Ika-73

3.3K 91 92
                                    

CSM POV'

NAKANGIWI Akong napahawak sa aking ulo. Aish. Langya. Mas masakit payata ang sakit nang ulo ko ngayon sa masakit ha? Tsk. Nakangiwi kung minulat ang mata ko. Napataas ang aking kilay nang makita ang nahihimbing na tulog si Imagination boy.

L-Langya?

Tiningnan ko ang kanyang mukha. Nakaawang nang kaunti ang mapupula nyang labi. Napaka gwapo nya naman yatang matulog? Tsk. Ang unfair nang buhay. Para syang anghel kung matulog samantalang ako. Huwag nyo nang isipin. Tsk.

Napataas ang aking kilay nang makita ang hindi naka butones na polo ni Imagination boy. Tatlo ang hindi naka botones roon. Napalunok ako bago tiningnan naman ang kanyang kamay. Kagat labi akong napapikit nang makita iyung nasa bewang ko.

Aish. Giniginaw yung mga kamay ko. A-Ang lamig eh. Lalo na yung batok ko. T-Tsk.

Nakita kung naka suot ako nang Hoodie. Pamilyar sa akin yung amoy at nakaka siguro akong hindi ito kay Imagination boy. Ako mismo ang gumawa nang pabango nya na. Lahat nang rango ay gumagawa nang kani kanilang pabango bago ibibigay yun sa mga mapapangasawa nya.

Sumasagisag yun sa pag mamahal yata? Ay basta nakalimutan ko na tsk. Basta lahat nang rango ay gumagawa ng kanya kanyang pabango para yun ay ang maging amoy nang kanilang asawa o mapapangasawa.

P-Pero teka? Anong nangyari kaga-----Aish. Hindi ko na kailangang mag tanong. Hindi na. Huwag nyo nang ipaalala. Huwag nyo nang sabihin. Hindi na kailangan. Wala nang may kailangan sa mga detalye na nangyari kagabi. Tsk.

Napatingin ako kay Imagination boy nang makita ko itong gumalaw. Mabilis akong napapikit bago pa sya mag mulat nang mata. L-Langya. Ngayon palang ako natablan nang kahihiyan eh. Ngayon palang. T-Tsk.

Nakakahiya talaga langya. P-Pero atleast na sarapan naman yata sya no? Tsk.

"C-Csm...." Rinig kung bulong ni Imagination boy sa aking tenga. Naramdaman ko ang pag ikot nang aking sikmura nang maramdaman ko ang kanyang mukha na sumiksik sa aking dibdib habang yakap yakap ako.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Hindi ko alam e-eh. Pake nyo ba? "Csm...." Rinig ko nanamang bulong ni Imagination boy. Binuksan ko ang mata ko. Kunot nuo kung tiningnan si Imagination boy.

Nakapikit ang kanyang mata habang nakayakap sa akin. Mukhang nanaginip pa sya. Tsk. Hinawakan ko ang pisnge ni Imagination boy. "Hoy." Walang expresyong saad ko rito. Napangiwi ako nang umiwas ito nang tingin para hindi ko mahawakan ang kanyang pisnge.

Mas lalo akong napangiwi nang mas lalo syang sumiksik sa bandang dibdib ko. "Aish. Nanantsing kana yata eh?" Kunwaring pag kainis na saad ko rito. Kinurot ko pa ang kanyang braso. "A-Aray naman." Rinig kung bulong nito sa hangin na ang boses ay inaantok pa.

Napasinghal ako. "Bumangon kana. Diba may gagawin kapa kagabi?" Bulong ko sa tenga nya. Nakita ko ang muli nitong pag galaw. Inangat nito ang kanyang tingin bago tumingin sa akin habang ang kanyang mata ay halatang inaantok pa.

"Csm...." Nakanguso nitong saad habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya nang kilay. "Oh?" Takang saad ko. Ngumuso ito lalo sa akin. "Namiss kita." Bulong nito bago muling niyakap ako nang napaka higpit.

Napabuntong hininga ako bago niyakap din sya. "Namiss din kita." Bulong ko rito habang yakap yakap sya. Hinalikan ko ang kanyang nuo nang paulit ulit. "Pero Mr. President kailangan mo nang bumangon. May gagawin kapa." Bulong ko dito.

Nakita ko ang sunod sunod nitong pag iling. "Ayoko. Baka mawala kananaman. Baka hindi na ito maulit." Parang batang saad ni Imagination boy at mas lalong hinigpitan pa ang pag kayakap sa akin. Mahina akong na tawa.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon