*the birthday plan*

357 6 4
                                        

MY GOSH! Ako'y nape-pressure sa inyong demands. Wahahaha. Pero dahil MAHAL ko kayo, here's the Update :D

Pero honestly, nagagalak ang aking puso (actually ang taba niya na tulad ng author. LOL) kasi inaabangan niyo talaga.. Ayeee. Para akong nasa Cloud9. THANK YOU SOOOO MUCH ^___________^

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

CHAPTER TEN

-DAY 3-

#Mae Zareena Perez's Point of View#

"Yey! I won I won! Haha. Who's the weakling now, Zareena?" pang-aasar sakin ni Louie. "Since you're the loser as usual, you have to admit na PANGIT ka. Hahaha."

"Psh. Bakit kasi ang haba haba ng mga binti mo? Tapos ang lalaki pa ng hakbang mo. Kainis naman. And dayaaa," I mumbled to myself. Pero napansin kong natawa siya. Isa rin ba sa mga special characteristics niya as Angel ang malakas  na pandinig? "Okay fine whatever. Ako na ang panget. Happy?" asar kong sabi, pero nakangiti pa rin.

"Wahahaha! Ang gwapo talaga ni Louie. At ang pangit pangit ni Zareena. Hahahaha." He teased me even more. Ang saya niya ah!

Sige lang. Mang-asar ka lang, Louie. Pasalamat ka birthday mo ngayon at misyon kong pasayahin ka.

Teka? Hindi naman talaga to kasama sa misyon ko eh. Pero bakit ko nga ba to ginagawa? Ah basta, dapat eto ang maging pinakasayang birthday niya. ipa-kidnap niyo ako sa mga alien pag ito hindi nag-succeed. FIGHTING!

"Oh Zar? Natitigilan ka ata? Don't tell me you're scared?" At nagsmirk na naman siya. Sus, ang antipatiko talaga. Eh kanina nga halos di na makabitiw sa kamay ko dahil sa takot. Nanginginig pa!

Nandito na nga pala kami sa tapat ng roller coaster.

"A-Ako? H-Hindi ah!"

Ang totoo niyan, I'm scared of heights! Huhuhu. Ni hindi nga ako nasakay ng roller coaster eh. Ewan ko ba bakit eto pa nasabi ko. First time ko to pag nagkataon. Huhuhu. Wonderwoman, help me. =____=+

"Takot ka eh, aminin mo na."

"H-Hindi nga sabi. K-Kulit!"

Sige Louie, tumawa ka na >"<

His annoying smirk suddenly turned into a cute smile.

And I was shocked when he held my hand.

"Don't be scared, Zar. I'm here. Hindi pa man ako nakakasakay dito sa roller coaster na to in my entire life, kung ikaw naman ang kasama, kakayanin ko."

Naks naman! Binabanatan na naman ako nitong anghel na to pero if I know babawiin niya yan at mang-aasar. But.. Haaay. I guess I might as well confess.

"Ahm L-Louie, ang totoo niyan... first time ko din kasi sa roller coaster. N-Never pa akong sumakay diyan."

"Talaga? Great! Ihuhulog na lang kita mamaya Zareena! Masaya yun! Wahaha."

"What?! Anong sabi mo?!"

"Haha wala. I said, then let's do this together Zar. Masaya kaya ang first times. Tara!"

Mukhang excited talaga tong isang to ah.

Well, ano pa nga ba? Readers, kayo na bahala sa buhay ko. Gusto ko pink ang kabaong ko tapos sa Neptune niyo ako ipalibing ha? Pag hindi niyo yan ginawa, mumultuhin ko kayo. Promise, mamatay man si Vegeta. =____=

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon