Chapter 9

4.3K 234 15
                                    

Chapter 9

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko agad na kumpleto silang nakaupo sa likuran. Si Jace lang ang tinignan ko at dumiretso na sa upuan.

Bakit sya pumasok eh may lagnat sya. Tch. Magaling na ba sya?

May kumalabit sakin at nakita kong si Andrei yun.

"What?!"

"Ay ang init ng ulo di mo ba ko namiss Bestfriend?" Tanong nito sa malambing na tono. Parang tanga ampota. Isang araw lang umabsent ay miss agad tch.

"Hindi eh."

"Ay ang harsh." Sabi nito at binalik na ang paningin sa cellphone nya.

Tinignan ko naman si Cian na nagbabasa ng libro. Kailan pa sya naging interesado dyan?

"Oh baka matunaw ako hinay hinay lang." Napangisi sa sinabi nya. Sinarado nya ang librong hawak nya at humarap sakin.

Lumapit pako sakanya ng unti para walang makarinig ng itatanong ko.

"May kilala ka bang Klea?" Tanong ko na kinagulat nya at bahagyang umiwas ng tingin. Napalunok sya at napatingin sa likuran.

"H-a? Ee-hh w-ala akong kilalang klea" Sabi nito at umiwas ng tingin. Sinungaling. Lumayo na ako sakanya at hindi na nagtanong pa.

-

Tumayo na ako at Pupunta na dapat sa cafeteria nang pigilan ako ni Jace. Tinignan ko syang nagtatanong.

"Can we talk?" Tanong nito.

"Naguusap na tayo." Saad ko at hinatak ang kamay ko.

"Rooftop." Saad nya at tinalikuran ako. No choice ako kundi ang sumunod dahil gusto ko din malaman Ang nangyari sakanya.

-

"Thankyou for taking care of me jhai." Sabi nito at hinarap ako. Nasa rooftop na kami ngayon.

"Ayan lang ba ang sasabihin mo?" Sabi ko dahil nagugutom nako.

"Wala ka bang itatanong?" Napabuntong hininga ako at lumayo sakanya para tignan sa baba.

"Si klea ba ang dahilan kaya gabi gabi ka umuwi ng lasing?" Tanong ko at tinignan sya. Nginitian lang ako nito at lumapit sakin

Tumingala muna sya sa langit bago sagutin ang tanong ko.

"Hindi na ako nagulat na 'to ang tatanungin mo." Sabi nya at nginitian ako. Ang mga nginiting yan, Ang lagi kong nakikita sakanya. "Sya nga" Saad nya at tumingin sa malayo.

Hindi muna ako nagsalita at inaantay sya magkawento.

"Si klea para syang ikaw jhai... Ang tapang." Sabi nya at hindi ako tinignan habang ako at nakatingin sakanya at nakikinig.

"She left me and I don't know why." Ngumiti sya ng mapait at tinignan muna ako.

"Naiwan ako na maraming katanungan sa isip ko kung bakit nya ko iniwan ng walang dahilan. May nagawa ba akong mali? Pwede naman namin ayusin eh, para akong mababaliw kakaisip. Hindi ko na alam kung pano umaho, pero pinagpatuloy ko parin ang buhay ko kahit w-ala sya." Alam kung sa oras na to ay pinipigilan nya lumuha.

"Ewan ko ba ayoko na muna balikan." Sabay tawa nito pero ako nakatingin lang sakanya. "Basta thankyou jhai ha? Thankyou dahil nakinig ka sakin at inalagaan mo ko." Saad nito at niyakap ako. Niyakap ko sya pabalik at kumalas na.

Umalis na sya pero ako naiwan pa din sa rooftop dahil nagpaiwan ako.

Hindi ko alam kung pano magcomfort ng broken hearted. Hindi ko pa naman kasi naranasan. Nagbabasa ko lang sa libro ang mga ganun. Nakakatakot talaga magmahal. Ramdam ko sa kwento ni Jace kung gaano nya kamahal si klea. Feeling ko ay ang sama kong kaibigan dahil wala man lang akong nasabi na makakapagpagaan ng loob nya.

Sana kung magmamahal ako ay yung sigurado na sakin at hindi ako iiwan pero hindi laging ganun parte na ng pagmamahal ang masaktan.

May lumapit sakin kaya agad kong tinignan kung sino yun. Si Zyrill lang pala.

Matagal na katahimikan bago sya nagsalita.

"Naranasan mo na ba mainlove?" Tanong nya at tumingin sakin.

"No" Saad ko dahil yun ang totoo. Sa dati kong school ay marami ang nagkakagusto sakin at halos mapuno ang locker ko ng mga sulat pero lahat ng yun ay tinatapon ko lang. Magaling lang naman sila sa sulat pero walang nagtangka lumapit sakin na lalaki dahil narin siguro palaaway ako at lagi nadadawit sa gulo pero kahit ganun ay marami pa din nagkakagusto sa akin.

"Ako..." Tinignan muna ako nito kaya tinigna ko din sya "Naranasan ko na mainlove." Seryosong saad nito at hindi inaalis ang tingin sakin.

Bakit ganto ang nararamdaman ko? Feeling ko ay s-akin nya sinabi yun. Assumera lang ako siguro ako.

Nanlaki ang mata ko nang humakbang sya patungo sakin bahagya pa akong napatalon kaya napatawa ito nang mahina.

Palapit sya ng palapit sakin kaya ako ay napaatras hanggang naramdaman ko na ang bato sa likod ko. Sobrang lapit nya na sa akin at ako nakatingin lang sakanya. Ang tangos ng ilong nya, maputi, mahabang pilikmata, at makakapal na kilay, mga labing mapupula. Siguro ay pulang pula na ako ngayon. Kahit siguro magdamang ko syang titigan ay parang hindi ako magsasawa.

Tumingala ako sa kanya dahil mas matangkad sya kesa sakin. Nilagay nya ang isa nyang kamay sa pader at yung isa naman nyang kamay ay nasa bulsa nya. Nilapit nya ang mukha nya sakin at tinignan ang kabuuhan ng mukha ko.

Habang palapit ng palapit ang mukha nya ay ako naman ay napapikit. Bumulong sya sa tainga ko at ang masasabi ko lang ay ang sarap pakinggan ng boses nya.

"Kung mahuhulog ba ako sayo...." Sinadya nyang bitinin ang salita nya. "Sasaluhin mo ba ang pagmamahal ko?" Tanong nya.

Tahimik at walang nagsalita ganun pa din ang posisyon naming dalawa kaya napalunok ako. Inalis nya na ang kamay nya dun at pinasok sa bulsa nya at tinalikuran na ako. Pagkalabas nya sa pinto ay parang nanghina ang mga tuhod ko at napakawalan ang hininga ko at naupo.

Bakit ganun ang tanong nya? At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

----
♥♥♥

The Only Girl In Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon