CSM POV'
Napataas ang kilay ko sa loob ko. Naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Langya? Sino nanaman kaya yun. Lilingunin ko na sana nang biglang pigilan ako nang sarili ko. Agad akong napangiwi nang marealize ko kung ganinong tingin yun.
Walang iba kung hindi si Imagination boy. Langya? Ano nanamang trip nito? Makatitig eh akala mo eh may balak sa akin. Tsk? Ano nanaman kaya ang nasa utak nang Imagination Boy na ito.
"Csm baby! Nakatingin sya sa atin!" Bulong sa akin ni Trex na may pag kataranta. Nakataas ang kilay ko syang tiningnan. "Eh ano naman?" Walang ganang saad ko. Pinanlakihan ako nang mata ni Trex. "Gumawa ka nang ipag seselos nya dali na!" Nag mamakaawang saad nito.
Tinaasan ko muna sya nang kilay bago tumango. Langya? Para sa Gold Card. Ngumiti ako kay Trex. Pero sa loob loob ko eh gusto ko nang mapangiwi. Kumuha ako nang panyo sa bag na pinadala nya. Alam nyo naman na tamad ako.
At baka mawala ko ang bag kapag nag dala ako kaya hindi ako nag dadala. Pero dahil sinabi ni Trex at isa syang malaking saltik pumayag akong mag dala nang bag basta sya ang mag dadala. Ha? Ano daw.
Dahan dahan kung dinikit ang panyo sa nuo ni Trex. Nakangiti ako na parang tanga. Langya. Kailangan ba talaga ito? Oo kailangan. "Tingnan mo baby oh ang dami mong pawis, hayz, hindi panga nag sisimula ang event pawis na pawis kana, paano kana kung wala ako? Hindi ka talaga marunong mag punas nang pawis." Nakangusong saad ko. Ginaya ko kung gaano kacaring si Meteor. Langya. Tsk.
Nakita ko ang pag ngisi ni Trex mukhang inaasar nya ako sa mga ngisi nya. Bwiset.
"Hehehe ang cute ni Csm girl no?! So nakaka wet ang kasweetan!"
"King ina, sana lagi syang ganyan Pft!"
"Amazing pards! Tingnan mo! Ang sweet pala ni Csm oh?! Hahaha! Baby!"
"Wonderful view but nakaka hurts para kay pards Dylan! Baby! Baby ohhh!"
"Pards hahaha! Sabi ko sayo dapat hinila mo na yan eh! Alam mo na! Galawang Drezel haha!"
"It's ok Dylan, marami panamang babae sa mundo."
"The fuck, shut up, wala akong pakialam sainyo." Nakita ko ang pag walk out ni Lover Boy sa gilid nang mata ko. Tsk. Langya? Akala ko ba act lang? Bakit parang bumalik ang mundo?
Bumalik muli ang atensyon ko kay Trex nang bigla nya akong akbayan at halikan sa nuo. "Ang sweet talaga nang baby ko." Nakangiti nitong saad. Narinig ko ang pag suka kunwari ni Paris. Nasa kabilang side sila. Naka suot sila nang T-shirt na powder blue na palatandaan ay isa kang taga De Royal.
Ewan ko ba kung bakit ako nakasuot nang Violet. Eh hindi naman ako taga Neveah. Sabagay. Gusto ko rin namang maranasang nasa school nang mababait. Langya bakit kasi sa school ako nang mga maarte naka pasok? Tsk.
Dapat dito ako sa mga mababait eh. Mabait kaya ako. Tsk.
Sinanggi ko nang braso ko ang tyan ni Trex. "Kadiri ka langya." Nakangiwing saad ko. Mahina syang tumawa. "Anong itsura nya?" Natatawang saad nito. Napatingin ako sa babaeng pinag seselosan nya.
Naka suot ito nang kulay pula. Nasa kabilang row sila. Langya? Taga Dewei University pala ang tipo nitong tatlong ito? Ang Dela Elvira William Ian University. Ay ang mga mapag mataas. Puno rin sila nang kaartihan. Mahilig gumastos kagaya ko. Langya.
Lahat sila ay maarte. Mas maarte at suplada ang mga mag aaral sa Dewei University. Samantalang sa school ko eh. Maarte lang. Ang pinag kaiba lang ay mapag unawa ang Dewei University. Hindi agad sila nag huhusga kung hindi naman nila alam kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
Cre'scent Moon (The Rank Series #1)
ActionTyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl? Mag kakagusto ba sakanya ang babaeng cold hearted na kahit anong expression ay wala? Mag kakagusto b...