Ika-74

3.1K 91 57
                                    

CSM POV'

"BEBE LOVE! I'M HERE!" Tuwang tuwang saad ni Imagination boy nang makapasok sya sa loob nang bahay. Agad na tumakbo sakanya ang anak nung bobitang aso ni Meteor na si Cm. Tsk. Kawawa naman yung aso nayon. Nahirapan manganak. Ang landi kasi, kaya yan. Tsk. Tsk.

"Hi babies! Hi bebe love!" Ngiting ngiti na lumapit sa akin si Imagination boy. Sininghalan ko sya nang yumakap sya sa akin. "Tsk, mag saing kana nga Mr. President." Agad na singhal ko rito nang akmang hahalikan sya sa akin. Agad na napanguso ito.

"Grabe naman Csm! Wala man lang kiss! Good evening na nga po eh!" Nakangusong saad ni Imagination boy. Napabuntong hininga ako bago hinalikan sya sakanyang pisnge. "Yan. Mag saing kana." Walang expresyong saad ko rito matapos syang halikan sa pisnge.

Nakita ko ang pag ngiwi ni Imagination boy sabay hawak sakanyang pisnge. "Ano to? Pang tito? Pang pinsan? Kapag anak?" Madramang saad ni Imagination boy. Tinaasan ko sya nang kilay. "Demanding kana ha?" Taas kilay na saad ko rito.

Inirapan ako ni Imagination boy. "Lagot kasaakin Csm. Lagot kasa akin. Mamaya ka." Saad nito bago tumayo. Nakita ko sa gilid nang aking mata na pumunta ito sa kusina. Langya? Bakit naman ako malalagot?

Wala naman akong ginagawa sakanya. Diba?

Tsk. Napatingin muli ako sa telebisyon. Pinapanood ko yung bagong teleserye ni Marian Mendoza. Tsk. Maganda naman sya. Mabait din ang issue sabug sya. Ayaw ko sa mga maingay. Hindi ko nga alam kung paano naging kaibigan ni Moon ang isang ito.

Eh tahimik yun. Tsk. Ang isang tao parang maguguho buhay mo kapag sinimulan syang kausapin. Langya. Paano ko na laman? Nakasama ko narin kasi sya nang maki sabay ako noon kay Moon. Grabe. Napaka tulin nyang mag salita akala mo naman isang rapper. Tsk.

Nanood nalang ako nang teleserye nya hanggang sa matapos ito. Nang matapos ang palabas ni Marian Mendoza ay kinuha ko ang telephone ni Imagination boy. Pumunta ako sa isang apps para umorder nang Pizza.

Kanina pa kasi ako natatakam, eh. At langya. Hindi ako pwedeng umorder dahil baka mag taka yung rider. Tsk. Maissue pa ako. Si Fire na nga yung may malaking issue ngayon eh. Langya. Hayaan nyo na kaya nya na yun. Malaki naman na sya. Tsk.

Nang matapos akong umorder ay agad akong tumayo. Nag lakad ako papunta sa kusina para sabihin kay Imagination boy na umorder ako. Habang nag lalakad ako papunta sa kusina nya ay narinig ko ang boses nito na parang may kinakausap.

"Cay ikaw ha? Huwag kang didikit sa aso ni Psalm. Nako. Sinasabi ko sayo. Yung tatay nuon babaero! Akalain mo namang two timer pala ang asong yun! Tsk! Tsk! Kawawa naman ang Mama mo kaya huwag kang mag papaharot doon sa asong yun!" Pag bibiliin ni Imagination boy na parang susugod sa gera.

Agad naman akong napangiwi. Langya. Hindi ko talaga alam kung matino ba talaga ang isang ito o hindi eh. Tsk. Akalain nyo? Pati buhay nang aso pinapakialam. Langya. Tsk. Tsk. Pasalamat sya gusto ko sya kung hindi baka sabihin ko sya nang baliw.

"Hoy ang ingay mo." Agad na saad ko kay Imagination boy nang makapasok ako sa kusina. Agad kung naamoy ang mabagong ulam na niluluto nito. Nakita kung naka apron ito habang nag gagayad nang kung anong sahog. Samantalang ang dalawang aso nya naman ay nakaupo habang nakatingin sakanya.

Agad na napatingin si Imagination boy sa akin. Nakita ko kaagad ang ngiti nito sa labi nang makita nya ako. "Bebe love! Upo kadito dali!" Ngiting ngiting saad ni Imagination boy sabay turo sa upuan sa harap nya.

Agad naman akong nag lakad papunta doon. "Anong niluluto mo?" Kunot nuo kung tanong. Malawak itong ngumiti sa akin. "Ewan nakalimutan ko na tawag pero napanood ko sya kanina Csm! At mukha namang masarap kaya niluto ko!" Nakangiting saad ni Imagination boy.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon