Just read, appreciate, don't hate :)
Nga pala, dedicated sa kanya kasi siya nag-request na mag-UD ako. haha. Maraming salamat sa pagbabasa. Sana magustuhan niyo ^______^
- - - - -
CHAPTER FIVE
-Louie Montesilva's Point of View-
I am looking at Zareena right now, nakalupasay sa sahig, iyak nang iyak. Nakita niya na... Nakita niya na ang kalagayan niya ngayon sa lupa. Naaawa ako sa kanya kasi ganyang-ganyan din ang naging reaksyon ko nang makita ko ang sarili ko na wala ring malay sa ospital habang iniiyakan ng mga mahal ko sa buhay.
"Lord... Lord, I know I'm not worthy but I'm begging you. Give me one more chance. Just one more chance para makabawi sa mga kasalanan ko. I admit, I doubted your existence. I doubted that you are true. I'm sorry! Give me one more chance, PLEASE?? :'(" sabi niya while sobbing and crying hard.
Never have I imagined that she would end up like this. I mean she's the MEAN Mae Zareena Perez. Ma-pride, mapagmataas, maluho. Not like this girl crying before me, the girl begging for God in prayer.
But then again, who am I to judge right? Ni hindi nga ako lawyer eh.
Lumapit ako sa kanya.
"Here..."
Lumuhod ako sa harap niya at inabutan siya ng panyo. That's the only way I know to ease the pain she's feeling right now. After all, I'm her angel-in-charge (this is my responsibility) and in a way, she saved me from 'death.'
I owe my 'extended' life to her..
Inangat niya ang ulo niya and I've seen a totally different Zareena. Right now, she's not the usual nagger, self-centered, sophisticated her.
Ngayon, ang tanging nakikita ko ay isang Zareena na fragile, maraming tinatagong hinanakit at nag-aasam ng pagmamahal at kalinga.
Nakatitig lang ako sa kanya ngayon at ganun din siya sakin.
Sa halip na abutin ang panyong ibinibigay ko sa kanya...
"Louie..."
Hinila niya ang kamay ko at niyakap ako. Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. I was taken aback with what she did, but I just let her cry on my shoulders. Kaso yung damit ko, nababasa na. Favorite ko pa naman to.
Isang kaibigan ang kailangan niya ngayon kaya niyakap ko na rin siya kahit hindi naman kami magkaibigan talaga and we're not close. I just want to let her feel na may tao ring nagmamalasakit sa kanya.
"Louie! Huhuhu. Louie..."
Ganun lang siya. Banggit ng banggit ng pangalan ko habang umiiyak. Tinatapik-tapik ko na lang ang likod niya. Tss. Minsan talaga OA ang mga babae.
"Louieeeeeeeee..."
"Ikaw ha? Baka mainlove ka na sakin niyan? ^____^" biro ko.
Napakalas naman agad siya sa yakap at hinampas ako ng mahina sa braso.
"Hoy epal ka talaga, *sniff* ikawng freak ka. Kita mong *sniff* nagmo-moment y-yung tao eh."
This time, ako naman ang humila at yumakap sa kanya.
"Di, joke lang. Ito naman."
Niyakap niya rin ako pero naramdaman kong hinampas niya ng mahina ang likod ko.
"Pang-asar ka talaga! Alam mo yun."
"Gwapo naman."
"Kapaaaal! HAHA!"
"That's better. You're laughing."
"Haha. Hmmm.. Louie?"
"Yes?"
"Thanks."
What?! Wait, do you have a voice recorder there? Did you hear what she just said?
"Pardon? What did you say?" tanong ko.
"Walang ulitan sa taong bingi. Bleh!"
"No, you said something."
"Hmp! Sabi ko panget ka."
"Yes, I know I am handsome."
"Heh! Whatever.. Ahm.. Louie?"
"Oh?"
"Ahh ehh... Tulungan mo ko... Help me! Gusto kong makabalik sa lupa. Gusto kong maitama lahat ng pagkakamali ko... Gusto kong makasama ulit ang... ang pamilya ko at mga kaibigan ko na nagmamahal pala sakin at... at... mahal ko.." tuluy-tuloy niyang sabi habang nakapilit na sarado ang mga mata as if embarrassed. Nahihiya siyang humingi ng tulong. haaay naku. Ang pride nga naman talaga.
Hinawakan ko siya sa balikat. Pinunasan ko ang mga luha niya sa pisngi at ngumiti.
"If the only way is that freaking mission, then I'll do it. Just help me!"
"Yan mismo ang tungkulin ko, Zareena. Kahit hindi mo pa sabihin sakin, talagang tutulungan kitang matapos ang misyon mo... para makasama mo na muli ang mga mahal mo..."
"...ganti ko na rin to sayo sa pagliligtas mo ng buhay ko. Remember, nang dahil sayo na-extend ang buhay ko? This is my way of saying Thank you."
"Pero, ayon sa pagkakatanda ko, diba hindi naman assurance na kapag natapos ko na ang misyon ko eh makababalik ka rin?" tanong niya.
"Oo, pero may CHANCE pa rin naman eh, and I'll hold on to that kahit one percent pa yan."
"P-pero.."
"No buts Zareena. Masaya na ako na nakakasama pa ako ng mga magulang ko sa ospital though wala akong malay at nasa coma nga. Kung saka-sakali mang hanggang dito na lang talaga ako, hindi na sila masyadong masasaktan kasi hindi biglaan ang pagkamatay ko. Nagkaroon pa sila ng oras, kahit sandali lang, na makasama ako until my last breath.."
"Sssh! Don't say that Louie," sinimangutan niya ako. "We will FIGHT! Okay?" and she smiled.
I nodded. Teka si Zareena ba tong nasa harap ko? Yung misyon kong baguhin? "Yes Zareena, we will fight. We will!"
"Zar. Since we're already friends, Zar na lang itawag mo sakin."
Napangiti naman ako dun. "Thanks. Thanks for treating me as a friend...Zar."
She smiled in return. Nasabi ko na bang she looks like an angel when she smiles? Kahit na parang demonyita ang ugali minsan...
"Ahm.. Louie?"
"Yes Zar?"
"Pwede payakap ulit? One last time. Hehehehe. Pleaseeeeeeeee?"
"Okay. Why not? I know I'm too handsome."
"Tss whatever!"
Haha. She's so cute! Para siyang bata. Eto ba talaga yung Zareena kanina? Parang ibang tao eh. And I prefer this one.
Nagyakapan lang kami until I found out that she's already asleep.. on my shoulders.
Matulog ka lang Zareena for tomorrow will be a long day as we start your mission..
"Sleep well Zar."
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Fiksi RemajaGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
