saad ko at nginitian sila.
"Hindi hahatid na kita Jhai." Saad ni Kian.
"Ako na maghahatid sakanya Kian." Jared.
"Ako na nga." Ivan.
"Para walang away si Jhai ang pipili." Pag awat sakanila ni Cian.
"Hindi ako magpapahatid." Gusto ko maglakad. Dadaad din kasi ako sa 7eleven bibili ako ice cream.
"Tara Cian, Samahan mo nalang ako." Hinila ko na si Cian palabas ng room.Hindi na nila kami hinabol pero ramdam ko na nakasunod sila sa'min. Mga Loko talaga Hindi nalang sabihin kong gusto nilang sumama eh.Buti nalang ay walking distance lang ang 7eleven dito.
"Oo nga pala Cian magbabaon ka ba bukas?."
"Nagustuhan mo luto ko no." Pangaasar nya. Gusto ko din sana gawin yun.
"Ano nga? Magdadala ka?." Sana ay magdala sya. Para araw araw libre.
"A.yo.ko." Ayaw talaga nya. Tsk tsk tsk.
"Ang damot mo." Hinila ko na sya papasok sa 7eleven. Dahil nga nilibre nya ko kanina ay sya naman ang ililibre ko.
Bago pa kami pumasok sa 7eleven ay sumigaw ako."Ililibre kita Cian ha." Maglakas na sigaw ko at pumasok na sa 7eleven. Dahil nga sa sinigaw ko ay nagsilabasan ang section eleven halos nagpapaunahan sila sa pagpasok.
Wala si Andrei at Zyrill, Kian duon.
"Ako din Jhai!"
"Libre! Libre! Libre."
"Ice cream lang sapat na!."
Mukhang mapapalabas pa kami sa sobrang ingay nila eh.
"Si Cian lang ililibre ko, Hindi kayo!." Sigaw ko sakanila kaya napasimangot sila.
"A-hm...hi po ma'am pwede po ba pakihanaan ang boses nyo? Naiistorbo po kasi yung iba ng customer namin." Nahihiyang saad ng babae.
"Ah hehe sorry po." Sinamaan ko sila ng tingin pero nagiwas lang sila ng tingin.Bumili na ako ng ice cream namin ni Cian. Binayaran ko na yun, kaya umupo na kami. Pero sila nakatayo lang dun.
Unang kumilos si Ivan at kumuha ng ice cream, bumili din sya ng tatlong ice cream at umupo na.Yung iba naman ay nagsarisarili, yung iba din ay nambuburaot.Hanggang sa natapos na kami kumain at hinatid na nila ako sa tapat ng subdivision.
-
Papasok na dapat ako sa gate pero May humila sa braso ko.
"WAAAAHHHHH TULONGGGGG!"
"Ano ba ang ingay mo!" Binitawan nya ko, tsaka ko na narealize kong sino yun.
"Zyrill... Anong ginagawa mo dito?." Takang tanong ko.
"Wag mo na gagawin yung kanina." Diretso nyang saad. Ano daw? Alin ang wag gagawin? Hindi ko talaga sya maintindihan
"Alin dun?." Pinitik nya ang noo ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.Aray ko namann sakit.
"Tsk! Ang hina mo talaga!."
"Hoy ikaw ha! Pumunta ka ba dito para awayin ako ha?! Pinaiyak mo pa nga ko kanina eh!." Sigaw ko sakanya. Ang sarap nya suntukin sa totoo lang.
"Umiyak ka kanina?." Malambing na saad nya.
Ang daldal ko!
"Hindi ah!" Pagtatanggi ko. Tanga mo Jhai. Daldal mo kasi eh.
"Kakasabi mo lang umiyak ka kanina."
"Hindi nga sabi!." Maniwala ka please.
"Sorry naa." Nagulat ako kasi bigla nya akong niyakap. "Wag ka na ulit magpapayakap sa iba."
_
@justasylei
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
Teen FictionNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...