twenty-three part 1 ~

150 1 0
                                        

She's My Angel 

CHAPTER 23.1

-Day 5-

(Zareena's POV)

"Zareena, listen to me. YOU.ARE.MY.ANGEL." Isa-isa niyang binigkas ang mga salitang yun, emphasizing each word to me."And I would be proud to tell the whole world, 'Hey, this girl,'" he pointed me, "She's my angel.."

I embraced him tight as I cry my heart out.

 Lord, is this true? Do I really deserve this guy I'm hugging right now? Am I really the girl for him? His angel? Teach me to... believe, Lord. Give me a believing heart. Please... 

"Ako ba talaga yung tinutukoy mo ha, Louie? Baka mistaken identity lang. Baka yung kapitbahay mo yung iniisip mo nung sinabi mo sakin yun?"

He laughed softly."Ang kulit talaga ng lahi mo no? Oo, ikaw. Wala nang iba. Ikaw lang, Mae Zareena Perez.. noon hanggang ngayon."

"Ha?" Humiwalay ako from his embrace. "Sorry, I did not hear clearly the last words. Paulit.."

"Uh-ah," umiling siya. "Whispered words are never meant to be told twice."

"Hmp. Who made that rule?! Mabatukan nga."

"Hahaha, kelan ka ba kasi huling naglinis ng tenga?"

"Hmmm, five months ago? XD"

Nagbibiruan na ulit kami.. But something is really bothering me.

"Bakit ba ang bait-bait mo sakin? Kahit na masama akong tao?"

He poked my forehead. "Aww!"

"Kasi nga po, hindi ka po masamang tao po. Kulit."

"Eeeh, hindi ko talaga matanggap eh," pagmamaktol ko.

"Haaay..Kakaiba ka talaga eh no? Lahat ng tao nag-aapakan at naghihilahan pababa para lang iangat ang sarili at matawag na MABAIT," he quoted on air the word 'mabait' "Tapos ikaw ayaw mong matawag na mabuting tao kahit yun naman talaga ang totoo."

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit. Sa pagkakaalala ko at I guess malinaw pa naman ang memorya ko, wala talaga akong maalala na isang bagay na ginawa ko na worth praising or recognizing. Pag nag-iisip ako, puro yung mga kabulastugan at kalokohan ko lang talaga ang pumapasok sa isip ko." I told him truthfully. Yan talaga ang feeling ko. I'm not pretending or anything.

"It's because you do have a good and humble heart," halos masamid ako sa sinabi niya. Really? "Can't you see it Zar? Look."

"San ako titingin?" singit ko.

"Be serious," he glared at me.

"Okay okay fine. Proceed." Pero san ba talaga ako titingin? Sa taas babakaliwa o kanan? Sa kanya na nga lang. He continued..

"When you're doing something, hindi mo iniisip na ginagawa mo yun dahil sa gusto mong gumawa ng mabuti o dahil gusto mo lang masabi ng ibang tao na may mabuti kang ginagawa. I mean, ginagawa mo yun kasi yun ang sabi sayo ng puso mo and unconsiously, may mabuti ka na palang ginawa para sa ibang tao. That's how genuine your heart is."

"Seriously?"

Nasapok niya ang noo niya. "Haay, slowpoke Zareena! Ilang MBPS ba yang utak mo?" Medyo inis niyang saad.

"Sorry naman, bagsak talaga ako sa Calculus eh, kahit sa Algebra. Kahit sa Filipino nga eh. Sa recess lang naman ako Top 1."

Napabuntung-hininga siya ulit. (Ang cute niyang mainis. Hihi!) "Eto na lang, sa tingin mo, bakit ka binigyan ng second chance?"

Natahimik ako dun. hindi ko rin alam eh. Basta isa lang ang alam ko...

"Hindi ko deserve to." Tahimik kong sabi.

"Hindi ikaw ang makakapagsabi niyan, Zareena. Don't be too hard on yourself. Don't judge yourself."

"See, you're so good to be true! Kurutin mo nga ako. I know, this is just a beautiful dream."

Kinurot niya nga ako sa pisngi. "Arayyy! Bat mo ko kinurot?!"

"Sabi mo eh."

"Ang shakeeeeet."

"Oh yan naniniwala ka na? This is not a dream, Zar. Hindi ka lang slowpoke at matigas ang ulo, ang kulit-kulit mo pa."

At niyakap niya ako habang natatawa at ginugulo ang buhok ko.

"LOUIE! Buhok ko!"

"Ang cute cute mo talaga.." bulong niya. "Tara na, may pupuntahan pa tayo. Sigurado akong magugustuhan mo yun."

"Hmm," tumango na lang ako at napangiti nang napakalapad. ^__________^

Kahit ayaw ko man tanggapin sa sarili ko, may kung ano akong nararamdaman sa puso ko. Parang nag-gym ata yung puso ko eh at nag-lose ng 100 punds. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Para nga akong nakalutang sa cloud 9 eh. Ang saya malaman na may halaga ka para sa isang tao. :)

To be continued...

She's My Angel (revised)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon