I'm saying sorry in advance. Ang korny korny lang ever ng update na to. Wahahahaha! xD
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
She's My Angel
Chapter eleven //
-Day 5-
Point Of View: Louie Montesilva
*yaaaawn*
Dinilat ko ang mga mata ko. Umaga na pala? Teka, ano ba namang tanong yan eh lagi nga palang maliwanag at parang umaga dito sa langit. Silly!
Inaantok pa ako kaya naman sinubukan kong humarap sa kabilang parte ng kama ko. Masarap kasi magpagulung-gulong sa kama lalo na pag malamig. Diba?
Pero pag lingon ko...
OH MY ANGEL!
Si... si Zareena? Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa kama ko? Bakit ko siya katabi?
Nakita ko siyang ngumiti kahit nakapikit ang mga mata niya. Malamang maganda ang napapanaginipan nitong babaeng to.
Pinagmamasdan ko lang ang natutulog niyang mukha. Parang ginagawa ko noon.
Ang pagmasdan siya sa malayo...
Ngayon, pinagmamasdan ko pa rin siya. Ang kaibahan lang, ngayon ang lapit-lapit niya. Malapit nga pero malayo pa rin.
Ah basta! Magulo!
Pero kahit ganun, hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan siya, malapit man o malayo.
Bakit ba kasi ang ganda-ganda niya? She really is an angel in my eyes. Ang sarap iuwi sa bahay eh.
Pero...
Ikinagulat ko nang bigla siyang gumalaw at niyakap ako, "Louie..." bulong niya.
Aba! Mukhang nasa panaginip niya ako ah. Hahaha. Maya-maya naman, gumalaw ulit siya at humarap naman sa other side niya. Grabe ang likod naman neto!
'Asus. Sabihin mo disappointed ka lang kasi tumalikod siya,' bulong ng konsensya ko.
=___=
'Uy. Hindi ah!' sagot ko.
Hala. Nag-uusap silang dalawa. =__=
But, unexpectedly, dahil sa paggalaw niyang yun at dahil na rin sa napakaliit ng kamang pinaghahatian namin, malalalaglag na siya. Hinila ko siya pabalik para hindi siya tuluyang mahulog pero sa kasamaang-palad, nahulog ako... kami... and the next thing I knew, ang posisyon namin eh nasa ibabaw ko siya. Awkward =___=
Sakto, minulat niya ang mga mata niya.
"WAAAAAAH!"
Tinakpan ko ang bibig niya. "Ssssh! Magigising ang mga anghel. Ang ingay mo. Wag kang sumigaw."
Kinagat niya naman ang kamay ko, "ARAY! Ano ka ba? Aso ka ba huh? Bat mo ko kinagat?!"
Agad-agad naman siyang napaupo nang maayos.
"Eh ikaw, bat ganun ang ... ang p-posisyon natin kanina?" sabi niya saka umiwas ng tingin sakin. "M-May balak kang gawin no?" saka siya unti-unting napapatras habang nakataas ang mga kamay na parang tinatakpan ang dibdib.
"Hahahaha! As if naman.. Asa ka pa Zar!"
"Bakit? Hindi ba ako ganun ka-attractive? Huh?"
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
