twelve ~

366 7 6
                                        

I wasn't able to update this yesterday kaya bumawi ako ngayon. Hihihi. Sana magustuhan niyo. Corny pa rin siya. LOL! I'm trying to make the story a little longer pero actually malapit na siyang matapos. Keep updated ;)

Who wants dedication? xD

Thanks for reading pala. xoxo <3

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

She's My Angel

// Chapter twelve~

-Day 5-

Point Of View: Mae Zareena Perez //

"EDI SAKA NA PAG NAKABALIK NA KAYO SA LUPA."

Ang kaninang tawanan namin, biglang napalitan ng nakakabinging katahimikan.

Tiningnan ko si Louie. Pero umiwas siya ng tingin.

Ano kayang iniisip niya?

Eto naman kasing si 'Big Brother' eh, ang mga hirit panira ng momentum.

"OOOPS! SORRY. WALA AKONG IBIG SABIHIN DUN."

Tumingin ako sa taas kung saan nanggagaling yung boses.

"Ahm.. Big Brother? May kailangan pa po kayo?" tanong ko para maiba na ang topic. Nakita ko namang parang bumalik na sa normal ang aura ni Louie.

"Oo nga, Big Bro. May pagkain ka ba diyan? Gutom na kami eh. Hehe," banat pa ni Louie sabay tawa na halata namang fake.

"OH SIGE, PUMUNTA NA KAYO SA STORAGE ROOM. NANDOON NA ANG FOOD SUPPLIES NIYO PARA NGAYONG ARAW."

"Thank you Big Brother!" sabay naming sigaw ni Louie.

Teka?

May storage room pala dito? Ngayon ko lang ata nalaman.

"Halika na Louie," tumayo ako saka siya hinila papunta dun sa storage room na sinasabi ni Big Brother.

Day 5 na ngayon...

Huling araw na ng pagtupad ng mission ko na pinamagatan pang "Turn the mean Mae Zareena Perez into a Good Girl Operation." Ang corny lang ever ng title! Sa limang araw ng pagtupad ko ng mission na to, bakit ngayon ko lang yun na-realize? Haha! Sino kaya nakaisip nun? Haaay. Siguro pag naalala ko to pag nakabalik na ako sa lupa at sa dating buhay ko, matatawa siguro ako nang bongga. Hahaha.

Day 5..

Last day na..

Huling araw na rin ba ito na makakasama ko tong anghel na to?

Kahit naman ubod siya ng sungit, angas, hangin at kalokohan, naging mabuti pa rin siya sakin. Maraming siyang bagay na pinarealize sakin kaya ngayon, eto ako... unti-unting nagbabago.

Kapag naiisip kong mag-isa lang akong mabubuhay ulit, parang may kung anong kumukurot sa puso ko.

Pero bat nga ba ako nakakaramdam ng ganito?

Is it because I pity him?

Kasi kahit siya ang gumagawa ng paraan para makabalik ako sa lupa, posibleng wala siyang makuha in return?

Is it because I feel guilty?

Kasi parang siya yung tagadala ng flashlight na iniilawan ang dadaanan ko para lang hindi ako madapa sa madilim na kalye habang siya naman, nagtitiis maglakad nang walang ilaw?

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon