twenty-four ~

157 2 0
                                        

Dedicated to you. Thanks for adding this story to your reading list. Enjoy reading everyone. :))))

* * *

She's my Angel

Chapter twenty-four

-Day 5-

Zareena's POV

*Clk*

Tulad ng isang taong sinusubukang bumuo ng isang jigsaw puzzle, pakiramdam ko nakuha ko na ang huling natitirang puzzle piece na siyang kukumpleto nito.

Ngayon ko lang napagtanto ang isang mahalagang bagay na kanina ko pa sinusubukang alalahanin.

Day 5...

Day 5 na nga pala ngayon. Huling araw na ng pagtupad ng misyon. AT ANG GALING! HINDI KO PA NAGAGAWA ANG PANGLIMA AT HULING DAPAT GAWIN SA LISTAHAN!

GREAT!

Tumayo ako at lumingon sa malawak na karagatan. Tiningnan ko ang araw. Hindi! Hindi maaari! Papalubog na ang araw!

Dali-dali kong kinuha ang kapirasong papel na nasa bulsa ng bestida ko. Buti na lang hindi ito nabasa kanina.

"Louie, ano bang sinasabi mo? Your life doesn't end here. Our lives won't end here. Eto.." inangat ko ang papel na naglalaman ng misyon ko. "Gagawin ko na ang 5th task. May oras pa. Hindi pa lumulubog ang araw."

I am calm outside yet panicking within kaya nanginginig kong binasa ang nakasulat doon. Isa na lang ang hindi pa naka-crash out. "M-Mission: Turn the mean Mae Zareena Perez into a Good girl Operation. 5 things to accomplish: Number 5- Be herself AGAIN."

My voice broke as I read it and I really don't know why I am crying right now. Siguro kasi, pakiramdam ko, parang may project ako na nakalimutang gawin at ngayon nagca-cram ako dahil ilang oras o minuto na lang deadline na. Literal na Dead-Line!

"Madali lang naman to diba? 'Be herself again' daw. Be myself. Sus, madali lang to, diba Louie? May pupuntahan ba tayo? Saan? Sa lupa ba? Sa ospital? Sa bar? Ano?! Louie! Halika na. Tutulungan mo naman ako diba? Dali na Louie please, bilisan na natin. Please..." sunud-sunod kong saad habang palinga-linga sa papalubog nang araw. I used to love sunsets pero mukhang hindi na muna ngayon, sa sitwasyong ganito.

Sun, please stop right there. Wag ka munang mamahinga, please.

Please..

Tumayo si Louie sa harap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ssh.. You have nothing to worry about, Zareena. Nagawa mo na ang ikalimang task sa misyon. Ibig sabihin... Mission accomplished na. Congrats, Zar." Sabi niya saka ngumiti.

"T-Talaga?"

Naguguluhan ako. Bakit parang hindi naman talaga siya masaya? Bakit parang hindi to isang magandang balita? Tsaka, paanong tapos na? Wala pa naman ako o kaming ginagawa eh.

"Paano? Paanong nangyari?" Bewildered, I asked.

Gamit ang hinlalaki, hinaplos ni Louie ang pisngi ko. Ang akala ko, pinupunasan niya lang ang luha ko kasi umiiyak NA NAMAN ako, (umiiyak na naman pala ako) yun pala, humuli siya ng isang butil ng luha at inangat ito sa harap ko para maipakita sa akin.

"First evidence-- this tear," panimula niya. "When your parents decided to part ways, you chose to be cold-hearted. You pretended not to feel anything. At isa sa mga bagay na binago mo sa sarili mo ay ang hindi pag-iyak.. For you, crying is a sign of weakness so you do away with it. But now, you are crying once again, just like the original you, the true you. You are crying, not because you are weak but because you have feelings. Crying is not an indication of weakness, Zareena, it just proves that you are human enough to feel."

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon