twenty-two ~

173 2 2
                                    

She's My Angel  

CHAPTER 22

-Day 5-

"Kwento ka pa..."

Nagshift kami ng position. pareho na kming nakahiga ngayon sa picnic blanket. Nakaunan ako sa braso niya habang nakapatong ang isang kamay ko sa chest niya. Tapos nakaakbay siya sakin. In short, magkayakap kami!!!

"Ano pa ba ang gusto mong malaman?" tanong niya.

"Gusto kong malaman kung...masaya ka ba ngayon?" Tama, kailangan ko na palang i-evaluate kung tagumpay ako sa misyon kong gawing memorable ang araw na to para sa kanya. Sana nga, mission accomplished na!!!

"Hahahaha!"

Ngek! He's laughing?! Should I take that as a YES or a NO?

"Pfft. HAHA! What a question, Zar? Hindi pa ba halata sa mga ngiting to?" Tas pinakita niya sakin yung mga ngipin niyang puting-puti. Ay I mean, pinakita niya sakin yung smile niya na sobrang nakakaKILIG! Makalaglag balakubak. XD

YES? YES na ba yun? Eh wala namang YES sa sagot niya eh. Psh.

"Hmm, eh for you, naging memorable naman ba ang araw na to?" dagdag tanong ko. "Will you consider this day something you won't forget ever?"

"Hindi. Hindi na tinatanong yan kasi every moment I spent with you is a moment to remember, a moment to be treasured. Kung pwede ko nga lang itago sa baul eh gagawin ko. Kaya ang sagot ko sa mga tanong.. YES. Isang malaking YES."

YES? As in YES daw?

"YES!" Napayakap ako sa kanya. "Really? Really? So Mission Accomplished na?"

Napalingon naman siya sakin."Mission Accomplished?" tas nagsalubong ang mga kilay niya. "Alam mo na?"

"Hehe, may 'Mission ala Zareena' kasi ako. And that is to make you happy on our Day 5 and to make this day worth remembering for you. At ang sabi mo ay masaya ka at ang araw na to ay di mo makakalimutan, kaya Mission Accomplished na! Yey!"

"Ah, haha, yun pala yun?" Sa pagkakasabi niya nun, para siyang nabunutan ng tinik. Halatang-halata ko kasi napahinga siya nang maluwag. Yung para bang narelease niya yung kanina niya pa pinipigilang paghinga dahil sa sagot ko. Teka? May ibang mission pa ba siyang tinutukoy? "EH Zar, bakit mo naman ako gustong mapasaya, aber?"

Hala, oo nga no! Now that he asked it, napaisip ako. Bakit nga ba? Madami na kasing nangyari eh kaya parang nakalimutan ko. O baka naman talagang makakalimutin na ako? Ano ba yan?

"Ahh, eh kasi...mahal kita! Hehe," sagot ko na lang. Totoo din naman yan eh. At least, I'm not lying, right? xD Pero, I know may isang rason pa e. Err, ano nga ba yun? Kainis! Di ko maalala.

"Asus! Ang sweet naman ng Zareena ko," he pinched my nose. "Halika na, may pupuntahan tayo." Bumangon siya at dahil nakapatong ang ulo ko sa braso niya, napabangon din ako kasabay niya.

Eeeh! Bakit wala man lang 'Mahal din kita'? Sabi na eh, dapat talaga nagdala ako ng voice reorder nun! >"<

Tumayo na kaming dalawa.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang pinapagpag ang bestida ko.

"Sa isang napakagandang lugar," sagot niya sabay wink sakin. >///<

"Kahit saang lugar naman basta ikaw ang kasama ko, maganda na!" ^__^

"Uyy, ikaw Zareena ha? Pinapakilig mo ako. hehe, parte pa ba yan ng 'Mission al Zareena' mo?"

"Hindi na no? I mean yes kasi forever mission ko na ang pasayahin ka every minute of every day. Hihihi. But I'm not doing this just because of that mission. I'm doing this because... I love you."

He smiled..

Is it just me or my wild imaginaion, that I saw a hint of loneliness in his smile? No, I mentally shook myself. Zar, you're just over-thinking and imagining things! And one more thing, ganito ba talaga ang mga lalaki? Sobrang hindi expressive eh? Isa na lang talaga magtatampo na ako. Nagsabi na ako ng 'I love you' sa kanya. Asan na yung 'I love you more' o kahit 'I love you too' na lang. Hmp.

Maya-maya, inangat niya ang kamay niya at in-extend ito sa akin.

"So, my gorgeous cosplayer angel, will you spend the rest of this day with me?" he said in a VERY SWEET AND ROMANTIC WAY! But...

"Eh? Ako angel? Wahahaha. Ang joker mo talaga, Louie! Hahahaha," tumawa ako at hinampas siya nang mahina sa balikat. "Ah hehe, seryoso pala yun?"

Inabot ko ang kamay niyang nakalahad kahit na natatawa pa rin ako sa tinawag niya sakin. "Of course, MY ANGEL, it's my pleasure to spend this day with you... even until FOREVER."

* * *

Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayonni Louie, papunta raw sa isang napakagandang lugar. Ang ganda-ganda na nga nitong heaven eh. May igaganda pa pala ito?

"Bakit ayaw mong maniwala na anghel kita?" tanong sakin ni Louie habang naglalakad.

"Hahaha. Seryoso ka nga talaga nun. Pero yan na kasi ata talaga ang pinakamalaking joke sa lahat. That's the funniest joke ever. Ako angel? Geez. Lahat nga ata ng kilala ko at nakakakilala sa akin, kulang na lang tawagin akong demonyo. I smoke, I drink, I flirt, I say bad words. Lahat na nga ata ng bisyo na-try ko na. Alam mo naman yun diba? Masama akong tao, Louie. With all the uncertainties in my life, that's the only thing I am sure of. I am a bad person! Tapos, you will suddenly call me YOUR ANGEL? Wahahaha! Isa lang masasabi ko dyan, HA-HA-HA. Ay, tatlo pala. Haha. Yung 'gorgeous cosplayer' matatanggap ko pa pero yung kasunod...?" umiling-iling ako. "Hindi. Haindi talaga."

"Bakit ganyan mo na lang kung i-down ang sarili mo?"

"I'm just stating the reality Louie, that's all."

"Bakit? Kaya ba ng isang 'masamang tao' na iligtas ang buhay ng isang estranghero?"

"Eh?" I gazed at him.

"May KAKILALA kasi ako. Sabi niya MASAMANG TAO daw siya. Pero isang gabi, niligtas niya ang buhay ng isang taong DI NIYA KILALA. At ang ginawa niyang yun ang naglagay sa kanya sa BINGIT NG KAMATAYAN... Zareena, you saved me, remember?"

"Ahh yun ba? Sus, wala lang yun no. Dala lang yun ng... Adrenaline Rush. Oo, Adrenaline Rush lang. Ikaw ba naman eh makakita sa harap mo ng taong masasagasaan diba? Isa pa, I was drunk that time." At umiwas ako ng tingin.

"No Zareena. Hindi lang yun isang simpleng Adrenaline Rush. May mabuti ka talagang puso." Pagpupumilit niya. Kuleeet!

Umiling lang ako "That's not true. Stop making stories."

"Then stop lying to yourself... Zareena, I'll ask you. Gugustuhin ba ng isang 'masamang tao' na subukang gumawa ng mabuting bagay para sa mga taong mahal niya? Gugustuhin ba niyang itigil ang isang di-magandang gawain na nakasanayan na niyang gawin? Say for example, saying bad words? Kahit simpleng pagmumura lang yun, ginawa niya pa rin. Can a 'bad person' forget herself just to grant someone else's wish? How about trying to make a sad person smile? Zar, can a 'bad person' choose to forgive someone who caused her unbeasrable pain and agony for years? can someone you're calling 'bad person' do all that, Zar? And one last thing...does a 'bad person' know how it is to LOVE?"

Hinarap ako ni Louie sa kanya. iling lang ako nang iling habang nakayuko. Ayoko mang pakinggan ang sinasabi niya, ayaw sumunod ng tenga ko.. at puso. Is he right?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. He looked into my eyes; I looked into his, as he utter the words never in my weirdest imagination have I thought would be something to describe me...

"Zareena, listen to me..You are my angel..."

* * *

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon