She's My Angel
Chapter Twenty
-Day 5-
Pumunta kami ni Louie sa isang napakagandang garden. Hindi ko ma-explain eh. Basta ang alam ko lang, habang pinagmamasdan ko iyon, I feel so at peace, so light, so heavenly. It's like this place is something so magical, so fairytale-like.
Green ang kulay ng mga damo. Maraming bulaklak na iba-iba ang kulay at anyo. Sariwa ang hangin at parang may naririnig akong mga bells. Ang saya sa feeling.
Pumikit ako at dinama ang napakasayang pakiramdam na ito.
YEAH! THIS IS REALLY HEAVEN!
"Oo nasa heaven talaga tayo."
Napamulat ako bigla nang may bumulong sa akin at yumakap mula sa likod. Wait. Nasigaw ko ba yung nasa isip ko o talagang nabasa niya lang ang iniisip ko?
"Oy oy oy. Ikaw Louie ah? Namumuro ka na sakin. Pansin ko lang kanina ka pa nanananching!" sigaw ko saka humiwalay sa kanya. Pero biro ko lang talaga yun.
"Nilulubus-lubos ko lang.." Pabulong niyang sagot. Nilulubus-lubos? As in? Eh matagal pa naman kaming magsasama ah. Mahaba-haba pa ang FOREVER. Adik talaga to.
"Ha? Anong sabi mo?" Pagpapanggap ko na hindi ko narinig.
"Sabi ko, walang ulitan sa taong bingi."
"Ha? Ano yun Louie?" tanong ko ulit habang natatawa na.
"Sabi ko maganda ka sana, bingi lang," sagot niya habang papalapit. Kada hakbang niya palapit, siyang paatras ko naman. Inaasar ko lang naman siya. Ang cute kasi eh.
"Ha? Sorry Louie. Wala akong naririnig."
"Sabi ko pag hindi ka tumigil, hahalikan talaga kita."
"Louie, choppy choppy. Hindi kita marinig. Walang signal!"
"Ah, ganun pala ah!"
"Waaaaaah!" tili ko.
Kasi hinabol niya ako kaya tumakbo ako. Naghabulan kami habang tawa nang tawa. Grabe, ang kulit niya. Sa tuwing maaabutan niya ako, yayakapin niya ako tapos nanakawan ng kiss. Minsan sa cheeks, sa nose, sa forehead and yes, syempre bawal sa lips. Wahaha. Ang swerte niya na masyado pag ganun no! Kung hindi ko lang talaga kilala tong si Louie, iisipin kong hindi siya nagbibiro nung sinabi niyang 'nilulubus-lubos' niya daw. Wahahaha. As if naman maghihiwalay kami.
Kelan nga ba ako huling naging ganito kasaya? 5? 6 years ago? Oo tama, grade six pa ako nung huli akong tumawa at sumaya nang ganito.Yun pa yung time na buo pa ang pamilya namin, magkasundo pa kami ng kapatid ko at hindi pa ako naging kung ano ako ngayon.
Ang tagal na pala nun. Halos makalimutan ko na na ganito pala ang pakiramdam. Muling pinaalala sakin ni Louie na masaya pala maging masaya.
"Uwaaa! Hahahaha! Louie, tama na. Wahaha ayoko na. Suko na ako.Wahaha Louie stop!"
Nahuli ako ni Louie at natumba kami sa picnic blanket na nilatag namin kanina. At ngayon, walang awa niya akong kinikiliti.
"Wahaha! Louie..pfft ayoko na!Louie tama na.. Lagot ka sakin pag...Hahaha... ako nakaganti."
"Ano yun Zareena? Wala akong naririnig. hahaha."
Ginagantihan niya ako sa pagpapanggap kong hindi siya naririnig kanina.
Pero buti naman, napagod din siya at saka nahiga na rin sa tabi ko. Pareho kaming hingal na hingal at malakas na tumatawa. Mula sa kinahihigaan namin, tanaw na tanaw ang bughaw na kalangitan at puting mga ulap.
