eighteen ~

247 7 0
                                        

She's My Angel

Chapter eighteen //

-Day 5-

Sa kusina...

"Zar, mahilig ka talagang magluto?" tanong ni Louie habang pinapanood ako na kasalukuyang kumukuha ng malaking bowl sa cupboard. Nakaupo siya sa isa mga stool sa may kitchen table kaharap ako.

"Hmm... hindi," kaswal kong sagot habang nakangiti saka nilapag yung bowl sa lamesa sa tapat niya.

"Huh?!" gulat na gulat niyang tanong.

"Hindi mo narinig o hindi ka makapaniwala? haha. Louie, the truth is never pa akong nagluto nor nagkainteres na magluto." I emphasized.

"Huh?!" reaksyon niya ulit.

"Ay! Bingi lang?? Pero, hmm.." napatingin ako sa itaas. "Ewan ko ba, I just suddenly want to try something I haven't done yet in my entire life. Yung parang I want to try something new and be someone new." I said that na parang kinikilig pa at nagde-daydream.

"Huh?!" sagot niya ulit.

I glared at him. "Wala ka na bang baong ibang linya dyan? Puro ka na lang 'Huh Huh Huh' eh. O talagang wala nang maisip na ibang linya ang author ng storyang to? Tss. Boring.."

"Sorry. Hehehe. Ah.. It's just that.. *blah blah blah*"

Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagconcentrate na lang sa ginagawa ko. Mang-aasar at manlalait lang naman yan for sure. Masyado akong masaya para magpaapekto sa halimaw na anghel na to.

"You know what Zar. You're really interesting."

Bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Teka. Bat ko nga ba yun narinig? I closed my ears kasi ayokong marinig ang mga panlalait niya diba? Ano yun? Biased tong tenga ko at nafi-filter yung mga bagay na gusto ko lang marinig? Pag panlalait at pangit na comments, dedma, pero pag compliment, daig pa ang radar sa lakas ng signal? Huwow! May ganto pala akong talent eh. Makasali nga sa PGT. Hahaha!

"Huh?" This time, ako naman ang gumamit ng walang kamatayang linyang ito. I want to hear again what he said to make sure that what I've actually heard is true and I'm not just daydreaming.

"Sabi ko you're interesting. You're different, really different."

Pasimple akong napangiti .Parang shy smile kumbaga. Bibihira lang magbigay ng ganitong flattering words tong anghel na to eh. Sayang di ko narecord. Wahahaha.

"H-Huh? H-Hindi naman Louie," nahihiya kong sabi habang sinasabit sa kanang tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko. "W-Wala namang kakaib---"

"You're really one of a kind Zar," pagputol niya naman sakin. "Ikaw lang ang natatangi at kaisa-isang nakilala ko na ang lakas-lakas mag-volunteer na magluto, eh yun pala wala palang alam, walang experience at lalong walang interes. Wahahaha! Grabe Zar. kakaiba ka talaga. Wahahaha. Ang dami ko nang tawa sayo. Hahahaha!"

Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nawala ang mga ngiti ko at feeling ko namumula ako hindi dahil sa nag-blush ako or kinikilig (dahil imposibleng maramdaman ko yan kay LOUIE SUNGET, like ever!) kundi namumula ako dahil sa INIS! G-R-R-R!

Nakooow, pigilan niyo ako. Baka mapalipad ko tong halimaw na anghel na to papuntang PLANET YEKOK ng di oras. Kaasar ha! 

"Ha.Ha.Ha.Ha.Ha. Ang dami ko ring tawa in fairness. bakit hindi mo subukang mag-apply as clown Louie? Sobrang havey ng humor mo eh. GRABE." Pag di niya pa nagets ang SARCASM sa sinabi ko, ewan ko na lang..

She's My Angel (revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon