seventeen ~

218 5 1
                                    

She's My Angel

Chapter seventeen //

- Day 5 -

POV: Mae Zareena Perez

Panandaliang tumahimik ang life ko. Nawala si Louie sa paningin ko. Ewan ko kung asan na yun. Bahala nga siya! Matanda na yun oy. Kaya niya na alagaan ang sarili niya. Bwahahahaha. Ang bitter ko! >:D

Asan na ba ako ngayon? Hmmm..

Lumingon-lingon ako sa paligid. Well, may mga puno pa rin, may berdeng damuhan. Maaliwalas at tahimik pa rin. Payapa. Walang gulo. Malamang, kasi nasa Heaven nga ako diba? LITERALLY.

Teka ano yun? May nakikita ako sa di kalayuan. It looks familiar. Isang mataas na triangular structure na gawa sa bakal siguro na may upuan na nakatali. Swing ata ang tawag. Tapos sa tabi niya may parang slide. Meron ding monkey bars sa kabilang side at may seesaw. Okay! Mukhang nasa playground ako..

Lumapit ako dun at umupo sa isang swing. Ang ganda naman dito. Hindi kasi siya yung usual na playground na puro kalawang na. Eto ang linis-linis at kulay sky blue pa yung kulay, ang lamig sa mga mata. Tapos yung metal rope na nagsu-support sa swing na inuupuan ko ay may vines, yung halamang gumagapang . Alam kong alam niyo na kung ano yung tinutukoy ko. :D May mga bulaklak din dun sa mga vines. Ang ganda talaga. Nakaka-GOOD VIBES :)

May naaalala tuloy ako..

Tears, don't fall OR ELSE mamasamain ka sakin!

Ang OA ko! Hahaha. Eh kasi naman tong playground na to eh. Pinapaalala sakin yung buhay ko NOON, bago pa man ako napunta sa heaven na to at bago ko pa piniling baguhin ang sarili ko at maging 'Bad Girl.'

Oo na, inaamin ko na, ANGHEL kasi ako NOON!

Mabait, mahinhin, magalang, masayahin, malambing -- yan ang palaging compliment na naririnig ko mula sa mga tao sa paligid ko, mula sa mga kaibigan ko, kaklase, kapitbahay, lalung-lalo na mula kina Mommy, Daddy at Zia.

Ngayon, kulang na lang tawagin nila akong DEMONYO.

Masama ba talagang maging masama? Diba hindi naman nagiging masama ang isang tao kung walang dahilan? Pero kelan ba masasabing tama ang dahilan ng isang tao kung bakit siya nagbago? Haays. Ang gulo! Ayoko na ngang mag-isip.

Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga panahong nasa playground na tulad nito ako kasama ang pamilya ko. Ang saya-saya namin nun. Nagpipicnic kami. Ako ang nakaupo sa swing habang tinutulak ni Daddy. Tawa ako nang tawa. Actually, kami! Si Mommy naman nasa di kalayuan. Nakaupo siya sa nakalatag na picnic blanket at nag-aayos ng kakainin namin. Si Zia naman tinutulungan si Mommy. Nakatingin sila samin ni Daddy na naglalaro sa swing. Tawa rin sila nang tawa. Ang lakas kasi ng pagkakatulak ni Daddy sa swing kaya ako sumisigaw na na itigil kasi natatakot na ako. Pero syempre tawa pa rin ako ng tawa. Ang saya-saya ng mga panahong yun.

Teka nga! Diba sabi ko, ayoko nang mag-isip?! Eto namang utak ko oh. Napaka-disobedient!! Nang-aasar ka ba ha?! >__<

Pero kelan ko kaya sila makikita ulet? Iniisip din kaya nila ako? Inaalala kaya nila kung ano ang kalagayan ko ngayon? Namimiss kaya nila ako? MAHAL PA KAYA NILA AKO?

Anu ba yan? Ang dami kong tanong. Gusto ko ng kasagutan. Haay, nag-iisip na naman ako eh. Tss! Hayaan na nga. Mag-isip man ako o hindi, ganun pa rin naman eh. Ang endpoint and the point of all this, NAMIMISS KO NA SILA AT GUSTUNG-GUSTO KO NA SILANG MAKITA ULET!

Napabuntung-hininga ako habang nag-swi-swing nang mahina.

May  bigla ulet nag-flashback sa utak ko! Ang mukha ng isang gwapo pero masunget na kalahating halimaw, kalahating anghel. Sino pa ba? Si LOUIE. Oo nga pala! Isa pa siya sa kailangan kong isipin. I need to make sure that both of us will get through this stage. Kung hindi na siya makakabalik, edi hindi na lang din ako. No comrade left behind. Hindi kakayanin ng konsensya ko na iwanan siya after everything we've been through. Kahit sabihin pa nating limang araw lang tong paglalakbay kong to, eto ang pinakamahalagang limang araw ng buhay ko. Dahil sa limang araw na to, muli kong nakilala ang sarili ko!

Wag nga munang nega. Dapat THINK POSITIVE. Habang may buhay may pag-asa. Gaya nga ng sabi ni Louie noon: "Kahit 1% chance pa yan, kakapitan ko pa rin yan. After all, it's just a number."

Tama! Tama nga si Louie..

Hala wait oo nga pala, tama! Hindi pa kumpleto ang misyon ko. Yeah.. May 5th task pa ako! May pag-asa pa!

Tatayo na sana ako pero may bigla namang humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod. Natigilan ako sandali. "Gotcha!" bulong niya. "Nahuli na kita Zareena at hindi na kita pakakawalan pa."  

Uh oh..

Dugdug. Dugdug. Dugudugudug. Dugdug.

Bat parang biglang nagkaron ng SLOWMO... habang nakayakap sakin si Louie ngayon at nakangiti? Napatulala ako. Ewan ko bat ganito ang nararamdaman ko.

Siguro kasi iniisip ko lang siya kanina tapos ngayon nandito na siya agad sa harap ko. Oo ganun lang yun. Ganun lang..

Ano ba naman Zareena?! Pati ba naman sa sarili mo magpapanggap ka? Nagawa mo na ngang magpanggap at ipakita sa lahat na masamang tao ka diba? Pati ba naman sarili mo lolokohin mo pa? Admitting something won't make you less of a person. magpakatotoo ka! Kahit sa sarili mo lang, magpapakatotoo ka!

OO! OO NA!

"I... Love... You..."  Bulong ko. Pati ako nagulat sa mga sinabi ko. Nahanaw ang mga ngiti sa labi ni Louie pero agad din naman itong napalitan ng malutong na mga tawa.

"Ha? A-Ano yun Zareena?" Tanong niya habang natatawa.

Napahiwalay ako sa kanya at napakamot ng ulo. "Ha-Ha-Ha," sabi ko. "Ha? Hahaha. W-Wala! Wala akong sinabi. Ah! Sabi ko.. ahmmm," napalingon-lingon ako, nag-iisip ng palusot. "Ah! Sabi ko gutom na ako. Oo gutom na ako! hehehehe.."

Sorry konsensya. Hindi ko pa kayang aminin eh. Hindi ko pwedeng aminin.

"Ah yun ba yun? Hehe," sagot niya. "Ako din gutom na! Uy Zar, dali ipagluto mo ko."

Bago pa man ako makasagot, hinawakan na niya ang kamay ko at dali-dali akong hinila ako pabalik sa kusina.

"Hoy Louie! Hindi ka naman masyadong excited sa luto ko no? Hahaha," biro ko habang hila-hila niya ako.

"Hindi no! Asa ka pa Zareena. Hahaha. Handa na daw kasing sumakit ang tiyan ko dahil sa luto mo. Isa pa ngarereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Ok na daw sa kanila kahit kumain pa ng basura. Hahaha"

"Tss!"

Mamimiss ko talaga tong PALAAWAY NA LALAKING to kahit na puro away at asaran lang ang memories namin na babaunin ko.... Mamimiss rin kaya niya ako?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ang tagal ng updates no? Hahaha. YES! FINALLY Summer na :D

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon