^ Dedicated sa so far, pinakamalakas at pinakamadalas mag-comment xD ^
-----------------------------------------------------------------------
She's My Angel
Chapter sixteen //
- Day 5 -
POV: Mae Zareena Perez
Tumakbo ako. Tumakbo ako nang pagkabilis-bilis. Takot ko na lang na maabutan ako ng masunget na anghel na yun no? Love ko pa naman ang life ko. Isa pa, maganda kasi ako. Wahahaha.
As expected, mabilis din siya. Pinaglihi nga kasi siya sa kabayo. Ah este, isa siyang KABAYO na nagkatawang-ANGHEL, isang AUTISTIC, MASUNGIT at GWAPONG ANGHEL. Wait, erase erase yung last! Hindi siya gwapo. Eto talagang utak ko oh, napaka-liar. Siya gwapo? San banda?! >"<
Pero yun nga, kasi mabilis siya, naabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa beywang ko para hindi ako makawala. Nagpumiglas ako syempre. Eh ayoko nga kasing magpahuli sa kanya diba? PERO! Ang hindi ko alam, nasa tabi na pala kami ng bangin. At dahil dun, nahulog kami pareho! Nagpagulung-gulong kami. Ang nakapagtataka lang, hindi ako nasaktan. Kahit isang galos o kirot wala akong naramdaman. Nang imulat ko ang mga mata ko.. nalaman ko ang rason.
Nakayakap pala siya sakin. Prinotektahan niya ako. Siya ang sumalo ng lahat ng sakit na dapat ako ang uminda. Pareho kaming nakahiga ngayon sa mabatong damuhan. Nakatitig ako sa kanya pero siya nakapikit. Mukhang masama ang pagkakahulog namin....lalo na NIYA. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya na nasaktan siya dahil sa pagkakahulog namin.
Bumangon ako at sinubukan ding itayo siya. Inangat ko ang ulo niya habang ginigising siya. "L-Louie? Louie?" Bulong ko pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya. Sa halip, ungol lang ang ginagawa niya. Ang sakit marinig ng mga ungol na yun kasi ang bawat tunog na yun, pinapahiwatig na nasasaktan SIYA dahil sa pagliligtas niya sa AKIN. Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko. Paisa-isa. Pero bawat patak, may ibig sabihin, may sakit na pinaparating. Lalo pang dumami ang patak ng luha ko nang makita kong may dugo ang mga kamay ko na pinanghawak ko sa likod ng ulo niya. MAY DUGO! May sugat siya!
"Louie! Louie!" sigaw ko. But this time, sumagot na siya. Haay.. Buti naman... Nakahinga ako nang maluwag, kahit papano, nang mga sandaling yun.
Isang mahinang bulong ang ginawa niya, "Z..Zaree...na.." Napahagulgol ako.
I confess. Inamin ko sa kanya na mahal ko siya, na mahal na mahal ko siya. Binalewala ko na ang pangakong ginawa ko na kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon, magpapakatotoo na ako. "Mahal na mahal kita Louie! Please don't die! Or else I will kill you!" banta ko habang lumuluha.
Napangiti naman siya kahit alam kong nasasaktan pa rin siya, physically. "I know.. Zareena. M...Matagal ko n...nang alam yan. At hi..hindi ako mama..matay. Takot ko na lang na pa..patayin mo a..ako no?" And he smirked, that legendary smirk of ANGEL LOUIE. Napangiti din ako. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya as I leave a sweet kiss on his lips. AND WE LIVED HAPPILY EVER AFTER..
THE END.
TAPOS NA ANG STORY NAMIN.
Wahahaha. Pero joke lang! IMAGINATION ko lang lahat ng yun. Inuulit ko, IMAGINATION LANG LAHAT NG IYUN. Again, IMAGINATION lang. Isa pa? IMAGINATION lang! Okay na?! Baka gusto niyo pang ipa-spell sakin? Hahahaha. Para naman magka-thrill tong kwento na to no. Ang boring ng author eh xD
Pero seriously, eto talaga ang nangyari:
*REALITY NA*
As I was saying, tumakbo ako nang mabilis na mabilis. Tawagin niyo na akong kabayo or whatsoever basta ganun kabilis ang takbo ko. Nandito pa rin kami sa garden kaya naman, maraming puno. Actually, hindi lang to mukhang garden, muka na siyang gubat, isang masukal na gubat. Daming puno eh. Sinubukan kong magtago sa likod ng isang malaking puno na may pink leaves. Ang cute lang nung puno. Hahahaha. Ano nga bang tawag sa punong to? Parang nakita ko na to sa mga anime na pinapanood dati ni Zia eh.. Well nung, hindi pa siya bulag. Haaays.. how I wish, makakita nang muli ang mabait at inosente at maganda kong kapatid na mana sakin. Yan ang una kong aasikasuhin once makabalik ako sa lupa. Aayusin ko lahat ng gulong ginawa ko!
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
