"13 isn't a lucky number for me, but now it is.." -BMD ☺
Ehem! Ehem! Bago ang lahat...
*tentenenen!*
♥ HAPPY 1K reads She's My Angel!!! Hooooray! ♥
Wahahahahahaha! Kung maka-react parang 1M reads na nu? Hahaha. Ah basta! Ang saya-saya ko. Mababaw na kung mabababaw. BIG as in SUPER BIG achievement na ito for me. Honestly, never did I expect na may makakapansin at makaka-appreciate ng mga kalokohan ko dito sa wattpad. HAHA. I mean writing is really just a hobby for me and I must admit I'm not really good. Isa pa ang dami-dami ng stories dito sa wattpad plus ang dami pang magagaling na authors dito BUT isa AKO sa mga napili nyong pag-aksayahan ng oras. xD
THAAAAAAAAAANK YOU SO MUCH!! XD
PS: Sa mga nagtatanong kung may part 2? Hmmm.. Pilitin nyo muna ako. Hahahaha. XD But srsly... Pag-iisipan ko xD
PS(ulit): Gusto ko sanang i-promote yung one shot stories na gawa ko rin xD Yung Certified NBSB at Soulmates. Lulubus-lubusin ko na ang chance na to. LOL! Hahaha. ;P
*Ayan! Tapos na ang commercial. Thank you. Bow! xD*
- --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- - --- -
She's My Angel
Chapter thirteen //
-Day 5-
Point of View: Mae Zareena Perez
"Aaaaah...!"
"ZAREENA!!!" Agad-agad siyang lumapit sakin at hinila paharap sa kanya.
"A..Aaaww.. Ang sakit. Hoo! Araaaay!" tinaas ko ang kamay ko at hinipan-hipan. Aray! Ang sakit talaga. Napaso ako. Huhuhuhu.. Aray! CARROTS naman oh!
Shine-shake shake ko pa ang kamay ko kasi sobrang sakit talaga. Halos maluha-luha na ako.
Pagtalikod ko kasi kanina, I was too careless. Di ko namalayan, yung kalan na pala ang nasa harap ko at kanina pa isinalang dun ni Louie yung kawaling hinugasan ko. Edi sobrang init na nun! Ang tanga tanga naman kasi ng kamay na to eh, hinawakan yun. I mean nasagi yun. STUPID T^T
"Mag-iingat ka kasi!!" Kinuha niya ang kamay ko at saka niya hinipan gaya ng ginagawa ko kanina. Nang hawakan niya ang kamay ko, ramdam kong nanginginig siya at nang silipin ko ang mukha niya... mukhang galit siya. "Haay naku! Napakaburara naman kasi eh!! Careless!" dagdag pa niya habang inaalalayan ako papunta sa lababo. Binuksan niya ang gripo at tinapat ang napaso kong kamay sa umaagos na malamig na tubig. Medyo nabawasan ang hapdi pero masakit pa rin. "Hindi ka ba talaga marunong mag-ingat ha?! Naman oh!!"
"Bat ka ba nagagalit? Ako na nga tong nasaktan, sinisigawan mo pa ako! Yang kawali ang pagalitan mo!" pagmamaktol ko. "Ako na nga lang! Kaya ko naman sarili ko eh!"
Kanina pa kasi siya sumisigaw eh. Di siya nakakatulong. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko kasi nararamdaman kong nagbabadya na sa pagtulo ang mga luha ko... lalo na nang iangat niya ang ulo niya at magtama ang aming mga mata...
I guess... sa mga matang yun, naramdaman ko ang concern at sincerity.
DUGDUG DUGDUG DUGDUG.
Errr. Eto na naman!
Nagkatitigan kami for 5 seconds maybe hanggang sa binawi niya na ang tingin niya. Bigla siyang tumingin sa ibang direksyon at binitawan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
She's My Angel (revised)
Novela JuvenilGorgeous, hot, sexy, brat, bitch, party girl, whore, damn good kisser, flirt, every guy's girlfriend and the Top 1 on every girl's hatelist, that is me... the great Cosplayer Queen, Mae Zareena Perez. Oh crash that out! I was.. I was all that until...
