CHAPTER FOUR
-Mae Zareena Perez's Point of View-
Dugdug. Dugdug.
When he uttered those three words na bibihira ko lang gamitin nor marinig, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Heart, why? Bat parang bigla akong nanlambot... at nakonsensya..?
Teka, may konsensya ba ako?
Pero basta ang alam ko lang, parang nababawan ako bigla sa sarili ko. Nanghihinayang ako sa mga materyal na bagay. Di ko inisip na more than things, 'life' o 'buhay' ang pinag-uusapan dito. And isang buhay ang nadugtungan ko... daw.
Pwede na pala akong magtayo ng internet cafe.
"Because of that Zareena, I'll help you. Tutulungan kitang makabalik sa mundo mo, sa buhay mo.." dugtong niya pa.
"D-Dapat lang no! I saved you. I'm stuck here. It's all your fault, not mine!!" Tumalikod na lang ako at nilagay ang mga kamay sa beywang. Kahit na (somehow) nakokonsensya ako sa mga pinag-iisip ko, it's not as if aaminin ko yun sa kanya no. Instead, nagmatigas ako at pinairal ang pride. Well, that's me. "You should return the favor."
"I will."
"Pero teka nga," nilingon ko siya ulit. "What about you? How are you gonna get back to earth?" Oy, I'm not concerned ah. Just curious.
"Hmm.. It depends actually. Since extension na nga lang ang buhay ko, malalaman ang magiging kapalaran ko pag na-accomplish na ang MISSION mo," malungkot niyang sabi.
"M-MISSION? Mission KO?! Ano na namang ka-OA-han yan?! Anong mission?"
"Yep! Mission, as in M-I-S-S-I-O--"
"Alam ko spelling niyan. G*GO!"
Ang seryo-seryoso kasi eh, bigla ba namang mamilosopo. Pero, baka naman kasi ginawa niya lang yun to lighten up the tension? tss whatever.
"Tsktsk! Zareena! Please don't cuss!! That's part of your mission!"
"Ikaw eh! Taran--"
"Hep! Hep!"
"FINE! Eh, anong mission ba to?"
Instead of answering, he handed me a piece of paper.
"ANO NAMAN TO?!"
"You can read Zareena. Use it."
"Psh! Sungit ever."
MISSION: "Turn the mean Mae Zareena Perez into a Good Girl" Operation
Angel-in-charge: Louie Montesilva
Pagkabasa ko nito, agad akong napalingon sa lalaking kasama ko.
Louie? Sounds familiar...
"W-Wait! Are you an angel?!" tanong ko sa katabi ko.
"Yes." Poker face na naman po siya. Di siguro to marunong ngumiti.
"Bungi ka ba?"
Tiningnan niya ako nang masama saka pinakita ang perfect, white teeth niya. Sige na, siya na ang model ng Colgate. "What do you think?"
"Mahilig ba magkape mama mo nung pinagbubuntis ka niya?" tanong ko ulit
"How would I know eh nasa loob nga ako ng sinapupunan niya?"
"Ahh siguro sa papel de liha ka pinaglihi?"
"Why so? Because I make life smooth for you?"
"Nye asa ka pa! hindi no. Ang gaspang kasi ng ugali mo! Hahaha" At tumawa pa ako. Akala niya kasi pick-up line. Hahaha

BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...