Chapter 8
Aga-aga may mga clown nanaman nagkakalat.
Kakapasok ko palang sa gate Nakita ko na ang mga fucking clown na palapit sakin at ang kanyang fucking alipores.
Grabe kahit anong oras ba naman ay gusto na nila agad makita ang maganda kong mukha. Hays. Ang hirap maging maganda.
Huminto sila sa harap ko kaya napahinto din ako.
"Tignan mo nga naman nakita ko nanaman ang mukha mo hays ang pangit na tuloy ng araw ko." Clown-1
"Ako rin eh." Sabi ko sakanya.
"Ang landi mo ghorl, bakit hindi ka nalang lumipat ng section? Lahat na ata ng babae dito ay galit sayo." Maarteng saad nito na sinangayunan naman ng dalawa nyang alipores
"Ay hindi mo sure?..." Sabi ko at napamaang sila. "Bitch tumabi ka dyan at baka hindi ako makapagpigil ay maaga kong masira ang mukha mo, ay sira na pala." Saad ko at tumuloy sa paglalakad, Sinandya ko syang banggain.
Aga aga ay nasira ang mood ko dahil sakanya mga wala namang binatbat. Malandi? Ako? Ano bang pake ko sakanila. tch.
Nasa tapat na ako ng pintuan kaya tuloy tuloy na akong pumasok. As usual maingay pa rin sila.
"Oh anong mukha yan?" Tanong ni Cian habang nagccp.
Hindi ko sya sinagot at umupo nalang. Wala pa pala si Andrei.
"Where's Andrei?" Tanong ko
"Late siguro." Sabi nya kaya napaayos nalang ako ng upo.
Dalawang professor na ang pumasok ay wala pa din si Andrei. Anyare dun? Pati din pala yung tatlo si Cian lang natira.
"Oy concern yan..." At nakakalokong ngumiti sakin. "Kanino ka ba concern? Kay Jared? Andrei? Jace? O kaya naman kay Zyrill? Dapat pala ay umabsent din ako." Sabi nya at ngumuso. Di bagay.
"Eh kung sapakin kaya kita?" Ngiti ko at inambahan sya ng sapak.
Agad naman nyang hinarangan ang mukha nya. Tch.
Pero bakit ganun? Kahit saan ko ituon ang atensyon ko ay naiisip ko silang apat. Bakit kinakabahan ako ng ganto? Masyado na ba akong na attach sa presence nila? The hell.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at saktong may tumawag at number lang ang nakalagay. Tinignan ako saglit ni Cian at nagtatanong. Sinagot ko na ito at agad bumungad sakin ang malakas na sound. Napalayo ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng sounds.
"Hello who's this?" Tanong ko at nangunot ang noo ko dahil tinawag nya ang pangalan ko.
"Jhaiii...." Sabi sa kabilang linya at parang lasing. "Si Jace to..." Narinig ko ang paghikbi nya, Buti nalang at hindi naka loudspeaker. "Pwede bang pumunta ka dito sa bahay ko? Please jhai...." Saad nito.
"Give me the address." Sabi ko at binaba na ang phone.
Nasend nya na sakin ang address ng village nila kaya naman tumayo na ako at aalis na dapat ng pinigilan ako ni Cian.
"San ka pupunta? May klase pa." Sabi nya at hindi pa binibitawan ang kamay ko.
"Basta sabihin mo nalang masakit ang ulo ko kaya umuwi ako ng bahay." Sabi ko at binawi na ang kamay ko. Napatingin sakin ang mga loko pero hindi ko sila pinansin.
Agad na akong nag taxi at pumunta sa bahay nila Jace. Ano bang nangyari dun? Hays. Nagdorbell na ako at pinagbuksan lang ako ng maid nya.
"Uhm...Andyan po ba si Jace?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Only Girl In Section Eleven
Teen FictionNagiisang babae. Gulo. Bangayan. Sakit. Tuwa. Kilig. Pinoprotektahan ang isat'isa. Pero sa bawat tawa at kulitan may tinatago pa lang sikreto. Pano kung s'ya na ang makakaalam ng sikreto nila isa isa? Kakayanin nya ba? Magagawa nya bang kayanin? O...