Finale

191 4 0
                                    

Finale: Heaven By Your Side

"Hi Louie Montesilva, kumusta na? Happy anniversary angel ko!!" Hinawi ko ang mga damong tumutubo na at nagtatakip sa pangalan niya sa lapida. Umupo ako sa damuhan saka nilapag sa tabi ung dala kong bulaklak.

Isang taon na. Pero sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat.

-flashback-

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko dito sa ospital at pumunta sa katabing kwarto.

"Louieeee!" Sigaw ko pagkabukas ng pinto. Natigilan ako sa nakita ko.

Wala nang Louie na nakahiga sa kama. Wala na doon ang lalaki slash angel na mahal ko.

"Miss?" Napalingon ako sa nurse na nakatayo sa bintana at ibinababa ang kurtina.

"Na-nasa.. nasaan," di ko matuluy-tuloy yung sasabihin ko. Bakit ngayon ka pa naduwag, Zareena?! Nanginginig na tinuro ko na lang ang bakanteng higaan sa harap ko.

"Ahh.. si Louie ba? W-Wala na siya."

Dumilim ang mundo ko at napaupo ako sa sahig. Tumakbo palapit sakin yung nurse at inalalayan ako. Tiningnan ko siya at bigla siyang ngumiti.

Bakit? Bakit nakakangiti pa siya?! Masaya ba siya na nawalan ako ng taong minamahal?! At ang taong yun lang naman ang siyang nagbigay sakin ng pag-asa, especially when i was on the verge of falling. Bakit siya ganun?! Ang sama-sama niya!!

Tinulak ko siya at tumakbo palabas. May sinasbi siya pero hindi ko pinakinggan. Wala siyang puso!

Pumunta ako sa labas at doon nagsisisigaw... at nag-iiiyak.

Isang linggo ang lumipas at nabalitaan ko na lang na nilibing na siya. My world shattered into tiny pieces. Mag-isa akong nagluksa. Hindi alam ng mga mgulang ko, kahit ni Zia at ng mga kaibigan ko. Ayokong idamay pa sila sa mga drama ng buhay ko.

Kaya sa harap nila, sinusuot ko ang maskara ng masayang Zareena. I don't want to make them worry about me anymore. I'm too tired of being a burden.

Kahit ako na lang ang masaktan. When opportunity permits, I would sneek out and visit him in his resting place. In this same cemetery. Feeling ko tuloy may secret lover ako..

Just like today.

-present-

"It's been a year already, Louie ko. At isang taon na rin mula nang makakita si Zia. She's really thankful to you, alam mo ba yun. Thank you ha, for giving her the eyesight na ako ang may kasalanan kung bakit nawala." Bigla na lang akong naiyak. "Kainis ka! Simula nang makilala kita, naging crybaby na ako. Tss. Iyakin na tuloy ang tawag sakin. Lagi mo na lang akong nililigtas. Lagi mo na lang tinatama ang mali ko. Bakit kasi ang bait-bait mo eh? At bkit ba kasi mahal na mahal kita?!"

Para na akong baliw kasi natawa ako habang umiiyak. Ganito ako lagi pag dumadalaw sa kanya. Psh, Crazy Zar! "Pero seryoso, super thank you. Naging okay na ako, ang pamilya ko at ang buhay ko dahil sa tulong mo. Nakakatawa no? Angel ka pala talaga kahit na ang sungit sungit sungiiiiiit mo! You are the meanest angel yet you were the one who was able to change the meanest brat. Totoo nga, negative plus negative equals positive plus raised to love pa. Hahaha. Ang corny ko talaga!"

"Uy Louie, tingnan mo oh. Naka-angel costume ako!" Hinawakan ko pa yung pakpak ko. "Kagagaling ko lang kasi sa isang Cosplay event. Actually, charity event yun for cancer patients. I dressed up to entertain those little kids. Syempre, ako pa rin kaya ang reigning Cosplay Queen. Oha? Ang good girl na ng mahal mo. Thanks to you!"

Nalungkot na naman ako. "Puro thank you na lng ako, Louie no? Pero alam mo ang mas dapat kong sabihin? Sorry.. Sorry, syempre first kasi ngayon lang ako magsosorry. Hehe. I'm noob at times, I know. Noob for you, my angel. Yay, corny ko. Hahaha. Eto na, second kasi hindi kita trinato ng ayos nung highschool tayo. Seryoso, hindi kita naalala nun. Hindi ko talaga alam na ikaw pala si Owie, yung batang naging kaibigan ko. Na-bully ka pa tuloy ng mga 'friends' ko. Ikaw naman kasi eh, lumalapit-lapit ka pa sakin. Alam mo namang maldita ako. You're noob at times, as well, alam mo yun? Kainis ka! Di ka din nagpakilala. Tss!"

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon