Ika-7

10.5K 271 371
                                    

TYRAENE ALAIRE POV'

Ikot dito.

Ikot doon.

Kamot dito.

Kamot doon.

Napabuntong hininga ako bago sinalpak ang katawan ko sa couch. Nandito ako ngayon sa PR (Private room) kasama ko si Cyan at Rhapsody. Kagaya ng kinasanayan, nag sasalita nanaman si Rhapsody sa salamin habang sinasabi ang katagang 'Napaka, napaka gwapo ko talaga'. Samantalang si Cyan ay seryosong seryoso nanamang nag babasa ng libro nyang parang encyclopedia ang kapal.

"BAKIT KO BA KASI YUN GINAWA?! AHHHHHHH!!! CYAN! RHAPSODY! KAILANGAN NATING PATAYIN ANG MGA LANGAM SA BUONG MUNDOO!!" Malakas na sigaw ko, nag tatrantomos pa ako. Pinag sisipa ko ang mga gamit na malapit sa akin, pinag sasabunutan ko din ang buhok ko dahil sa naisip ko.

Napatingin sa akin yung dalawa habang naka kuno't ang nuo. "What happened pre? Ganyan naba kapag nilalamon ang imaginasyon?" Natatawang saad ni Cyan. Mangiyak ngiyak akong umiling sakanya.

"H-Hindi! Hindi! Basta hindi!!!" Halos mabaliw na ako kakasigaw nung maalala ko nanaman ang nangyari sa parking lot kagabi kasama ang Cs----WHAAAAAAAA!! Ayokong marinig ang pangalan ng sisiw nayon, masyado syang mapagsamantala!

"Bebeq? Anong nangyari sayo? Ganyan kapala kapag hindi mo ako nakasama? Ayieeeee, hindi nya lang ako nakasama kahapon nag kakaganyan kana!" Mapang asar na saad ni Rhapsody pero hindi ko sya pinansin. Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa tingin ko ay napaka dumi ko na.

"WALA NAAAAA ANGGG PURIII KO!!!!" Malakas na sigaw ko bago nag tatakbo palabas. Humanda ka sa akin sisiw ka, kailangan mong pag bayaran ang pag kuha mo sa puri ko! Bakit? Bakit? Bakit sa parking lot pa nakuha ang puri ko? Akala ko panaman sa romantic spots pero bakit sa parking lot?!

At bakit sa sisiw ko pa nabigay ang puri ko?! Si Zarina. Aish. Tsk. I'm died kapag nalaman nyang nawala na ang puri ko!


CSM POV'

Kamot ulo ako habang naka upo sa puno ng mangga. Hindi ako pumasok sa History Class dahil tinatamad akong sumagot doon. Langya, bat paba ako pumasok sa eskwela kung hindi rin naman ako papasok? Tsk. Tsk. Minsan naiisip ko na sana hindi nalang ako nag aksaya para pumasok, hindi rin naman ako pumapasok eh.

Nakangiwi akong tumalon sa puno ng Mangga, gusto ko sanang doon pa tumambay ng matagal pero wala nang bunga ang puno ng Mangga. Wala na akong mangatngat habang nag mumuni, muni, langya. Kapag ako yumaman mag papalagay ako ng maraming puno ng Mangga sa buong pilipinas, tsk.

Para kapag mag libot libot ako at sakaling maboryo ako aakyat nalang ako sa Manggang maraming bunganga at doon mag mumuni muni. Napailing nalang ako sa naisip ko dahil napaka imposible ng bagay nayon.

Langya, gutom nalang siguro ako kaya kung saan saan nanaman nag lalakbay ang utak ko, tsk. Nag lakad ako papunta sa Cafeteria, siguro Pizza nanaman ulit ang bibilhin ko. Este uutangin, bahala na yung Zarina mag bayad. Malaki utang non sa akin, eh. Langya, gantihan kang toh, nyeta.

Nang makapasok ako sa Cafeteria ay agad kung hinanak ang malaking Shop ng Pizza yun ay ang Pizzalor. Yung Cafeteria kasi dito sa De Royal ay bongga, para kang nasa Mall o food court. Maraming stall sa paligid dito sa Cafeteria, sa pinaka dulo doon mo makikita ang iba't ibang putahing pagkain na naka catering.

Kapag pumasok kanaman dito sa Cafeteria ay madadaanan mo ang Siomai, Milk Tea shop, School materials, Computer Shop, Photoshop, Donut, Pizzalor, Starbucks, Chicken Skin Shop, Turks, at kung ano ano pang shop. Langya, kaya gusto ko dito tumambay sa Cafeteria nila eh.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon