twenty-five: The Final Chapter ~

166 4 1
                                        

As promised, dedicated ito sa first na nag-vote. Salamaaaat :)

* * *

She's My Angel

Chapter twenty-five: THE FINAL CHAPTER

-Day 5-

Zareena's POV

"No Zareena, hindi tayo... Ikaw lang."

Whe he uttered those words, ang initial reaction ko syempre ay ang hampasin siya nang mhina sa balikat at bahagyang tumawa.

"Hahaha! Ikaw talaga, Louie. Kahit sa ganitong sitwasyon, nagagawa mo pa rin talagang magpatawa. Hahahahaha.. Oh, asan na yung karugtong na 'Joke lang, Zareena'? Dali na, sabihin mo na. Pa-suspense ka naman masyado eh."

"Wala na yung karugtong pa," expressionless niyang saad.

"Ows, di nga? Wg mo nga akong binibiro nang ganyan. Kasi hindi na nakakatuwa eh.  Ano ba Louie? Teka nga, ikaw pa ba yan ha? Para kasing sinasapian ka dyan eh. Louie.. Wag namang ganyang joke.."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Louie, ikaw pa ba talaga yan? Ha?"

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya. Dahan-dahan niya itong inalis at ibinaba.

"Zareena, tingnan mo." Inangat niya ang dalawang kamay niya. Tiningnan ko ang mga iyon.

No! This can't be! Ang mga palad niya at daliri, nagiging maputla at transparent. Yung sinag ng papalubog na araw na tumatama sa balat niya parang tumatagos lang. Nooooo, hindi ito maaari!

"Unti-unti na akong naglalaho, Zareena."

Inabot ko ang mga kamay niya at mahigpit itong hinawakan. Nahahawakan ko pa , kaya hindi totoong mawawala na siya tulad ng sinasabi niya.

Hindi.

"This is not true, Louie! Sabay nating ginawa yung misyon. Tayo, tayong dalawa yun diba?You helped me fulfill that mission. Tapos ngayon, you're telling me na ako lang ang makakabalik sa dati kong buhay? Hindi ko maintindihan.Hindi ko matatanggap."

"Sssh.. tahan na."

Iyak na ako nang iyak. Kainis na mga luha naman oh. Mamaya na nga kayo pwede? hindi ko makita nang ayos si Louie eh. Blurry! Please, eyes stop!

"Tahan na, Zareena ko. Ayokong umalis nang ganito ang eksenang huli kong makikita. Gusto mo bang ganito ang last memory ko sayo? I want to see your smile."

"Hindi ka nga kasi mawawala!" medyo inis ko nang sabi sa kanya. "Alam mo, mas matigas pa ang ulo mo kaysa sakin... Diba? Diba ikaw ang nagsabi sakin noon, pag nagawa ko na at nakumpleto ang nakasulat sa papel na yan, makakabalik na tayong dalawa sa mga buhay natin?"

"May CHANCE," pagtatama niya. "Ang sabi ko, may chance na makakabalik ako, kasama mo."

"At ikaw din ang may sabi na kahit 1% chance pa yan, panghahawakan mo pa rin! Percent is just a number, sabi mo pa. Pero.. Pero bakit ngayon, sumusuko ka na?"

"Kasi ngayon 0% chance na," umiwas siya ng tingin. "Isa pa, hindi ako sumusuko Zareena, sinasabi ko lang ang katotohanan."

"Then at least believe! Louie, kanina I asked God to please grant me a believing heart para maniwala ako na totoo ka, na binigay ka niya sakin, na I deserve to have you. Because with all the wrong things that happened in my life, you're the only thing that's right. And like a miracle, He granted my wish. I learned to believe that someone like me is also worth loving.. At ikaw yung taong binigay Niya sakin. And I believe na mabubuhay ka rin, magkasama tayo. Naniniwala ako.. Kaya please Louie, maniwala ka rin.  Maniwala ka.."

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon