CSM POV'
"Ikaw mag buhat nyan." Utos ko kay Imagination Boy nang lumabag ang eroplanong sinasakyan namin. Nakangiwi itong tumingin sa akin. "Bakit ako?!" Pag mamaktol nito. Tinaasan ko sya nang kilay.
"Lalaki ka, eh."
"Ikaw naman babaeng sisiw kaya ikaw dapat ang mag buhat!"
"Kapal."
"Wow grabe Csm sisiw?! Ako pa ang makapal?! Ikaw nga yang masyadong demanding!"
"Kanino ba yang mga gamit nayan?"
"Sa atin!"
"Sino mas madami?"
"S-Sa akin?"
"Sayo naman pala kaya ikaw ang mag buhat." Mabilis na saad ko at naunang bumaba sa eroplano. May mga umalalay sa aming tauhan ni Fire, mukhang nasabihan nya na ang mga tauhan nya na uuwi ako dito.
"CSM SISIW! SANDALI!" Hindi ko ito nilingon dirediretso lang ako sa pag lalakad. Langya. Kapag nilingon ko ang Imagination Boy baka mag paawa yun sa akin na tulungan ko sya kaya huwag nalang. Tsk.
Bakit ba kasi ang dami nyang hinakot na gamit sa eroplano? Gusto nya ba talagang iuwi lahat nang gamit ni Trex? Langya. Patay ako kapag nalaman yun ni sana all na pinamigay ko lahat nang bagong gamit nya. Tsk.
"CSM SISIW! SANDALI NGA KASI!" May halong inis na saad ni Imagination boy ngunit hindi ko ito pinansin. Dirediretso lang ako sa pag lalakad.
"HOY CSM! WAIT!" Hindi ko ito nilingon at tinulak ang pinto palabas nang hallway.
"AW! ANG SAKIT CSM SISIW!" Automatiko akong napahinto nang marinig ko yun. Mabilis akong napatingin kay Imagination Boy. Napangiwi ako nang makitang nauntog sya sa salamin. Mukhang hindi nya nakita ang pader na salamin tsk.
Lumapit ako sakanya at kinuha ang isang bag. Tatlong maleta ang dala nya at isang bag. Langya? Bakit ang dami? 4 na pares lang na damit ang dala ko pero bakit may tatlong maleta at isang malaking bag? Langya talaga itong si Imagination Boy.
"Tsk, bat ba kasi ang dami?"
"Eh?"
"Anong eh kadyan?"
"Eh ikaw naman kasi! Baka sipain mo nanaman ako sa kama! Ayaw kitang makatabi matulog!"
"Snabi ko bang gusto kita makatabi nung gabing yun?"
"Hindi!"
"Tsk hindi naman pala kaya ikaw ang may kasalanan, nangangarate ako kapag tulog, eh. Tsk." Nakangiwing saad ko. Hinila ko ang isa nyang maleta bali dalawang malaking maleta nalang ang dala nya.
"Ano bang mga laman nito?"
"Comforter saka unan!" Inis na saad nito. Napatango nalang ako. Langya mukhang naniniguro ang isang ito, ha? Tsk. Paano ba naman kasi ang sabi ko sakanya sa sahig sya. Eh ayaw nya naman.
Nung ako ang humiga sa sahig nagalit sya dahil malamig daw eh may komporter naman. Tapos sinabi nya pang nakakahiya daw sa akin. Pero ang walang hiya sinulo ang apat na unan, parang baby meron sa gilid tsk.
Tapos ang isa pang nakaka walangya eh inagawan ako nang kumot habang natutulog. Kaya dahil sa inis ko sinipa ko sya. Mag tulog tulugan ako nun kaya huwag kayong maingay tsk.
Nang matapos kaming macheck nang mga guard at ilang mga kung ano ano ay naka labas narin kami. Naka suot kaming dalawa nang shades. Sabi kasi nitong lukong ito kailangan mag shades.
Nang tinanong ko kung bakit ang sabi nya sinabi lang daw yun nang Imagination nya. Langya.
"Saan ba tayo sasakay Csm?" Nakangusong saad ni Imagination Boy. Hawak namin ang mga maleta habang nag hihintay nang sasakyan na sasakyan namin.
BINABASA MO ANG
Cre'scent Moon (The Rank Series #1)
ActionTyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl? Mag kakagusto ba sakanya ang babaeng cold hearted na kahit anong expression ay wala? Mag kakagusto b...