She's My Angel
CHAPTER 21
-Day 5-
Nasapok ko yung noo ko dahil sa sinabi ko. Kahiya langsss! Ano ba yun? Kainis.
"P-Pero kahit malaki pa ang butas ng ilong mo, ikaw pa rin ang Louie ko na love na love ko! Hehehe.." bawi ko na lang. Yikes! Kakahiya talaga. Ang tangos-tangos kaya ng ilong niya. Mas matangos pa kaysa sakin!
"Sabi na eh!"
Nagulat ako sa reaction nya. Hindi ba siya galit?
"Ang galing ko talaga! Wahaha. Ramdam ko na dati pa eh. Patay na patay ka talaga sakin. Wahaha. Ang gwapo ko talaga!" Nanliit ang mga mata ko nun. Eto talagang anghel na to, pag napuri lumalaki ang ulo. =__=
"Bakit ikaw, hindi ba? Hindi ka ba patay na patay sakin? Hindi ka ba head over heels sakin ha? Hmp." Ngumuso pa ako. (Nagpapa-cute, in short XD)
"Sorry pero mali ka ng taong pinagtanungan," sabi niya.
"Ha?" nalungkot naman ako sa sagot niya. Yeah yeah, edi hindi! One sided love affair pala tong pinasukan ko. "B-bakit?"
"Kasi hindi na yan tinatanong pa Zar. Isn't the answer obvious?" Then he kissed me softly and whispered sweetly these words on my ears: "Hindi mo pa ba alam? Hindi lang ako patay na patay sayo Zareena, buhay na buhay pa. Kasi binuhay mo ang naghihingalo kong puso at muli itong pinatibok. At hindi lang ako head over heels sayo, from talampakan to bumbunan pa.."
Yieee~
Kinikilig ako! Hahahaha. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko. (Oy Zareena, boyfriend na? MU palang kayo oy!) Kfine, ang swerte ko talaga sa ka-MU ko! :D
"Ahmm, Louie?"
"Hmm?"
"Magkwento ka naman."
"Kwento? Tungkol naman saan?" tanong niya.
"Uhh, kahit ano. Basta tungkol sayo. Tungkol sa buhay mo dati." Na-realize ko kasi siya marami na siyang alam sakin. Eh ako, ang alam ko lang ata tungkol sa kanya eh ang pangalan niya, birthday niya (syempre sabay kami eh at sabay pa namin yun sinelebrate) at yung meron siyang mabait at mapagmahal na Mama.
"Nah, wag na. Boring ang buhay ko. Para ka lang manonood ng black and white movie," tutol naman niya.
"Kahit black and white pa yan. Kahit colorless pa nga eh. Panonoorin ko pa rin yang movie na yan basta ikaw ang bida."
"Uyy, gumagaling ka na talaga sa pambobola ha. Haha. Sige na nga, magkukwento na. Pogi kasi ako eh."
Weh? Anong connect? Di ko na lang binasag trip niya. Baka maudlot pa ang pagkukwento ni Lolo Basyong eh. Hoho! Isa pa, hawak-hawak niya kasi ang kamay ko at nilalaro-laro ito.
"Teka, kuha ka muna ng popcorn. Mahaba-haba tong kwento ko." Sabi niya.
"Sige sige. Teka.." Gamit ang free hand ko, inabot ko yung mga pagkain sa tabi at naghanap ng popcorn. Ay wala pala kaming popcorn, healthy living kami eh. Hanap-hanap here, hanap-hanap there. Ayun pwede na to! "Etong ampalaya cookies na lang Louie. Bawal pala popcorn eh." Inabot ko yung isang pack ng ampalaya cookies. Yummy to, hinding hindi mo malalasahan ang pait. Promise! Best to para sa mga bitter dyan! Hihi. Gusto nyo? XD
Pinatong ko yung pack sa ibabaw ng tiyan ko at sumubo ng isa habang nakatingin kay Louie. Para lang akong nanonood ng sine. "Gora, kwento na."
Natawa lang siya sakin (kahit di ako nagjojoke. Diba diba? Di naman ako nagjojoke pero tinatawanan niya ako) Hmp. >__<
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Teen FictionGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...