I'M BAAACK! Hahahahaha. Sana may readers pa ang storyang ito. Techu ;) Ipagpatawad niyo ang mabagal na updates. Sana magustuhan niyo kahit shushunga-shunga ang nagsulat xD
<3 <3 <3
x-x-x-x-x-x-x-x-x
CHAPTER ELEVEN
-Day 3-
#Louie Montesilva's Point of View#
"Hmmm.. oh!" At naglabas ng maliit na cupcake si Zareena. Syempre nagulat ako. "Happy Birthday Louie."
Natawa ako bigla.
"Hahahahaha.."
"Bakit? Ayaw mo ba? Sorry ah. Ito lang kasi ang nakayanan kong bilhin kanina eh. Yung mas malaking cake sana kaso wala naman akong pera," malungkot niyang sabi sabay yuko.
"Coincidence nga naman.."
Dahil sa sinabi ko, bigla siyang napatingin sakin.
"Ha?"
Ano ba naman tong babaeng to? Mukha talagang walang kaalam-alam. Seriously, hindi niya naaalala?
Naku naman! Nilabas ko na lang yung binili ko kanina at inabot ito sa kanya.
"Zar oh."
Halatang nagulat siya. "CUPCAKE?!"
Ngumiti ako nang napakalapad..
"HAPPY BIRTHDAY DIN, ZAREENA :)"
"B-Birthday?! Birthday ko?"
"Yep."
"T-Talaga? Seryoso?"
"Oo nga po. Ang bata-bata mo pa pero makakalimutin ka na. Hahaha. Amnesia girl!"
Nagatataka din ba kayo kung paano ko nalaman na birthday niya at kung paano ako nakabili ng cupcake? Ganito kasi yun.
~FLASHBACK~
Kahapon kasi, diba Day 2 ng pag-fulfill namin ng mission? Bago umalis ng ospital, narinig kong nag-uusap-usap yung mga chismosang nurse.
"Uy, narinig niyo ba? Birthday daw bukas nung sikat na Cosplayer na naka-confine dyan sa room 208?"
"Oo nga eh. Sino nga ba yun? Ah! Si Mae Zareena Perez."
Nagbagting bigla ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan niya kaya pinauna ko munang maglakad si Zar habang pasimpleng nakikinig sa tsismisan nila.
"Pero kawawa naman. Coma pa din daw eh. Almost three months na nga dito sa ospital."
"Karma niya na rin siguro. Hindi daw mabuting bata eh."
Aba! Grabe naman makapanghusga tong mga nurse na to. Kala mo kay lilinis at walang kasalanan. Bakit? Kilala ba nila ang totoong Zareena? Ang sarap pag-untugin eh! Pasalamat sila, kaluluwa ako ngayon at anghel pa. =____=
At yun nga!
Birthday niya rin ngayon. Akalain niyo yun? Sabay pa pala kami ng birthday. Ang tadhana nga naman...
Kaya naman balak ko siyang isurprise. At nakahanap naman ako ng pagkakataon nang papunta kaming ferris wheel...
"Zar, dito ka muna ha. CR lang ako sandali."
"Okay."
Ngumiti lang siya. Akala ko iinterviewhin niya pa ako kung bakit ako nasi-CR kahit mga kaluluwa kami ngayon.
Buti naman hindi. AYOS!
Ang totoo niyan, hindi talaga sa CR ang destination ko. Alibi ko lang yun. Good thing, kumagat naman siya. Haha. Minsan kasi she's too gullible.
Nagkatawang-tao muna ako para makabili ng cupcake. As angel-in-charge ni Zareena, may kakayahan akong magpakita sa mga tao bilang normal na human being though may consequences na kapalit.
Bahala na! Para naman to kay Zar eh.
Pagkabili, iniwan ko muna yun sa may gilid ng ferris wheel, kukunin ko na lang mamaya. Weird nga eh kasi parang may nakita rin akong maliit na box dun. Pero di ko na lang pinansin.
Bumalik na ako kung saan ko siya iniwan. Aba! Mukhang good mood oh. Hindi niya ako tinalakan kahit medyo natagalan ako. SUCCESS!
~End of Flashback~
#Mae Zareena Perez's Point of View#
"Oo nga Zar. Birthday mo. Kulit talaga!"
"Waaah! Talaga? Sabay pala tayo? Ang galing."
"Sinabi mo pa. Kakaiba talaga magbiro si Tadhana. Hahaha."
"Hmm.. pero. . ."
"Oh Zar, bat bigla kang nalungkot? May problema ba?"
"K-Kasi, hindi NA ako nagse-celebrate ng b-birthday :("
Lumapit si Louie sakin.
Gamit ang dalawang hintuturo, he held the two edges of my lips
and...
and..
and...
He formed it into a SMILE.
Napangiti tuloy ako.
"Ayan! Edi gumanda ka."
"Ikaw talaga, Louie. Dami mong nalalaman." Pinitik ko nga.
"Haha. Pero mas okay na yan Zar. Mas gumaganda ka kaya pag naka-smile."
"Tama na nga. Baka kiligin pa ako eh."
"Pwede din naman ah."
"Ha? Ano yun Louie? Paulit."
Narinig ko. Pero gusto kong ulitin niya. Baka mali lang kasi pagkakarinig ko tapos mag-a-assume ako bigla diba. Masakit yun!
"H-Ha? Wala! S-Sabi ko i-blow na natin tong mga kandila natin. Hahaha.."
Sabi na nga ba eh wala lang yun. Haaaay =____=
"S-sige."
Kinuha namin yung dalawang cupcakes, sinindihan yung blue at pink na kandila at sabay na kumanta...
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you."
"Happy birthday Zareena."
"Happy birthday Louie."
At sabay naming hinipan yung mga kandila kasabay ng paglubog ng araw.
Tawa ako nang tawa kasi nung biglang gumalaw yung ferris wheel, muntik ma-out balance si Louie... pero nabigla ako nang bigla niyang pinahiran ng icing ang ilong ko.
"Kyah! Louie malagkit!"
"Ang arte naman nito. Haha! Zareena, the white nosed monster :D"
"Aaah, ganun pala ha? Etong sayo."
Dumakot din ako ng icing at pinahid sa magkabilang pisngi niya.
"Wahahaha! Louie isa ka na ngayong matamis na cat slash Igorot slash beast. Yan, mas bagay sayo. Hahaha!"
"Ganun? Tingin mo MATAMIS AKO?" and he smirked while staring at me.
"H-Ha? Hehe..."
Haaay! Ang saya ng araw ko. Bukod sa na-fulfill ko na ang Task#3 ng Mission ko, kasama ko pa ngayon si Louie kung kelan ko muling sinelebrate ang birthday ko :3
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
