She's My Angel
Chapter fifteen ~
- Day 5 -
Point of view: Mae Zareena Perez
Nginitian ko siya... a bittersweet smile.
Dahil nagpasya na ako. Nabitiwan ko na ang desisyong iyon at gagawin ko ang lahat para mapangatawanan yun.
Sorry..
x-x-x-x-x- sudden flashback -x-x-x-x-x
Pumikit ako sandali saka muling huminga nang malalim. Kasabay ng pagbukas ng mga mata ko ang pagbitiw ko ng pinakamalaking desisyon ng buhay ko.
Tamang-tama, may nakita akong maliit na bato sa tabi ko. Eto kasi ang sabi sakin noon ni Zia eh. Sabi niya, kapag may gusto daw akong sabihin o kaya may sikreto ako pero wala akong pwedeng sabihan nun, maghanap lang daw ako ng bato at dun ko sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Pinagtawanan ko lang siya nun kasi hello? Sino kayang matino ang gagawa ng ganung kalokohan diba?
Pero hindi ko inakalang gagawin ko rin pala ang kalokohang iyon.. ngayon.
Hinimas-himas ko ang batong hawak ko habang ibinubulong dito ang isang pangako.
"I won't allow my emotions to rule over me. I have to do this. This is for the good of us two. I would do this even if it entails me sacrificing and suffering because this is the right thing to do. Mahirap pero kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko dahil hindi naman sa lahat ng oras ay matutupad ang gusto ko. Kailangang may magsakripisyo alang-alang sa kapakanan ng iba. At ngayon, panahon na para gawin ko ito. All my life, the world is adjusting for me. Now, it's my time to return the favor."
Muli kong hinimas-himas ang batong hawak ko, ang nag-iisang witness sa pangakong binitiwan ko.. May inukit akong mga salita sa batong iyon bago ko ito ibinaon sa lupa, sa paanan ng puno na nasa tabi ng kinauupuan ko gaya rin ng sabi ni Zia.
Napangiti ako. Right! This is the right thing to do..
After all, ito rin naman ang plano ko diba? Ang mapasaya si Louie. Kasi maaaring ngayon na rin ang huling araw na makikita at makakasama ko siya.
Ganyan nga, Zareena! Go girl!
For the last five days, he has become your angel, now it's your time to be HIS ANGEL :)
Tumayo na ako at pinagpag ang puti kong bestida.
x-x-x-x-x- end of flashback -x-x-x-x-x
Tumigil na siya sa pagkanta at pastrum ng gitara. Nakatitig siya sakin pero hindi siya ngumingiti.
I smiled at him again, yung malapad na ngiti, like what the hyper Zareena usually do.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang todo-ngiti pa rin na para bang walang nangyaring kung ano mang drama. Act normal, Zareena. Act normal. Act normal.
"Wow! Uy ikaw Louie ha? Ang galing-galing mo palang kumanta? Hahaha. Akalain mo yun? May itinatago palang ganyang talent ang masungit na anghel na tulad mo? Unbelievabels! Wahahaha!" Umupo ako sa tabi niya at tinusuk-tusok ang tagiliran niya na parang nang-aasar. Yung parang nangungulit lang gaya ng dati ko nang ginagawa.
"Huy Louie! Yuhooo?" Kinaway-kaway ko ang mga kamay ko sa harap niya.
But still ganun pa rin itsura niya. Mukha siyang tanga. Dahil dun, di ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Wahahahaha! Pfft! Hahahaha..." Natawa ako. As in halakhak kung halakhak. As in malakas na malakas na tawa as in sobrang lakas!
Napakapit na rin ako sa tiyan ko habang hinahampas-hampas ang lupa. Grabe! Yung mukha niya, di kayang ipinta kahit ni Leonardo da Vinci pa. Wahahaha! Grabe sobrang laughtrip. Promise, walang halong biro. Kahit patayin niyo pa si Patrick Star. Halos magpagulung-gulong na nga ako sa kakatawa eh.
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Ficção AdolescenteGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