Ang ganda sa mata. Isa nga itong paraiso!Inilapag ko ang mga kamay ko sa tagiliran. Inilapag din ni Louie ang kabilang kamay niya kaya nagdampi ang mga iyon.
Naramdaman kong parang biglang nagkaroon ng spark, para bang may kuryenteng dumaloy.
Naramdaman niya rin yun, sa palagay ko, kasi sabay kaming napalingon sa isa't isa. Nagkatitigan at sabay na tumawa. Ang galing no? Ganito pala yung sinasabi nilang may 'connection'? Nagkakaintindihan kayo kahit sa mga tingin at actions lang.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay naming pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan. Tahimik kami pareho pero kahit wala kaming sinasabi sa isa't isa o hindi nag-uusap, basta alam kong kasama ko siya, kuntento na ako. Masayang-masaya na ako.
Maya-maya, bigla siyang bumangon at nag-inat. "I never felt this alive!" he exclaimed.
Bumangon din ako. "Ako rin! I NEVER FELT THIS HAPPY!" sigaw ko, ginaya ko siya. Gaya-gaya ako eh XD
Lumingon siya sakin saka ngumiti. That smile! Nakakatunaw.
Tapos pinat niya yung lap niya..
"Lika, higa ka dito."Eeek. Ironic right? Diba dapat line ko yun? Ako ang magsasabi niyan tas siya ang hihiga sa lap ko. Ganun yun eh, sa mga teleserye.
Humiga ako at pinatong ang ulo ko sa lap niya. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. Gusto ko yun! Kasi pag ginagawa yun sakin dati ni Mommy, pakiramdam ko, I am precious. I am loved. ^___^
Inabutan nya ako ng carrot sandwich na gawa namin kanina. "Love, eto oh. Ikaw unang tumikim ng sandwich na gawa natin." Narinig nyo yun? Narinig nyo? He called me 'LOVE." First time yun guys! Mehehe. Kikiligin na sana ako eh, kung di lang niya dinugtungan...
"Para ma-test natin kung makakain ba to ng tao. Mahirap na baka sumakit ang tiyan ko, alam mo na."
"Eek! Akala ko cheesy line na. Yun pala panis na cheesy line. Adik ka talaga Louie!"
Hahaha. Hindi talaga siya magiging si Louie ko kung hindi niya ako aasarin.
Kumurot naman ako ng maliit na part mula sa sandwich at nagsalita ako with all the 'paglalambing' na alam ko. "Love," I called him with the endearment he used kanina. "Say ahh.. Ayokong nagugutom ka. Heto oh, subuan na kita."
Kinain niya naman yung sinubo ko. "Naks ang sweet naman talaga ng Zar Zar ko oh."
"Louie?"
"Hmm?"
"Hindi sumakit ang tiyan mo?' I asked him.
'Hindi naman."
"O kaya nasusuka?"
"Hindi rin."
"Wow, hindi! That means safe tong kainin! Hahaha." At sinubo ko na nang buo ang sandwich. "Ngek! Panis din pala yung keso. Ikaw talaga Zareena ko, ang cute cute cuteeee mo!" Kinurot niya ang cheeks ko! Ang chakeeeeet.
If I know, may halong inis yun dahil sa pangungulit ko.
Wahehe. Joke lang!
Si Louie, magagalit sakin? Subukan lang niya! Bubugbugin ko siya ng..
PAGMAMAHAL.
Yaks ang korni. XD
"Ang shakeeeet!" reklamo ko sa kanya. Nakakunot ang noo at naka-pout.
"Sorry na Love ko. Masakit pa ba?" hinaplos-haplos naman ng malambot niyang kamay ang cheeks ko na kinurot niya.
Maya-maya nagkatitigan kami. Habang hinahaplos niya ang cheeks ko, yung kamay niya biglang bumaba sa lower lip ko. Napatingin din siya rito.
Waaaah! Bigla ata akong pinagpawisan kahit malamig dito. Say something Zareena! Anything! Just say anything bago ka pa mag-hyperventilate dyan!
"Uhh... L-Louie, bat ang laki ng butas ng ilong mo.."
* * *
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
