Ika-58

2K 80 16
                                    

TYRAENE POV'

"Ang saya mo yata Tyraene?" Nakangiting saad ni Rhapsody nang makapasok ako sa Classroom. Ngumiti ako sakanya. "Ganon talaga." Nakangiting saad ko. "Congrats pre." Saad ni Cyan nang makaupo ako. Nakangiti akong tumango.

"Salamat." Nakangiting saad ko. Nakita ko ang agad na pag lapit ni Rhapsody sa akin habang naka kunot ang kanyang nuo. "Congrats? May nanalo sa lotto?" Takang saad ni Rhapsody. Mukhang wala pa syang alam ha? Hehehe. Kaya pala wala pa syang mga tanong sa akin.

Nag kibit balikat si Cyan sabay kuha nang libro nya. "Poor not updated." Nakangising saad ni Cyan. Napataas naman lalo ang kilay ni Rhapsody. "Not updated mo mukha mo. Ano bang meron Rae?" Taka kunot ang nuong tanong sa akin ni Rhapsody.

Ngumiti ako sakanya. "Tingnan mo yung Socials Media Account ko." Nakangiting saad ko. Hindi ko maalis ang ngiti ko. Hindi sya maalis sa labi ko. Sunod sunod ang nagiging magandang bagay na nangyayari sa buhay ko.

Wala naman yata itong kapalit no? Wala naman yatang bayad ang ngiti ko diba? Ngayon lang ako naging masaya. Sana walang kapalit ito.

Takang binuksan ni Rhapsody ang selpon nya. Wala pang ilang segundo ay nakita ko ang pag laki nang mata nito. "WHAT THE?! GWAPO AKO PERO BAKIT HINDI KO ALAM ANG MGA GANAP SA BUHAY NYO?! TOTOO BA ITO RAE?! IN A RELATIONSHIP KANA?!" Nanlalaki ang matang saad ni Rhapsody. Nakangiti akong tumango sakanya.

"Oo, nag date nga kami kagabi eh. Alam mo yun my date ko? Doon kami nag date." Mayabang na saad ko. Nanlalaki naman ang mata ni Rhapsody na lumapit sa akin. Lumapit sya sa may tenga ko. "Sino naman yang shawty nayan Rae? Si Zarina ba?" Natatawang saad ni Rhapsody.

Nakangiwi akong umiling. "H-Hindi no!" Saad ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Cyan. "Sino ba ang nililigawan ni Rae?" Parinig nito kay Rhapsody. Nanlaki naman ang mata ni Rhapsody na napaisip.

"Sino nga ba?" Pag iisip nito na napaka lalim. Ngumiwi naman ako. "C nag sisimula." Pag clue ko kay Rhapsody. Napailing nalang si Cyan at muling nag basa. Mas lalong napaisip si Rhapsody. "C? Carina?" Natatawang saad nito. Nginiwian ko sya.

"Hindi no!" Nakangiwing saad ko. Napaisip nanaman ito. "C? May S ba next letter nang C nya?" Takang saad ni Rhapsody. Nakangiti akong tumango. "OO! OO!" Nakangiting saad ko.

Ngumiti si Rhapsody bago sunod sunod na tumango. "TALAGA?! UHMMM-ANO BA ANG NEXT LETTER?!" Nahihirapan na tanong ni Rhapsody habang napapaisip. Ngumuso ako. Mukhang matatagalan pa kami ha? Sabihin ko na kaya?

"M yung sunod Rhapsody." Nakangiting saad ko. Tinaasan ako nang kilay ni Rhapsody. "M YUNG SUNOD?!" Takang tanong nito. Tumango ako. "Oo M!" Nakangiting saad ko.

Mas lalong napaisip si Rhapsody. "M? Kung M anh huli tapos S yung pangalawa tapos C naman ang basa doon ay------" hindi na natapos ni Rhapsody ang sasabihin nya nang mag salita si Cyan. "Csm." Saad ni Cyan. Nakangiti naman akong napatango tango.

Napaisip lalo si Rhapsody. "CSM?! CSM YUNG NILILIGAWAN MO KAYA SI CSM YUNG JOW-----WHAT?!" Nanlalaki ang matang saad ni Rhapsody. Tiningnan nya ako nang gulat na gulat. "SI CSM YUNG GIRLFRIEND MO?!" Gulat nitong saad. Nakangiti akong tumango.

Nakita ko ang pag ngisi ni Cyan. "Omsim, nakuha mo poor update." Natatawang saad ni Cyan. Nanlalaki ang mata ni Rhapsody. "BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAN?!" Parang frustrated na saad ni Rhapsody.

Tumawa ako. "Ayos lang yan Rhapsody alam mo naman na ngayon eh." Natatawang saad ko sabay tapik tapik nang balikat nya. Napa sabunot si Rhapsody sakanyang buhok. "AISH! NAKAKA TAMPO NA KAYO HINDI NYO MAN LANG AKO INA-UPDATE!" Nakangiwing saad ni Rhapsody. Tumawa lang kami.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon